H A T G: CHAPTER 3

1071 Words
♛ H A T G 3: Zeke ♛ ●Ione's POV● "Ano!? Totoo!?" agad kong tinakpan ang bibig ni Kyla, eskandalosa talaga 'tong babae na 'to. "Wag ka naman maingay! Dapat pala hindi ko na lang sinabi sayo." agad kong tinanggal ang kamay ko sa bibig nya at pinunasan ang laway nya. Kadiri lang. Huminga naman sya ng malalim habang naka-pikit sabay dumilat. "Mamaya na lang ako sisigaw kapag nasa room na tayo. Grabe Ione, gustong-gusto ko na sumigaw pero pipigilan ko muna. Haha! Teka kasama ba nya si Jayden?" kinuwento ko kasi sa kanya lahat ng nangyari kagabi, lalo na nung pinagalitan ako ni mama dahil wala akong dalang bigas pagka-uwi ko. Hindi ko sinabi sa kanya ang totoo, 'yon din ang bilin ko kay Astrid ayokong may maka-alam dahil gulo lang 'yon eh ayoko sa lahat ng gulo, gusto ko lang tahimik. Hinigop ko ang softdrink na nasa lamesa namin ngayon. "Uhm, wala eh sya lang. Hindi ko nga alam kung paano nya kami nakita kagabi, tapos alam pa nya ang second name ko." sabi ko kay Kyla sabay kagat ng hamburger na hawak ko. "ANO!?" muntikan na akong mabilaukan sa pag-sigaw nya, bigla naman nyang tinakpan ang bibig nya. Napaka-bungangera talaga ng babaeng ito. "Teka, alam nya ang second name mo!?" tanong nya sa akin sabay napa-inom sya sa tubig nya habang naka-hawak sa dibdib nya. Ang O.A talaga ni Kyla kahit kelan. Napapa-iling na lang ako sa mga reaction nya. "Ibig sabihin matagal ka na nyang kilala, tapos matagal na tayong magka-kilala at hindi malabong kilala din ako ni Jayden! Kyah! Grabe, heaven na ba ito Ione?!" muka lang syang tanga sa itsura nya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa reaction nya o maaawa sa bestfriend ko dahil natuluyan na yatang mabaliw. "Ang O.A mo Lyla." alam kong ayaw na ayaw nyang tinatawag sya sa second name nya ang baduy kasi. Bigla naman sumeryoso ang itsura nya. "Hay nako Ione, tawagin mo na akong maganda wag lang ang second name ko ang baduy kaya." natawa naman ako sa reaction ng muka nya. "Paano kung si Jayden ang tumawag sa second name mo?" "Hahaha. Sempre kikiligin pa ako! Hahaha." abnormal talaga 'to buti na lang at hindi ako nahawa ng kapraningan nya. Tumayo na ako sa kinauupuan ko. "Tara na baka may teacher na tayo." tumayo na rin si Kyla, bigla na lang nag takbuhan ang mga lalaki dito sa loob ng canteen isa lang ibig sabihin nyan. Si Ma'am Carbonel ay mag gugupit na naman ng mga buhok nila. Sa apat na taon ko dito sa school namin sanay na kami sa mga ganyan, ang dami kasing pasaway na mga lalaking estudyante na mukang ewan ang buhok kaya si Ma'am Carbonel na ang gumugupit. "Hahaha. Buti na lang hindi tayo lalaki." habang nag-lalakad kami pabalik sa room ang dami pa ring nag tatago sa mga puno, ang iba naman sa C.R para lang hindi sila maukaan. "Look at me now, look at me now oh, I'm getting paper look at me now, oh look at me now...Yeah, fresh than a motherfucker, Lil nigga bigger than gorilla 'cause I'm killing every nigga that try to be on my shit..." nag pintig agad ang tenga ko sa narinig kong punyetang rap. Ayoko talaga ang mga pang alien na salita! Nakaka-bwisit talaga. "Ione! Sila Jayden