Ang pagtutuos

1212 Words
"Malaya ka na Jacob!!! makakalaya na ang kaluluwa mo!!" Naiiyak na wika ni Enzo sabay yakap sa kanyang kaibigan sapagkat sa wakas ay magiging matiwasay na din ang buhay niya sa reyalidad at makakaakyat na sa buhay na walang hanggan si Jacob. Ngunit ang kaligayahan na iyon ni Enzo ay siya namang kabaligtaran ni Jacob sapagkat nasa harapan na nila ang halimaw. "Hindi pa oras para magsaya Enzo.. andito na siya..." "PANGAHAS KANG BATA KAAA!!!!" Kasabay ng nakakapangilabot na sigaw na iyon ng halimaw ay ang pagguhit nang matalim na kidlat sa kapaligiran. Biglang nagliyab ang buong paligid kasabay nang pag-ngangalit ng halimaw. "AKALA N'YO BA AY MAKAKATAKAS KAYO??!! AKIN LANG KAYOOO!!!" "Sinabi ko naman sa'yo Mauricio na hindi ka magtatagumpay!!!" Matapang na sigaw ni Jacob. May pagtataka naman na napatingin si Enzo sa kaibigan kasabay ng pagbalot ng takot sa kanya. "M-mauricio? kilala mo siya Jacob?" "Oo Enzo, kagaya ko ay nakulong din siya sa panaginip, ngunit sa kasakiman sa kapangyarihan at buhay ay isinangla niya ang kanyang kaluluwa at buhay sa demonyo, kaya niya ako ikinulong upang magaya sa kanya." "MAMAMATAY KA DIN BATA!! AKIN ANG BUHAY MO!!" "Hindi mo magagawa iyon Mauricio! hindi mo kami kaya!!!" "AT ANO ANG INYONG MAGAGAWA? AKIN ANG MUNDO NA ITO!! AT HINDI KAYO MAKAKAWALA DITO!!! WAHAHAHAHA!!" "Hindi ka magwawagi Mauricio!! hindi magwawagi ang kampon nang kadiliman!!" Sigaw ni Jacob na buong tapang na harapin ang halimaw. "Hindi ako takot mamat*y sapagkat matagal na ako'ng p*tay! ngunit hindi mo makukuha ang aking kaluluwa at ang buhay ng kaibigan ko!!" "MATAPANG KA JACOB! TIGNAN NATIN KUNG HANGGANG SAAN ANG TAPANG MO!!" Muling dumagundong ang buong paligid kasabay nang pagbagsak nang isang malaking bolang apoy. AHHHHHH!!!!!" malakas na sigaw nang dalawang mag kaibigan nang tumalsik sa kanila ang bahagi ng bolang apoy. "Ang iniiittttt Jacobbb.." "Huminahon ka lang kaibigan, panaginip mo ito, mag isip ka sa imahinasyon mo na pwede nating gawin." kumbinsi sa kanya ni Jacob nang mapansin ang takot sa kanyang mukha at panginginig ng kanyang katawan. "A-anong gagawin natin Jacob? Papano na tayo makakatakas?" nagsimula nang manginig ang buo niyang katawan dahil sa tindi nang takot na makita ang galit nang halimaw, bumalik sa kanyang ala ala noong nangyari na muntik na siyang map*tay nito. Ngunit bago pa makapagsalita si Jacob sa mga dapat nilang gawin upang kalabanin ang halimaw ay bigla nitong itinaas ang kanyang hawak na kalawit at buong lakas na ihahataw ito sa kanila. "MAMAMAT*Y KAYYYOOOO!!!" "Enzooo!! Takbooooo!!!!" Mabilis na naka ilag ang dalawa sa atake nang halimaw at nakatakbo sila kaya't hindi sila natamaan sa patalim nang kalawit ngunit handa ang halimaw na ito na habulin sila at hindi siya titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto. "Basta takbo lang Enzoo! huwag mong hayaan na mahuli ka niya! habang tumatakbo ka, isipin mo ang dapat mo'ng gawin para magapi natin ang halimaw na si Mauricio." "HINDI NIYO AKO MATATAKASAN!! DITO NA KAYO