H A T G: CHAPTER 1
♛ H A T G 1: Smoking Thug's ♛
●Ione's POV●
"Ione, may rambol daw doon mamaya manonood ka?" tanong sa akin ni Kyla habang nag-susulat. Tumingin naman ako sa kanya na nag-tataka.
"Ikaw na lang ayokong maka-kita ng mayayabang." inis na sabi ko sa kanya. Ewan ko ba sa babaeng ito masyado natutuwa sa mga banatan na nakikita nya.
"Subukan mo lang manood! Mawiwili ka na ang lakas ng dating nila." sabi nya habang ngiting wagas.
Napailing na lang ako at pinagpatuloy mag-sulat. Mas uunahin ko muna ang mga dapat gawin kesa sa mga kalokohan na naiisip ni Kyla. Hindi ko alam kung bakit lagi na lang may banatan dito sa labas ng school namin, ang galing nila mag hanap ng lugar para lang hindi mahuli ng mga tanod, at ang nakakapag-taka halos araw-araw yata silang nakikipag-sapakan na hindi 'man lang sila na susugatan. Ang lakas din ng impluwensya ng grupo nila nag-tayo sila ng isang fraternity, isa silang kinatatakutan dito sa school pwera kay Ma'am Carbonel na kalaban nila pag dating sa pormahan nila, lagi silang sinasaway pero hindi pa rin natitinag, nag papakulay sila ng mga buhok eh bawal dito 'yon sa school.
"Hoy Ione Quinn Perez! Tulala ka na naman dyan uwian na po." naka-pamewang na bulyaw sa akin ni Kyla.
Minsan iniiisip ko kung kaibigan ko ba ito o nag-aastang nanay ko na. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at binitbit ang bag ko, bigla naman syang lumapit sa akin at hinawakan ang kanang braso ko. "Tara na!" at dahil mapayat lang ako kumpara sa katawan nya kung hilahin nya ako eh parang kahoy lang. Sarap pektusan ng Kyla na ito eh.
"Hoy saan ba tayo pupunta!?" tanong ko sa kanya habang kinakaladkad nya pa rin ako. Tumingin naman sya sa akin habang naka-ngiti.
"Manonood tayo ng live show." sabi nya sa akin, bigla naman akong kinilabutan sa ngiti nya, tatanggi sana ako ng bigla nya akong hinila patakbo, wala na akong na gawa kundi napa-takbo na rin. Sarap din pektusan ng sarili ko eh.
●Kyla's POV●
"Kyla, nakaka-takot naman dito." sabi sa akin ni Ione habang tingin ng tingin sa paligid namin. Minsan ang O.A nitong bestfriend ko eh nakaka-takot daw eh mga kasama namin dito mga ka-schoolmates lang din namin.
"Wag ka ngang matakot, teka nandyan na yata sila." sabi ko sa kanya habang tinitignan sa gitna kung nandoon na ba sila.
Hindi ko alam kung paano sila nakaka-hanap ng pwedeng lugar, 'yung walang makaka-kitang ibang tao. Grabe ang astig nila! Kahit na malalaki ang damit nila, kahit na puro hikaw sila, kahit na siga sila mag-lakad, at kahit na nag-sisigarilyo sila. Hindi pa rin nawawala ang pagiging astig nila. Ang pogi-pogi talaga ni Jayden sya lang naman ang tinitignan ko, sobrang nag-iba na sya, well hindi lang naman si Jayden kundi ang apat sa kanila. Ang lakas maka-impluwensya ni Zeke sya ang leader sa lima. Actually sya lang talaga ng gangster sa kanila, kaso sa sobrang impluwensya ginaya nila ang pormahan ni Zeke. Yun ang kinaiinisan ni Ione, nakaka-diri daw silang tignan, lalo na daw si Zeke.
"Alam mo Kyla, gusto ko ng masuka sa nakikita ko." inis nyang sabi sa akin.
