“Enzo! Enzo kaibigan! Halika dito..”
Nagising ang diwa ni Enzo sa paulit ulit na tumatawag sa kanyang pangalan. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata, bumungad sa kanya ang napaka liwanag na paligid, nang inikot niya ang kanyang paningin ay tila isa itong paraiso na napapaligiran ng mga bulaklak na matitingkad ang mga kulay, may mga ibon din na nagliliparan.
“Nasaan ba ako? Ano'ng klaseng lugar ito?” mahina niyang anas habang patuloy niyang iniikot ang kanyang paningin sa paligid.
Napaka tahimik ng paligid. Kay sarap pakinggan ng mga huni ng ibon, at ang ganda ng paligid.. kaysarap pagmasdan..
Napadako ang paningin niya sa isang malaking puno, doon ay may isang nakaputi na lalaki ang nakatayo doon. Tumayo siya mula sa kanyang kinalalagyan at saka lumapit sa kinaroroonan nang lalaki.
Hindi pa man tuluyang nakakalapit si Enzo nang magsalita ang lalaki.
“Napaka tahimik at napaka ganda ng lugar hindi ba?”
Napahinto sa paglalakad si Enzo, bigla ay tila nalunod ang kanyang puso sa emosyon na kanyang nararamdaman nang marinig ang boses at mapag sino ang may-ari ng boses na nagsalita.
“Isang lugar na nais puntahan nang kung sino man. Isang lugar kung saan, matatagpuan ang buhay na walang hanggan...”
“J-jacobbbb..”
Biglang humarap sa kanya ang lalaking nakaputi, tapos ay buong tamis na ngumiti sa kanya.
“Ako nga kaibigan.”
“Jacooobb!!!!!” dahil sa galak ay napaluha siya at mabilis na tinungo ang kaibigan at saka niya ito niyakap ng mahigpit.
“Salamat! Salamat at nakita ko din ang iyong pag ngiti kaibigan ko!! Natutuwa ako na makita kita'ng may ngiti sa mga labi.”
Kumalas siya sa pagkakayakap mula sa kaibigan at saka pinahid ni Jacob ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi.
“Ako ang dapat na magpasalamat sa iyo Enzo, dahil iniligtas mo ako, inilabas mo ako sa kadiliman na iyon.. at heto.. nandito na ako ngayon, sa buhay na walang hanggan...”
“P-pero teka.. b-bakit ako andito? P-pat*y na din ako???” kinakabahan na tanong niya kay Jacob.
“Hindi kaibigan... Hinatid mo lang ako sa lugar kung saan ako nararapat... At ngayon..oras na para ikaw naman ang bumalik...”
“Bumalik saan? Papano pa ako makakabalik?”
“Salamat Enzo, may naghihintay pa sa'yo.. hanggang sa muli nating pagkikita kaibigan... Maraming salamatttt...”
“Pero Jaco----!”
Hindi na naituloy pa ni Enzo ang kanyang sasabihin ng biglang nawala sa kanyang paningin si Jacob, may isang liwanag na biglang sumulpot sa kanyang harapan dahilan para masilaw siya. Hindi niya maaninag ang nasa liwanag sapagkat hindi niya mamulat ng husto ang kanyang mata, hanggang sa unti unti ay napansin niya na hinihigop siya papunta sa liwanag.
“A-ano to! S-saan ako p-pupunta??” napuno ng takot ang dibdib ni Enzo nang maramdaman niya ang pag angat ng kanyang katawan.
“AHHHHHH!!! TULOOONNNGGGGG!!!!”
“Jacobb!!! Nasaan kaaaa!!! Tulungan mo akooooooo!!!!!!”
********
Napabalikwas ng bangon si Enzo mula sa kanyang kama. Ramdam niya na nahulog siya mula sa pinaka ilalim na bahagi sa isang lugar. Nagtaka siya nang mabungaran niya ang kanyang paligid.
Nasa isang pribado siyang silid, pero sigurado niya na hindi kanya ang silid na iyon, at tila may nagbago sa kanyang katawan, tila naging malapad ang kanyang katawan at parang siya ay lumaki.
Nagulat siya ng biglang bumukas ang pintuan ng silid, iniluwa no'n ay isang babae na parang pamilyar ang itsura ng mukha ngunit hindi niya masiguro, tila ito ang kanyang Ate Angie pero bakit parang ang laki ng pinag iba niya?
“E-enzo??? B-bunsooo??? Gising ka na?? Maaaaa!!! Maaaa!!! Si bunsooo gising na!!!!!”
Patakbo na lumapit sa kanya ang kanyang Ate Angie kasabay ng pagbagsak ng mga luha ay ang pagyakap niya dito ng mahigpit.