MAMAMAT*Y!! WAHAHAHAHAH!! DITO NA KAYO HABANG BUHAY!!!" "Jacob, si Leonora, kailangan ko'ng hanapin si Leonora..." Sambit ni Enzo sa kaibigan sa kalagitnaan ng kanilang pagtakbo sa pagtakas sa halimaw. "Kailangan ko siyang mahanap, baka siya ang mapagbalingan ng Mauricio na 'yan," "SIGE TAKBO PA MGA BATAAA!!! MAHUHULI KO DIN KAYOOO!!!" Habang walang humpay ang pagtakbo nang dalawa sa kadiliman ay sige naman ang isang mala demonyong halakhak ng halimaw na nagbibigaya kilabot sa buong paligid. Panay bagsak din ng mga bolang apoy na nanggagaling mula sa itaas. "Sino ba ang tinutukoy mo? Enzo, tayo lang ang nandito, walang Leonora ka'ng kasama na sinasabi mo.." "Pero Jac---AHHHHHHHHH!!!!!" Bumalandra ang katawan niEnzo nang matamaan siya ng piraso ng tumasik na bolang apoy at nalapnos ang bahagi ng kanyang binti pati na ang kanyang katawan. "Enzzooooooo!!!!!!" Biglang tumakbo si Jacob sa gawi ng humagis na katawan ng kaibigan at tinulungan ito na makatayo. "Tumayo ka Enzo!!!" Hinila siya ni Jacob mula sa pagkakatumba ngunit hindi niya kaya'ng tuimayo. "A-ang s-sakit J-jacobb... ang hapdiiiii.." daig niya sa kaibigan. "Kaya mo 'yan! lumaban ka, lakasan mo ang loob mo kaibigan, utang na loob.." "H-hindi ko k-kaya, ang s-sakiitt J-jacobb.." "Hindi pwede!" Lumuhod si Jacob kasabay ng pag agos ng mga luha sa kanyang pisngi at saka pinipilit na itayo ang kanyang kaibigan. "Kailangan na makatayo ka diyan, Huwag mo'ng hayaan na magaya ka sa akin, may naghihintay pa sa'yo sa pagbabalik mo.. o kaya mag isip ka ng pwede mong ipanglaban sa kanya, bilis mo habang malayo pa siya sa atin.." Tensiyonado na si Jacob dahil nag aalala na siya sa kalagayan ng kanyang kaibigan na baka hindi na din ito makabalik sa reyalidad at tuluyan din itong mapasakamay kay Mauricio. "A-anong iisipin ko? A-anong pwede natin na ipang laban sa kanya?" "Ano ba ang madalas gamitin kapag nasa ilalim ka ng demonyo? bilisan mong mag isip Enzo bilisss!!!" "WAHAHAHHAHA!!! SABI KO NA SA AKIN LANG KAYO WAHAHAHAH!!" "J-jacob, rosaryo, may rosaryo ako sa bulsa ko.. d-dukutin mo.." Sapagkat hindi makagalaw si Enzo sa tindi nang sunog na kanyang tinamo ay si Jacob na ang kumuha sa rosaryo nito sa kanyang bulsa. "Pilasin mo ang rosaryo Jacob.. kada piraso ng butil ng rosaryo ay isa-isa mong ibato sa kanya, sagrado ang rosaryo na iyan at tiyak na tatablan siya diyan." "Masusunod kaibigan.." Sang ayon nito kay Enzo. "At isipin mo din Enzo, kontrolin mo din ang mga pangyayari, pagalingin mo ang sarili mo gamit ang imahinasyon mo..dalian mo lang!!" Bago makalapit ang halimaw na si Mauricio ay mabilis na napilas ni Jacob ang rosaryo, at tulad ng utos ni Enzo ay kada butil na bahagi nito ay inihagis at ibinato sa halimaw. "AAAHHHH!!! TUMIGIL KAAAA!!! AHHHHHH!!!!" Dumadagundong na hiyaw nang halimaw nang matamaan siya ng butil ng rosaryo. Maliit na butil man kung tutuusin ang mga bilog na bahagi ng rosaryo ngunit malaki ang epekto nito sa halimaw, kada natatamaan siya ay nagliliyab ang kanyang katawan at tila naagnas siya ng paunti unti. "Sige!! Lumapit kapa!! Sabi