♛ H A T G 2: Astrid ♛
●Ione's POV●
Pagka-uwi ko sa bahay hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina, 'yung kada suntok ng bawat isa sa kanila, ang kada sigaw ng mga nanonood sa kanila. Ngayon naiintindihan ko na si Kyla kung bakit ganun na lang ang pagka-mangha nya kahit ako namangha rin sa mga ginawa nila.
"Ione!" napahinto ako sa pag-lalakad ko at tumingin sa likod ko, nakita ko na lang na may kumakaway na babaeng naka-pajama at naka t-shirt na printed ay mickey mouse, naka-tali rin ang buhok nya sa magka-bilang gilid ng ulo nya. Tumakbo sya papalapit sa'kin. "Saan ka punta?" tanong nya habang binubuksan ang lollipop na hawak nya.
Tinignan ko naman sya mula ulo hanggang paa. "Bibili lang ako ng bigas inutusan kasi ako ni mama. Ikaw? Pupunta ka bang children's party?" tanong ko sa kanya na nag-pipigil ng tawa. Minsan gusto kong itanong kung suki ba 'tong si Astrid sa mga children's party may pagka-childish kasi sya.
Ngumuso naman sya sabay dila sa lollipop nya at ngumiti ng malapad, may sayad yata ito. "Sama ako! Hehehe." natatawa pa sya habang humawak sa braso ko. Umiling na lang ako habang nangingiti sa ginawa nya. Kasing edad ko lang sya, pero kung umasta parang mas bata pa sa akin.
"Nasaan si Kyla? Namimiss ko na syang kadaldalan! Ikaw kasi Ione sobrang tahimik mo. Hindi ba napapanis ang laway mo?" daldal lang sya ng daldal habang nag-lalakad kami, minsan tango lang ako ng tango at kapag tatawa sya nakiki-tawa na rin ako, kapag makiki-apir sya makiki-apir na rin ako. May sayad na rin yata ako eh.
"Dyan ka lang Astrid, bili lang ako." iniwan ko muna sya sandali sa may maliit na upuan doon at tumawid na ako sa kalsada. Mahirap na kasi kapag kasama ko syang tatawid titili lang sya ng napaka-lakas na halos magiging na ang mga kapit-bahay sa boses nya.
Pagka-tawid ko bumili agad ako ng bigas, luminga-linga pa ako sa kinaroroonan ni Astrid naka-subo lang ang lollipop nya habang kumakaway pa sa akin. Kinuha ko na ang bigas na binili ko. Tumingin ulit ako sa kinaroroonan ni Astrid pero may mga naka-lapit na sa kanyang tatlong lalaki.
Agad-agad akong tumawid habang yakap-yakap ko ang bigas na binili ko, kung mahulog ito yari pa ako kay mama.
"Astrid." tawag ko sa kanya, agad naman syang lumapit sa akin at hinawakan agad ang braso ko.
"Natatakot ako.." bulong nya sa'kin.
Hinawakan ko ang kamay nya ng mahigpit at hindi pinansin ang mga lalaking mukang naka-shabu dahil namumula pa ang mga mata nila. Hinila ko si Astrid palakad sa gilid ng tatlong lalaki pero hinarangan kami nito, lalong humigpit ang pagkaka-hawak sa'kin ni Astrid. Ngumisi ang tatlong lalaki, ang isa pa doon dinilaan ang labi nya. Kadiri! Tumingin-tingin ako sa paligid namin, wala ng gaanong tao. Masyadong gabi na rin kasi ngayon, kung sisigaw naman ako hindi maririnig sa kabilang kalsada.
Tinignan ko ulit ang tatlong lalaki na nasa harap namin, nag-bubulungan sila sabay tatawa. "Miss, number nyo?" sabi ng isang lalaki na mas malaki pa ang damit kesa sa katawan. Kinuha pa ng isang lalaki sa bulsa nya 'yong cellphone nya at ang isang lalaki naman ay naka-ngisi lang.
"W-wala po akong cellphone." nauutal na sabi ni Astrid, agad ko naman syang tinignan hindi na nga ako sumagot tapos sya sumagot pa. Sarap pektusan ng babaeng ito, tumingin ulit ako sa tatlong lalaki.
"Kuya padaan po kami." malumanay na sabi ko sa kanila. Bigla naman silang nagka-tinginan na tatlo agad sabay-sabay na tumawa napahawak pa sila sa mga tiyan nila. Mga baliw yata ito.
"Haha! Padaan daw?! Hahahaha!" sabi ng isang lalaki na parang may ipot sa buhok.
"Hahaha! Padadaanin nyo ba? Hahaha!" ano bang nakaka-tawa sa sinabi ko?
"Hindi pre! Hahahaha." may mga sayad yata ito eh.
"Hahahahaha!" na gulat ako sa biglang pag tawa ni Astrid, tinignan ko sya at nakita kong naka-tingin lang sya sa tatlong lalaki. Tumingin ulit ako sa tatlong pangit, napahinto sila sa pag-tawa.
"Bakit ka nakikitawa!?" inis na tanong ng lalaking mas malaki pa ang damit kesa sa katawan.
Huminto sa pag-tawa si Astrid. "Kasi po nakakatawa kayo." halatang nag-pipigil pa rin sya ng tawa.
"Aba't!" biglang nag-labas ng isang patalim ang lalaking mukang paa. Napa-atras kaming dalawa ni Astrid, na bitawan ko ang hawak-hawak kong bigas. Naaaninag ko ang pag-kislap ng patalim na hawak ng isang lalaki. Lalong humigpit ang pagkaka-hawak ko sa kamay ni Astrid.