"Manood ka na lang." sabi ko sa kanya habang naka-tuon lang ang tingin ko sa gitna ng lugar na ito kung saan kami. Kung tutuusin swerte kami ni Ione dahil isa kami sa makaka-saksi ng banatan nila. Pero hindi 'yon dama ni Ione may sayad yata 'yan eh.
"WOOOOOH!" sigawan ng mga kasama namin dito. Nakita na namin na nag-lalakad ang grupong Smoking Thug's yan kasi ang pangalan ng grupo nila, pero pansin ko lang wala yata si Taniel, bihira ko lang sya makitang makipag-banatan sya kasi ang pinaka-tahimik sa kanilang lima.
Lalong lumakas ang sigawan, marami ring mga gangster na babae na nandito, pero kapag ang mga babae ang suot nila ay naka black tube, ang ipit nila nasa tuktok ng ulo, naka-dickies short sila na halos sobrang luwag, hindi ko alam kung paano pa nag-kasya sa katawan nila 'yon.
Tinapon ni Zeke ang sigarilyo nya, sa tuwing nakikita ko sya lagi syang may hawak na sigarilyo, hindi ko alam kung may baga pa ba sya. Tinignan ko naman si Jayden grabe sobrang astig nya talaga. Kahit na mag muka syang masamang tao sa paningin ng iba basta para sa akin ang astig nya talaga. Tinignan ko si Ione na nasa tabi ko parang namangha sya sa nakikita nya.
●Ione's POV●
Hindi ko maitatanggi na napapamangha ako sa nakikita ko, ibang-iba nga talaga ang dating nila. Ang astig! Pero nakaka-diri pa rin ang pormahan nila para silang mga hanger talaga, lalo na si Zeke. Hindi ko alam kung bakit ang init ng dugo ko dyan, basta ang yabang nya mag-lakad. Lahat naman sila mayabang mag-lakad pero kakaiba si Zeke, tindig pa lang ng tayo nya ang yabang-yabang na.
"Let's start." biglang sabi ng isang grupong nasa kanan. Ngayon lang ako manonood ng ganito sa personal kaya hindi ko maiwasan na hindi ma-excite sa mangyayari.
Bigla na lang sumugod ang isa sa kabilang grupo agad-agad naman din na sumugod si Skyler isang mapwersang suntok ang ginawa nya sa kalaban, bigla na lang itong bumagsak sa sahig. Ang bilis! Ang bilis ng pangyayari. Tumingin ang kabilang grupo sa isa nilang kasamahan na naka-handusay sa sahig na walang malay. Biglaan na lang silang sumugod lahat, kanya-kanya silang partner na papatumbahin. Si Zeke, hinila nya ang damit ng kalaban nya at sinuntok sa muka, nakita kong nag-dugo ang ilong ng lalaki, susugod agad ang lalaking kalaban nya ng biglang umiwas si Zeke, grabe ang galing nya. Ngumiti pa ito sa kalaban nya at pwersang sinuntok sa sikmura. Hindi ko alam kung lampa ba ang kalaban nya o sadyang mabilis lang talaga syang kumilos. Sa pag-suntok nya napa-yuko ang kalaban nya, agad nya itong nilapitan at hinawakan sa batok. May binulong sya pero hindi ko na 'yon narinig. Tumingin ako sa iba nilang kasamahan si Ethan naman hawak-hawak ang naka-pilipit na kamay na kalaban nya, si Jayden pinag-tatadyakan pa rin ang kalaban nya, si Skyler napa-tumba nya agad ang kalaban nya, si Vince pinupunasan ang labi nya mukang napa-lakas ang suntok ng naka-laban nya.
Kaya pala pinaka-tatakutan sila sa school namin, o kahit saan lugar sila mapunta. Ang galing nga talaga nila. Sa bawat kilos nila halatang bihasa na sila, sa bawat suntok nila halatang praktisado. Magaling talaga sila walang duda.