♛ H A T G 4: Taniel ♛
●Zeke's POV●
"Kelan daw?" tanong ni Taniel sabay agaw ng cellphone ko sabay basa ng buong text message. "Tangina nila!" galit na galit si Taniel sa pinaka leader ng BRB sa lahat ng naka-laban namin sila lang yata ang makaka-pantay sa lakas namin at kung sa rap ang pag-uusapan sila rin ang may kakayahan na maka-talo sa'min.
"Tangina, relax lang." sabi naman ni Jayden sabay sindi ng sigarilyo nya, naki-hithit naman si Skyler. Hindi na kami natatakot kung may makita 'man sa'min na teacher pakialam ba nila eh public school lang naman 'to sanay na sila sa mga tulad naming tarantado.
"Mga putangina talaga nila. Ganun na ba sila kalakas para makipag-hamon sa'tin? Eh mga ungas pala sila! Ang yayabang lang ng mga tarantadong 'yan." naiiling na sabi ni Ethan.
Tumayo ako sa upuan ko at inagaw ang sigarilyong hawak ni Jayden. "Tara."
●Ione's POV●
"Ione, nag-text pala sa'kin si Astrid, lilibre nya daw tayong ice cream mamaya. Hahaha." sabi sa akin ni Kyla habang inaayos ang mga laman ng bag nya. Kinuha ko naman ang bag ko at sinukbit sa balikat ko.
"Kailan daw?" tanong ko sa kanya, kinuha naman nya ang cellphone nya sa bulsa nya at binasa ang text.
"Ngayon na daw. Hahaha! Uto-uto talaga 'yon nag-hihintay daw sya sa baba." schoolmate lang namin si Astrid, mag kakasing-edad lang kaming tatlo, mag-kaklase kami dati simula 1st year hanggang 3rd year pero ngayon si Astrid ang na hiwalay nasa star section sya kahit isip bata 'yon matalino rin naman sya.
Bumaba na kami ng building namin at nakita namin si Astrid na may subo-subo na namang lollipop. "Astrid!" sigaw ni Kyla sabay takbo sa gawi ni Astrid, jusko ko nag-sama na naman silang dalawa.
"Kyla! Namiss kita ng bongga!!" halos mapatakip na ako sa tenga ko, mag-kalapit lang sila pero todo kung mag-sigawan, sarap pektusan eh.
"Tara na Ast! Libre mo na kami." kapag talaga libre napaka-galing nitong si Kyla.
"Sige kunwari wala ako dito, kunwari picture lang." biglang sabat ko sa kanilang dalawa. Kahit payat ako muka pa rin naman akong tao 'no.
Lumingon naman silang dalawa sabay tawa, may sayad talaga. "Hahaha! Try mo naman kasi minsan makipag-daldalan, makipag-sigawan. Diba Ast?" tumango naman si Astrid habang winawagayway pa ang lollipop nyang hawak.
"Hahaha. Ewan ko sa inyo." minsan nag-tataka ako kung bakit ko ba sila naging kaibigan ang layo ng pag-uugali nila sa'kin.
"Teka Ast, diba kilala mo ang Smoking Thug's?" tanong ni Kyla habang nag-lalakad kami palabas ng school.
"Oo! Crush ko doon si Skyler! Grabe ang cute-cute nya habang naka-ngiti. Hihihi." nag-hagikhikan pa silang dalawa.
"Hoy Astrid, kumekereng-keng ka na dyan huh." pag-bibiro ko sa kanya.
"Hahaha. Ito naman kahit muka akong bata sa itsura sempre marunong din ako pumili ng crush. Hahaha! Teka ikaw Ione, sinong crush mo?" pakiramdam ko namula ako sa tanong ni Astrid, tinignan ko silang dalawa na naka-ngiting wagas. Umiling-iling naman ako sa kanila.
Sino nga ba crush ko?
"Hindi pwedeng wala! Ang crush pag-hanga lang naman, ako crush ko si Jayden kasi ang pogi nya tapos ang astig pa. Si Astrid naman crush nya si Skyler kasi ang cute daw. Kaya imposibleng wala kang crush Ione. Hahaha." nag-apiran pa silang dalawa. Kahit sa mga artista wala naman akong crush, hindi ako mahilig manood ng T.V
Nang maka-labas na kami ng school sinipa ko ang batong maliit sa nilalakaran namin. "Wala akong crush." sabi ko sa kanila sabay sipa ulit ng bato.
"Hindi pwedeng wala kang crush, lahat ng tao may crush kapag wala kang crush ibig sabihin hindi ka tao! Hahaha." daig pa talaga nilang dalawa ang showbiz.