"Pre, agad-agad ka naman. Hahaha." natatawang sabi pa ng isa nilang kasama.
Hindi ko alam ang gagawin ko, buti sana kung ako lang mag-isa pero kasama ko si Astrid, hindi pwedeng tumakbo ako ng mag-isa, kailangan kasama ko sya.
Huminga ako ng malalim. "K-kuya, teka lang po chill lang ibaba mo po 'yan." mahinahon na sabi ko sa lalaki pero ngumiti na lang ito bigla.
"Ano ako uto-uto!?" matigas na sabi nya.
Luminga-linga ulit ako sa paligid, umaasang may dadaan na tao pero wala pa rin. Tumingin ulit ako sa tatlong lalaki. Tinignan ko ang naka-paligid sa kanila, iniisip ko kung paano kami tatakbo. Kung tatakbo kami sa gilid nila agad naman nila kaming makokorner. Kung tatalikod kami ni Astrid at sabay tatakbo agad naman kaming mahahabol dahil lubak-lubak ang daan doon. Hindi ko alam kung saan kami tatakbo.
Bahala na.
"Kuya pogi ka naman po, pwede na po ba kaming umuwi? Ibibigay na po namin ang number namin." mahinahon kong sabi sa kanila. Gusto ko silang sigawan at mura-murahin pero baka bigla na lang kaming saksakin.
"Haha! Mga ulol!" sigaw ng lalaking may ipot sa buhok.
Dahan-dahang humakbang ang lalaking may hawak na patalim papunta sa gawi namin, sa kada hakbang nya humakbang din kami ni Astrid pa atras. "Huwag na huwag nyong susubukan tumakbo kung ayaw nyong isaksak ko 'to sa mga leeg nyo." pakiramdam ko katapusan na namin ngayon, pakiramdam ko hindi na ako sisikatan ng araw bukas! Wag naman sana hindi ko pa nasasabi kay Kyla na kinain ko ang chocolate nya na nasa bag nya kanina.
"Ehem." napatigil sa pag hakbang ang lalaking may hawak na patalim. Sabay-sabay silang lumingon tatlo sa likod nila.
Si Zeke.
"Ano na naman mga trip nyo?" tanong nya sabay hithit ng sigarilyong hawak nya habang naka-lagay ang isang kamay nya sa bulsa.
Umiling ang lalaking may hawak na patalim pero ang dalawa nyang kasama mukang takot na takot na. "Ang epal mo talaga kahit kelan." maangas nya. Gusto ko na agad tumakbo para maka-iwas na kami ni Astrid pero mas gusto kong panoorin ang susunod na mangyayari. Kakaiba pala ang aura ni Zeke kapag malapitan, lagi ko kasi syang nakikita sa school namin pero malayo sya.
Lumakad si Zeke papunta sa lalaking may hawak na patalim, nag-atrasan ang dalawang lalaki. "Ako? Epal?" tanong nya sabay hithit ng natitira nyang sigarilyo sabay buga ng usok, tinapon nya sa harap ng lalaki ang sigarilyo nya sabay inapakan nya ito habang naka-tingin sa lalaki.
"Oh nasaan ang tapang mo?" tinignan ko si Astrid parang na wala ang takot sa mga mata nya, tulad ko nag-aabang lang ng susunod na mangyayari.
Tumingin ang lalaking may hawak na patalim sa dalawa nyang kasama at sinenyasan nya ito. Agad na sumugod ang dalawa, napa-atras si Zeke habang naka-ngisi pa ito. "Woah, 2 vs. 1?" hindi na sumagot ang dalawang lalaki agad nilang sinugod si Zeke, sinuntok ng isang lalaki ang sikmura ni Zeke pero agad naman syang naka-ganti mas malakas na suntok na naging dahilan kung bakit agad-agad napatumba ang lalaking unang sumuntok sa kanya, mas lalong lumawak ang ngisi nya. Nag-labas ng patalim ang isang lalaki, hindi ko inaasahan na may kutsilyo rin syang dala, bahagyang na gulat si Zeke pero napailing na lang ito. Ngumiti ang lalaki sa kanya at agad itong sumugod kay Zeke pero agad namang naka-iwas si Zeke sa pag-iwas nya hinawakan nya agad ng mahigpit ang kamay ng lalaki pinilipit nya ito, napanganga ang lalaki at nahulog sa sahig ang kutsilyong hawak nya, sinipa agad 'yon ni Zeke. Sinuntok ni Zeke ang sikmura ng lalaki habang hawak-hawak pa rin nya ang naka-pilipit na kamay nito, napaluhod ang lalaki sa simento tinuhuran ni Zeke ang likod ng lalaki, madiin ang pagkaka-tuhod nya doon binitawan nya ang kamay ng lalaki tinanggal nya ang pagkaka-tuhod nya agad-agad na umalis ito, sumunod ang lalaking naka-handusay sa sahig kahit na nahirapan silang tumakbo agad silang naka-alis. Tumingin ako sa natitirang lalaki, bakas sa kanya ang takot.
"Takbo na! Mga gago!" sigaw ni Zeke, natataranta namang tumakbong ang lalaki, na dapa pa ito pero agad namang naka-tayo.
"Hahahaha." biglang tumawa si Zeke, pangalawang beses ko na syang nakita makipag-laban pero ngayon mas malapitan.
"K-kuya! Salamat po." biglang sigaw ni Astrid, kumot-noo naman si Zeke, biglang napa-atras si Astrid kahit ako napa-atras din. Baka kung ano na lang gawin sa'min ito.
Bigla syang napangiti at tumalikod sa'min. "Sa susunod kasi mag-iingat kayo... Lalo ka na Quinn."