ko naman sayo hindi ka magwawagi!!" patuloy na bato nito sa kanya ng butil ng rosaryo. "AHHHH!!! TIGILAN MO 'YAN!! AHHHH!!! HUMANDA KA SA KIN BATA KA AHHHHH!!!" Iniangat ng halimaw ang kalawit na hawak at puno ng galit na ibinato iyon kay Jacob.. ""AAAHHHHH!!! ARRAAYYY KOOOO!!!! E-enzzoooo!!!!" "T-tulong enzooo!!" Naalarma si Enzo sa sigaw na iyon ng kanyang kaibigan. Nang mga oras na iyon ay gumaling na ang mga sugat ni Enzo at may nakahanda na din siyang mga panlaban sa halimaw na nasa kanyang harapan. Bumuo siya ng mga panlaban sa kanyang imahinasyon ay buo na ang kanyang loob sa kanyang gagawin. Akin ang panaginip na ito, sa akin mundo ito, imahinasyon ko ang nakapaloob dito at maari kong gawin at isipin anuman ang gustuhin ko.. Iyan ang paulit-ulit niyang inuusal sa kanyang pag iisip. At nang makita ang kanyang kaibigan na si Jacob na may malaking sugat sa kanyang katawan ay lalo siyang nabuhayan nang loob na harapin ang halimaw. "Hindi ako papayag na basta mo na lang kami makukuha halimaw ka!! magbabayad ka sa ginawa mo!!" "WAHAHAHHA!!" malakas na halakhak ni Mauricio ngunit sa pagkakataon na ito ay hindi na siya takot. "AT ANONG GAGAWIN MO BUBWIT? WALA KA NANG MAGAGAWA!! AKIN KA NA!!! WAHAHAH!" At inihanda na ng halimaw ang kanyang kalawit upang isugod iyon kay Enzo. "MAGDASAL KA NA BUBWIT!!" "Enzo, mag iingat ka sa kanya!" Paalala sa kanya ni Jacob. "KATAPUSAN MO NA!! AAAAHHHHH!!" At inumang na nang halimaw ang patalim na hawak, kasabay noon ay ang pag pikit ng mga mata ni Enzo at... "AAHHHHHHHAAA!!!" Isinangga ng halimaw ang kanyang kamay ngunit biglang umusok at nagliyab ang kanyang braso. " ANO TOOOOO!!! AHHHHH!!! NASUSUNOOOOGG AKOOOO!!!ANONGG GINAWA MO SA AKIN!! AHHHHH!" Halos hindi magkandamayaw sa paghiyaw si Mauricio. "HINDEE!!! MAGBABAYAD KA BUBWITTT!! AHHHHH!!!" "Sige lang! iyon ay kung malalapitan at mapapatay mo ako!! Hindi mo na ako masisindak pang muli!!" matapang na saad ni Enzo. "Enzo? Ano ang ginawa mo? Ano 'yang hinahagis mo sa kanya?" tanong na nagtataka si jacob. "Holy water, banal ang tubig na iyan na galing pa sa banal na bundok ng Sierra madre, at alam ko na magagapi natin siya diyan." "AHHHHH!!! HINDEEEE!! ANG INEETTT AAAHHHHH!!!! ANG KATAWAN KOOOOOOOO!!!!!"patuloy si Mauricio sa kanyang paghiyaw ngunit paubos na ang hawak na holy water ni Enzo ay hindi pa din siya tuluyang nawawala o nalulusaw ang kanyang katawan. Nag isip muli at sa kanyang imahinasyon si Enzo, inuna niya na pagalingin ang kanyang kaibigan tapos ay ang kanyang sandata ulit ang kanyang inisip. "Tulungan mo ako Jacob, pagtulungan natin siya'ng labanan!!" Isang mahaba na patpat ang inihagis ni Enzo sa kanyang kaibigan. Buntot iyon ng pagi na siyang panlaban din nila. Lahat ng mga pwedeng panlaban ng mga masasamang espiritu ay kanilang hawak upang masiguro na mawawala nag demonyong halimaw na ito. Mabilis na kumilos si Jacob, lumapit siya kay Muricio at buong lakas na inihataw sa kanya ang sandata niyang hawak habang si Enzo ay panay pa din ang saboy sa kanya ng holy water at nang asin. "AAHHHHH!!!! AYOKO