oh." biglang sabi ni Kyla habang hila-hila ang uniform ko at naka-tingin sa teritoryo ng Smokin Thug's ang baduy talaga nila kahit kailan, mga pasikat, mga papansin. Kung ano-anong rap ang sinasabi nila na halos hindi maintindihan, punong-puno ng usok ang teritoryo nila, kung mag-usap sila laging may mura. Kung pwede lang pumatay pinatay ko na sila, nakaka-bwisit lang. "Ang cool nila." parang tanga naman 'tong si Kyla ang cool daw eh nakaka-diri kaya! "Ano ba 'yan Kyla. Bahala ka nga dyan." iniwan ko na sya doong naka-tanga, bahala sya sa buhay nya. ●Zeke's POV● "Look at me now, look at me now oh, I'm getting paper look at me now, oh look at me now... Yeah, fresh than a motherfucker, Lil nigga bigger than gorilla 'cause I'm killing every nigga that try to be on my shit..." "Gago! Bobo talaga mag rap ulap kahit kailan ka talaga walang kang binatbat." pag-rarap ni Jayden at nag beatbox naman ni Ethan. "Oh Skyler ikaw na." sabi ni Taniel. "Wag mo akong itulad sayo Jayden sira-ulo gago." "Hahaha! Tangina mo talaga Skyler! Para kang tumutula! Gago ka talaga! Hahaha!" natatawang sabi ko sa kanya sabay binatukan ko sya. "Teka ako ang lalaban." huminga ako ng malalim sabay tingin kay Jayden. Biglang nag-beatbox ulit si Ethan sinabayan naman 'yon ni Taniel. "Jayden, bihisan ka 'man ng magarang damit wala pa ring binatbat ang dila mong pilipit!" biglang nag-tawanan silang apat. "Kahit isama mo pa ang nanay mong si Barakuda!" nag apiran naman silang apat habang natatawa. "Tangina wala na akong maisip! Hahahaha putangina damayan ng nanay ganun? Kinakawawa nyo si Barakuda! Hahaha!" sabay-sabay naman kaming nag-tawanan. Simula't-sapul ayaw na ayaw na nya sa nanay nya. Kung na bubuhay ang demonyo siguro ang nanay na 'yon ni Jayden. "Hahaha! Mga tangina nyo. Papasok ba tayo?" sa aming lima si Taniel na yata ang pinaka-matino, minsan tahimik sya, minsan naman nakikipag-sabayan sa kalokohan namin, sya rin ang pinaka-masipag sa'min lima. Bago sya pumasok sa grupong ginawa ko isa syang scholar dito sa school namin kaya siguro hindi na maaalis sa kanya paminsan-minsan na maging masipag. Nag-rebelde sya dahil hindi pa daw sapat ang ginagawa nya sa tingin ng mga magulang nya kaya nandito sya ngayon sa Smokin Thug's lahat kami may kanya-kanyang dahilan kung bakit naging ganito kami. Pero ngayon masaya naman ang ginagawa namin. "Wag na! Wala akong ballpen." kahit kailan talaga tamad 'tong si Ethan, pero lahat naman kami tamad. Haha. "Gago ang sabihin mo tamad ka lang talaga!" isa pa 'tong si Jayden eh mas tamad nga sya sa'ming lima. Tarantado talaga. "Ulol!" sabay bato ni Skyler ng medyas ni Taniel kay Jayden. "Tangina nyo! Medyas ko pa pinag-diskitahan nyo!" nakikipag-agawan naman sila sa iisang medyas ni Taniel, lagi na lang syang trip. Muka kasing ewan. Biglang nag vibrate ang cellphone ko, nakita ko na lang na may nag-text galing sa.. "Nag text ang leader ng Blood Rhyme Beat." bigla silang na tahimik at seryosong tumingin sa'kin. "Anong sabi?" tanong ni Ethan, binuksan ko ang text message at binasa sa kanila ang text. "Ready to beat?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD