"Mamaya ka na magtanong, bilisan mo! sundan mo ako!" Lumapit ang babae at saka niya tinulungan si Jacob na akayin ang walang malay na si Enzo.
"Kailangan na natin siyang ibalik sa reyalidad, paubos na ang oras ni Enzo."
“Anong ibig mong sabihin? paanong paubos? hindi ba at matatapos at magigising din siya sa kanyang panaginip ng kusa?” Naguguluhan pa rin si Jacob habang akay na din nila si Enzo.
Nanghihina na ito, hindi na halos makagalaw at parang mauubusan na siya ng dugo sa bilis ng pagtulo ng pulang likido sa kanyang tagiliran. Hindi sigurado si Jacob kung makakayaan pa ba talaga na makabalik si Enzo sa reyalidad.
“Matagal na siyang tulog Jacob, na stuck na siya sa panaginip niya, ngunit may pagkakataon pa siyang makalabas basta hindi pa nagsasara ang lagusan.. kailangan na nating magmadali, kundi ay pati ikaw ay makukulong dito at hindi na tuluyan man na makakalabas...”
Mabilis ang kanilang ginawang paglakad, nahihirapan man silang dalawa ay pinilit pa din nilang buhatin si Enzo at hanapin ang sinasabi nilang liwanag na siyang lagusan upang makawala sa kadiliman.
"Hindi kayo titigilan ni Mauricio hangga't nandito kayo, kailangan n'yo nang magmadali!" patuloy na sabi ng babae.
"Bakit mo kami tinutulungan? Sino ka ba talaga?"
Bago pa makapagsalita ang babae at sagutin ang katanungan na iyon ni Jacob sa kanya ay biglang gumalaw si Enzo at nagkaroon ng malay, dahan dahan nitong inangat ang kanyang mukha.
“J-jacobbbb...H-hindi ko na k-kayaaaa..h-hi r-rappp n-na a-akooooo"..”
Dahan dahan na ibinaling ni Enzo ang kanyang ulo sa isang tao na umaakay sa kanya,
“L-leonorraaa???? I-ikaw ba 'yannn?”
“Ako nga aking irog, Lumaban ka ha? malapit ka nang makabalik sa reyalidad... konting tiis pa!”
“Ikaw si Leonora?” tanong ni Jacob.
“Oo, ako nga, bilisan pa natin Jacobbb..ramdam ko na malapit na tayo’ng abutan ni Mauricio,malapit na siya”
Sa gitna nang kanilang paglalakad ay umalingangaw na naman ang nakaka panindig balahibo na boses nang halimaw.
"HINDI KAYO MAKAKATAKAAASSSSS!!! AKIN LANG KAYOOOOO!!!!!"
"Bilisan na natin, ayan na si Mauricio.." Nahihirapan man at pinapapawisan na ay pinilit pa din ni Leonora na bilisan ang paglakad nila.
"Ayan na ang liwanag Jacob, konti na lang maabot na natin!!!"
"Pagod na ako.. maging ako ay nahihirapan na.." hinihingal na sambit ni Jacob.
"Konting tiis pa Jacob, makakalaya ka na at makakabalik na si Enzo.."
"L-leonora m-mahal kooo.." nahihirapan na sabi ni Enzo.
"B-bumalikk k-kaaa.. b-binal-lik-kan m-mo a-akooo.."
"Ssssshhh.. huwag ka nang magsalita.." sinapo ni Leonora ang mukha ni Enzo at hinaplos iyon.
“Kailangan mo ang iyong lakas para makabalik ka..”
Nang maabot na nila ang liwanag ay bigla silang napahinto, nang lingunin ni Jacob ang kanyang likuran ay isa itong napakalalim na bangin. Malalapad at makakapal na ulap ang bumungad sa kanyang paningin. Napalunok siya sa kalaliman ng bangin na iyon, labis siya'ng nalula sa kanyang nakita.
"Sabi mo ay ito ang daan papunta sa liwanag? B-bakit may bangin?"
"Eto lang ang natatanging paraan Jacob."
“P-pero sandali, bakit kilala mo si Mauricio?”
“Mahabang kwento, hindi ito ang oras para pag usapan iyan, Jacob.. si Enzo... kailangan na siyang bumalikkk..”
Bago pa makapagtanong ulit si Jacob ay sumulpot na sa kanilang harapan si Mauricio at buong galit na hinarap silang tatlo.
"AT ANO ANG BALAK NINYO'NG GAWIN?!!! BAGO KAYO MAKATAKAS AY PAPAT*YIN KO NA KAYOOOO!!!!!!"
Muli ay gumuhit ang kidlat at dumadundong ang buong paligid. Kasabay noon ay ang pagbulusok ng apoy sa katawan ni Mauricio tanda ng sobrang galit niya ng sandaling iyon, iniumang na niya ang kanyang kalawit.
"AHHHHHH!!!! MAMAMAT*Y KAYOOOOOO!!!!!!"
"Tumigil ka na Mauricio!!!! " Humagulgol na sa iyak si Leonora sa pagkakataon na iyon, gusto na niyang matigil ang lahat ng nangyayari na ito.
"Hindi ang pagkuha ng kaluluwa at ang pagpasok sa panaginip ng mga inosenteng tao ang sagot upang mabuhay ka! Tigilan mo na ang ginagawa mo!!!"
“AT SINO KA PARA UTUSAN AKO SA DAPAT KONG GAWIN?!! MAGING IKAW AY PAPATAY*N KO DIN!!!” sumiklab ulit ang matalim na kidlat sa buong paligid, ang liwanag ay napalitan ng kulay dilaw na kapaligiran dahil sa apoy na nagkalat.
“Mauro.. hindi mo ba ako naaalala?”
“L-LEONORAAA??”
“Ako nga Mauricio, hindi ba't ako lang ang tumatawag sa iyo ng Mauro? Sige na.. pakawalan mo na sila, tigilan mo na silaaa..”
“HINDIII!!! AKIN LANG SILA!! HINDI MAARI ANG GUSTO MONG MANGYARI!!!”
“Utang na loob Mauro, andito ako, ako na lang ang kunin mo, huwag mong hayaan na makulong ka sa bulong ng demonyo.”
“BAKIT KITA PANINIWALAAN? GAYA DATI AY ISA KA PA DING SINUNGALING!!! MAGING IKAW AY PAPATAY*N KO DIN!!”
“Sige Mauro!! Iyan din naman ang gusto mo hindi ba? Ang makuha ako? Sige, heto! Nakahanda na ang sarili ko!! Pero hindi mo sila makukuha!!! Kailangan nilang makaalis sa lugar mo na ito!!!”
“HINDIIII!!!! WALANG MAKAKA ALIS NG BUHAY DITO SA LUGAR KO!!!! LAHAT NANG NANDITO AY NAGIGING PAG AARI KOOO!!!!”
Bumaling si Leonora kay Jacob at kay Enzo na may malay na at tila naguguluhan sa nakikita.
"Kailangan na ninyong lumisan ngayon din, bago pa niya maibuhos ang kanyang lakas at galit at baka mapat*y kayo.."
"Leonora Mahal ko..." Sambit ni Enzo, “paano ka?”
Lumapit si Leonora sa kanya at saka hinaplos ang kanyang mukha.
“Leonora Villa Gracia.. Sampaguita St. Calle Arevalo Ermita Manila.”
“Ano ang gagawin ko sa lugar na iyan?” ngunit imbis na sumagot si Leonora ay isang malapad na ngiti lang ang isinukli sa kanya at saka hinagkan sa noo.
“Jacob, malaya ka na, mabuhay ka sana sa walang hanggan,”
Dumungaw si Jacob sa ilalim ng bangin, napalunok siya ng makita niya ang mga makakapal na ulap, kapag nahulog sila dito ay paniguradong makikitil din ang buhay ni Enzo. Siya nga ay makakawala sa kadiliman ngunit ang kanyang kaibigan ay masasawi din dahil sa bangin na ito.
“S-saan ang lagusan palabas dito Leonora?” Tanong ni Jacob.
Ngunit bago pa maibuka ni Leonora ang kanyang bibig ay nagbigay na naman ng isang utos si Mauricio kay Leonora.
“PATAY*N MO SILA LEONORA!!! PATAY*N MO SILAAAA!!!!!"
Pumikit si Leonora, kasabay ng pagpikit niya'ng iyon ay ang pag agos ng kanyang mga luha sa kanyang makinis na pisngi.
“Patawad Jacob, Patawad Enzo mahal ko.... Iniibig kita Enzo, sana ay hindi mo ako makalimutan...”
Kasabay ng pagkasabi niyang iyon ni Leonora ay ang sabay na pagtulak niyang dalawa kay Jacob at Enzo sa malalim na bangin.
“Paalam mahal ko'ng Enzooo...”
“HINDEEEEEEEE!!!!!! HINDI KAYO MAAARING UMALIS DITOOOOOO!!!!HINDEEEEEEEE!!!!!!!!!!!!”
“Leonoraaaaa mahal koooooooo!!!!!!!”