NAAA!! AAAHHHH!!! HUMANDA KAYOOOOO!!!!!" Muli ay umulan ng mga bolang apoy, magkakasunod na pag ulan ng bolang apoy na unti unting pagkasunog ng buong paligid, ang kaninang madilim na lugar ay nagmistulang isang imyerno sa naglalagablab na apoy sa buong paligid. Kasunod noon ay ang paglitaw ng mga itim na pigura nang tao na tila mga kulto ngunit wala silang mga mukha, mga naka itim silang lahat at ang kanilang mga damit ay duguan, puno sila ng galit na lumapit at pinalibutan silang dalawa. "WAHAHAHAHAHA!!! KATAPUSAN N'YA NA HAHAHAHHAHA!!!!!" "J-jacob... Si-sino sila? B-bakit sila nandito??" Napaatras si Enzo sa kanyang kinalalagyan, napapikit siya sa sobrang init na kanyang nararamdaman, tila siya niluluto sa sobrang init ng paligid. "N-nanghihina a-akooo J-jacob... ang iniiitttttt...." Paunti-unti ay pakiramdam ni Enzo at tila siya isang kandila na nauupos ang kanyang lakas. "Kontrolin mo ang isip mo Enzo, imahinasyon mo lang sila, Imahinasyon mo lang ang apoy na 'yan, isipin mo na mawawala sila bilis!" Napalunok si Jacob dahil na din sa takot at pagod, hindi niya inaakala na dadami nang ganito ang makakalaban nila, at ang nakakapagpalala sa takot niya ay ang pag aalala sa kanyang kaibigan na baka hindi nito tuluyang makontrol ang emosyon sa kanyang panaginip at hindi na makabalik. "Kaya mo 'yan Enzo, huwag mo'ng hayaan na matalo ka sa imahinasyon mo.." Pagpapalakas niya sa loob nang kanyang kaibigan. "WAHAHAHHA!! AKALA NINYO KAYA N'YO AKO?? KATAPUSAN N"YO NA!!!" Ang pag sigaw na iyon ni Mauricio ay naging hudyat upang sugurin sila ng mga nakaitim na nilalang. Muling pumikit si Enzo upang kontrolin ang kanyang imahinasyon, ngunit bago pa n'ya nagawa ay naramdaman na niya ang isang kamay na humila sa kanya at buong lakas siyang sinakmal sa leeg at naramdaman niya ang pagkirot ng kanyang leeg kasabay ng pag agos ng likido. "AAACCKKKKKK!!!!! AAACCKK!! J-jaaccoobb AAACCKKKKK!!!" hinging saklolo niya sa kanyang kaibigan na si Jacob ngunit maging ang kanyang kaibigan ay hawak din nang isang itim na nilalang at hinahampas siya nito. Nilakasan ni Enzo ang kanyang loob, nahihirapan man siyang huminga dahil sa higpit ng pagkakasakmal ng nilalang na nakaitim sa kanyang leeg ay pinilit niyang igalaw ang kanyang mga kamay, hinanap niya ang kanyang bulsa at dumukot siya ng asin doon at buong lakas na sinaboy iyon sa mukha ng nilalang na may hawak sa kanya, pagkasaboy niya ng asin ay bigla itong nagliyab at nagmistula itong abo na nawala. Pagkabagsak niya sa lupa ay mabilis siyang tumayo at pinuntahan si Jacob, mabilis siyang dumukot ng asin at isinaboy iyon sa mga nilalang na nakapaligid sa kanila, nakawala si Jacob sa may hawak sa kanya at nakalapit na kay Enzo ngunit dumami ulit ang mga alagad ni Muricio. "Jaccooobbb Takboooooo!!!!!" muli ay tumakbo silang magkaibigan ata nakipaghabulan sa mga nilalang, inabutan ni Enzo ng asin at holy water ang kanyang kaibigan atsaka iyon isinasaboy sa kanilang likuran habang tumatakas sa mga masasamang nilalang na humahabol sa kanila. "HINDI KAYO MAKAKATAKAAASSSS!! AKIN KAYOOO!!" "Jacob... nahihirapan na ako, parang hindi ko na kaya," hinihingal na wika ni Enzo sa kaibigan. "Huwag mong sabihin 'yan, kayanin mo kaibigan, konti na lang at maaabot na natin ang liwanag." "Pero pagod na ang katawan ko, hindi ko alam kung magtatagal pa ako.." "Enzo huwag...basta tumakbo lang tayo, kapag naabot natin ang liwanag, mawawala na si Mauricio, kusa siyang maglalaho sa panaginip mo.." Bago pa makapagsalita ulit ay muling humarang sa kanilang harapan ang halimaw, mabilis niyang itinaas ang kanyang hawak na sandata at.. " Enzo sa likod mo!!!" ngunit huli na bago pa makaiwas si Enzo sa sigaw na iyon ni Jacob sapagkat nakita nang dalawang mata ni Jacob na bumaon ang hawak nitong kalawit sa tagiliran ng kanyang kaibigan na si Enzo. "J-jacoobbb.. Ahhkkk.." yumuko si Enzo sa kanyang tagiliran, natulala siya habang pinagmamasdan ang dugo na umaagos sa kanyang tagiliran. "WAHAHAHAHA!!! AKIN NA ANG KAIBIGAN MO JACOB WAHAHAHAHA!!" Puno ng kasiyahan na halakhak ni Mauricio. "Hindeeee!!!!!!! Enzoooo!!!" Sinapo ni Jacob mula sa pagkakabagsak si Enzo at mabilis itong inalalayan. "Magbabayad ka!!!!!!" Dahil sa ginawang iyon ng halimaw kay Enzo ay namuo ang galit sa puso ni Jacob, kumuha siya ng isang dakot ng asin at buong galit na isinaboy iyon ng malapitan sa mukha ni Mauricio. "AHHHHHHHH!!! HINDDEEEEEE!!!!" "Magbabayad ka sa ginawa mo sa kaibigan ko halimaw ka!!" muli niya itong sinabuyan ng isang dakot ng asin at mas lalong namilipit sa hiyaw si Mauricio, kasabay noon ay ang pag saboy ulit ng holy water ni Jacob, pati ang buong paligid ng halimaw ay sinabuyan niya ng banal na tubig. " TIGILAN MO YAN!!!! NASUSUNOG AKOOO!!! TUMIGIL KA BAGO MO PAGSISIHAN ANG GAGAWIN KO SAYOOOO!!!?" Dumagundong ang buong paligid sa lakas ng pagsigaw ng halimaw, ngunit sa labis na galit ni Jacob ay hindi niya ininda ang galit nito, basta ang nasa puso lang niya ay ang mapaghiganti ang kanyang kaibigan. Nang sa tantya ni Jacob ay sapat na ang kanyang ginawa kay Mauricio ay binalingan niya si Enzo na noon ay nanghihina na. "Lumaban ka Enzo! Kaya mo'yan.." Pinilit niya itong itayo at inakay ang kaibigan. "Kailangan na natin makaalis dito Enzo, kailangan na natin na maabot ang liwanag upang makabalik ka na sa reyalidad." "H-hindi ko n-na k-kaya J-jacobb... N-nahihirappan n-na a-akooo.." pa utal utal na nag pagsasalita ni Enzo, panay pa din ang pag agos ng pulang likido sa kanyang tagiliran. "HINDI KAYO MAKAKAWALA SA KAMAY KOOOO!!!?" sigaw ulit ng halimaw. "J-jacobb.. s-salamattt... N-ngunitt hanggang d-dito n-na lang t-talaga y-yata a-akooo..." "Hindi maari!!!" mabilis na umagos ang mga luha sa pisngi ni Jacob. "Lumaban ka! Pagalingin mo ang sarili mo gamit ang imahinasyon mo!! Malapit na tayo sa liwanag! Labanan mo!!! Enzo huwag kang sumukooo!!" "J-jacoobbb..." "Halikayo! Dito ang daan papunta sa liwanag! Bilisan ninyo bago pa magsarado ang lagusan!" Napalingon si Jacob sa mala anghel na tinig ng isang babae na bigla na lang lumitaw. "S-sino ka??" tanong niya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD