♚ H A T G 38: Date ♚ ●Ione's POV● Maaga akong gumising kinabukasan, papasok sana ako sa school nang sabihin sa akin ni Mama na sabado ngayon. Kagabing nagreply ako kay Zeke ay agad niya akong tinawagan hindi ko malilimutan ang boses niya sa telepono nakanginginig ng laman kahit hanggang ngayon ay nasa sistema pa rin ng aking katawan ang pakiramdam na iyon. Sinabi niya sa akin kagabi habang kausap ko siya na pupunta raw kaming EK at ililibre niya ako. Kumain agad ako ng almusal at naligo, mga bandang alas-otso ay nakabihis na ako. Pinauna ko munang umalis sina Mama at Papa upang pumasok sa trabaho nila nang masiguro kong ako na lang ang tao sa bahay ay inihanda ko na ang sarili ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa drawer at agad na bumungad sa akin ang mga text ng grupong ST, inasar na nama