Sinipa ko ng malakas ang bato. "Eh sa wala akong crush may magagawa ba ako do---"
"ARAY!" napatigil kami sa pag-lalakad, tinignan namin ang lalaking matangkad sa harap namin. Nako, napa-lakas yata ang pag-sipa ko sa bato. "Sino ang sumipa ng bato!?"
●Taniel's POV●
"Sino ang sumipa ng bato!?" sigaw ko sa tatlong babae na nasa harap ko ngayon. Tangina lang! Ang sakit sa ulo! Hindi na nga ako sumama sa banatan nila Zeke para iwas sakit sa katawan tapos eto naman ngayon!? Ulo ko naman ang matatamaan ng bato!?
Tumingin ang dalawang babae sa isang babae na sobrang payat wala yata 'tong kinakain. "Ikaw ba miss?!" sigaw ko sa kanya, halatang takot na takot na sya. Hahaha! Mapag-tripan nga.
"A-ako?" tanong nya habang turo-turo nya pa ang sarili nya. Baliw ba 'to? Alangan ako?
"Malamang miss."
"Eh ang laki-laki mo tapos ang liit-liit lang ng bato nasaktan ka pa doon!?" aba palaban sya eh ang payat-payat nya.
"Ang lakas kaya ng pagkaka-sipa mo!" sigaw ko sa kanya.
"Ang arte-arte mo naman! Tara na nga!" sabi nya sabay hila sa dalawa nyang kasamang babae.
"H-hoy miss payatot! Gaganti ako!"
"Edi gumanti ka! Kung makaka-ganti ka!" sigaw nya habang kinakaladkad ang dalawang babaeng kasama nya. Wow, ang payat nya pero kaya nyang kaladkarin ang dalawa nyang kasama?
●Astrid's POV●
"Gosh Ione! Si Taniel 'yun ng Smoking Thug's! Nako yari ka." pananakot ni Kyla sabay subo ng strawberry flavor ice cream nya. Dapat pala nag strawberry na lang din ako parang ang sarap.
"And so? Paki ko sa kanya?" sabi nya sabay subo ng vanilla flavor ice cream nya. Grabe! Parang gusto ko rin ng vanilla flavor.
"Anong paki mo? Gosh Ione! Ang swerte mo! Sa pagkaka-alam ko si Taniel ang pinaka-tahimik sa kanila pero sempre tarantado rin pero sya ang pinaka matino kung tutuusin." halos nag tatalsikan na ang mga laway ni Kyla! Hahaha muka syang ewan hihi.
"Nako, ano kaya ang igaganti sayo ni Taniel?" biglang tanong ko sa kanila, napahinto naman sa pag subo silang dalawa. Hahaha parang naka-pause hihi.
"Tsk, wala akong paki." ang ewan talaga nitong si Ione, wala daw paki pero deep inside kinakabahan 'yan.
"Weee? Pa'no kapag pasok mo ng school buhusan ka na lang ng harina! Hahaha." naalala ko lang bigla si Jandi. Hihihi.
"Hahahah! Tama ka dyan Ast! F4 lang ang peg! Hahaha." sang-ayon naman sa'kin ni Kyla.
"Eh wala talaga akong paki sa kanya kahit ipapatay nya pa ako." sabi nya sabay subo ng natitira nyang ice cream. Ang takaw-takaw nya pero hindi 'man lang tumataba.
"Hay nako Ione, wala 'man lang thrill ang buhay mo. Tapos ang baduy mo pa kung manamit, hindi ka 'man lang gumagala, hindi ka 'man lang nag tetext. Eh anong silbi ng cellphone mo? Wala ka 'man lang crush life, nako Ione malapit na tayong maka-graduate ng high school hindi mo 'man lang na enjoy. Tsk." may pagka-nanay talaga itong si Kyla, buti pa ako sabi ni Mommy baby pa daw.
"Wala akong paki kung boring 'man ang buhay ko atleast hindi magulo." teka bigla ko na lang naalala...
"Teka Ione, diba 'nung niligtas tayo ni Fafa Zeke, alam nya ang second name mo? Hihi, edi ibig sabihin may posibilidad na magka-thrill ang buhay mo." bigla tumingin sa'kin si Kyla, habang naka-ngiti sabay tingin kay Ione.
"Ione, hindi lang thrill kundi mystery din! Haha! Paano nya kaya nalaman second name mo?" may tumpak si Kyla.
Paano kaya nalaman ni Fafa Zeke? Ugh! Bakit ko ba 'yan pinoproblema? Wala na pala akong lollipop sa bahay!