“Salamat sa Diyos at ibinalik ka niya sa amin bunso!! Salamat at bumalik kaaa...” pinupog siya ng halik ng kanyang Ate habang umiiyak pa din ito,muling bumukas ang pinto ng silid at iniluwa niyon ang kanyang ina, na tila tumanda din ang itsura sapagkat nagkaroon ito ng wrinkles sa noo at medyo nagkulubot na ang mga balat at pamumuti ng kanyang buhok.
“Diyos ko ang anak koooooo!!” Niyakap siya ng mahigpit ng kanyang ina kasabay ng pagbuhos ng mga luha.
“Akala namin ay hindi ka na babalik.. salamat sa Diyos at hindi ka niya pinabayaan, salamat!!”
Kumalas sa pagkakayakap sa kanya ang kanyang Ate Angie at nakita niya ang ito na hinugot ang telepono sa bulsa nito.
“Hello! Mitch! Si Enzo, gising na si Enzo.. kailangan mong puntahan siya dito..”
'Yon ang narinig niya sa kanyang Ate Angie na sinabi sa kausap sa telepono, ngunit naguguluhan pa din siya sa mga nangyayari.
Ang alam lang niya ay pumasok siya sa Lucid dreaming, tapos ay nahiga siya sa kanyang kama at natulog, bakit ngayon na nagising siya ay nag iba ang kanyang mukha at pangangatawan,nag iba din ang mga tao sa kanyang paligid at tila tumanda ang mga ito. Isa na lang ang tao ang hindi niya nakikita..
“Ikaw ang Mama ko?” tanong niya sa matanda na yumayakap sa kanya na umiiyak.
“Oo anak, Enzo, ako ito si Mama.”
“Teka,nasaan si Papa? Bakit wala siya dito? At saka nasaan ako? Hindi naman ito ang kwarto ko hindi ba?”
Natahimik sila saglit, nakita ko na nagpalitan ng tingin si Ate Angie at si Mama.
“Anak, wala na ang Papa mo..”
Nagitla siya sa kanyang narinig, hindi siya makapaniwala.
“H-ha? P-pero papano? hindi ba't natulog lang ako??”
“Sampung taon ka'ng natulog bunso,ang akala nga namin ay hindi ka na magigising.”
“T-talaga?? P-pero bakit sa tagal ko'ng natulog hindi n'yo ako sinukuan?”
“balak ka na sana namin na sukuan na anak, kahit na normal lahat ng vital signs at t***k ng puso mo, nawalan na kami ng pag asa dahil nga matagal ka ng tulog, nagdesisyon na kami na ipalibing ka na sana sa susunod na buwan kung hindi ka pa nagising..buti at mabait ang Diyos.”
Pakiramdam ni Enzo ay mababaliw siya sa kanyang narinig, gano'n katagal siya nakatulog? ganoon katagal???
“M-ma.. pahingi po ng tubig..”
Mabilis na lumabas sa silid ang kanyang ina, pagkabalik ay kasama na nito si Mitch na nag iba din ang kanyang itsura, Tumanda din ang itsura nito ngunit maganda pa din naman ang kanyang mukha.
“Ate Mitch???”
“Enzooo!!!” mabilis na yumakap sa kanya si Mitch atsaka niya ikinulong sa kanyang palad ang mukha ni Enzo.
“Mabuti at nagising ka!! Salamat sa Diyos at ibinalik ka niya..”
“Ate Mitch, paano nangyari ang ganito? Sampung taon daw akong natulog?”
“Oo Enzo, na stuck ka sa panaginip mo, sinubukan kitang pasukin sa imahinasyon mo, pero hindi ako nakapasok.. hindi kita nahanap.. ”
“Kaya pala habang nasa panaginip ako, may naririnig ako na nagsisigawan at umiiyak, alam ko na kayo iyon hindi ba?”
“Oo bunso,”singit ni Angie.
“Nag panic na kami ni Mitch, dalawang oras ka nang tulog noon, kung pa lang narinig mo kami noon, bakit hindi ka bumalik?”
“Inililigtas ko si Jacob noon Ate, kaya hindi ako nakabalik noong narinig ko kayo..”
“Pero maayos na s'ya.. nasa maayos na siyang lugar Ate.. nagtagumpay ako... Napakawalan ko si Jacob...”
“Alam ko.. dahil nagpakita siya sa akin Enzooo.. Salamat ha?? Salamat at napakawalan mo ang kaluluwa ng kapatid ko.”
Muli ay lumapit sa kanya ang tatlong babae na importante sa buhay niya at puno ng luha ang kanilang mga mata, isang luha ng kagalakan sa kanyang ligtas na pagbabalik.. at pinaikutan siya kasabay ng pagyakap sa kanya ng mahigpit.