H A T G: CHAPTER 5

1152 Words
♛ H A T G 5: Blood Rhyme Beat ♛ ●Skyler's POV● "Mga putangina nila!" bigla na lang binato ni Zeke ang bote ng red horse, buti na lang naka-alis na dito sa tambayan naming Smoking Thug's ang baranggay kundi yari na naman kami. "Galit na galit talaga sya." bulong sa'kin ni Ethan sabay tungga ng red horse nyang hawak. Tinungga ko na din ang boteng hawak ko sabay kuha ng pulutan namin. Puro basag na ng bote ang nasa paligid namin, mga upos ng sigarilyo. Ganito lang ang buhay namin, ganito umiikot ang takbo ng bawat araw namin. Sanay na ang mga magulang namin sa'min nag-sawa na rin silang patinuin kami kaya hinahayaan na lang din kami. Si Zeke naman walang magulang, nakilala na namin sya na walang magulang hindi namin alam kung nasaan ang magulang nya, wala kaming alam sa buhay ni Zeke hindi kasi sya na kukwento sa'min, ayaw naman namin syang pilitin dahil baka magalit. "Lalaban ba tayo sa kanila?" biglang tanong ni Jayden sabay sindi ng sigarilyo nyang hawak. Tumingin si Zeke sa kanya sabay agaw ng sigarilyo nya at humithit ito ng tatlong beses. "Oo, mga tarantado sila." galit na galit si Zeke sa Blood Rhyme Beat o mas kilala bilang BRB, bukod sila ang may kakayahan na maka-talo sa'min pag dating sa pakikipag-bugbugan sila rin ang may kakayahan na maka-talo sa'min pag dating sa pag rap o pakikipag-fliptop. Kung sa larangan ng fliptop ang BRB ang magaling kesa sa'min kung tutuusin, ayaw ni Zeke ang may maka-talo sa'min, ganun din si Jayden kaya silang dalawa ang galit na galit sa BRB pero si Zeke tinatanggi nyang nagagalit sya sa BRB sinasabi lang nya na naiinis sya. Gulo nya 'no? "Pero Zeke, BRB sila." sabi ni Ethan. "Blood Rhyme Beat Zeke, baka nakakalimutan mo sila ang pinaka-magaling pag dating sa fliptop." sabat ko naman sa kanila. Nang-hamon kasi ng fliptop ang ma BRB kanina, ayaw nila ng suntukan mga duwag yata dahil alam nila na medyo mahina kami sa pakikipag-fliptop. "Tsk, edi mag practice tayo problema ba 'yon?" biglang sabat ni Taniel habang nag-bubukas ng isang bote ng red horse gamit ang ngipin nya. "Practice!? Ugok! Utak ang ginagamit doon! Pabilisan mag-isip!" may point si Zeke. "Eh kung utak ang basehan sa pakikipag-fliptop bakit hindi na lang ikaw Taniel at Skyler ang lumaban?" sabi ni Ethan, napatingin naman sila sa'min ni Taniel na katabi ko lang. "Oo! Haha! Tangina Ethan! Biruin mo naisip mo 'yon? Hahaha!" natatawang sabi ni Jayden at nag-apiran pa sila ni Zeke. "Haha! Solve na agad ang problema tangina!" hindi na kami pwedeng tumanggi nakaka-takot tanggihan si Zeke. Tangina lang, buti na lang pogi ako putangina. "Mga gago!" sigaw sa kanila ni Taniel. "Tangina Taniel, wag ka ng tumanggi!" sigaw sa kanya ni Zeke sabay tawa, nako kapag ganyan 'yan ibig sabihin lasing na. "Oo na! Tangina nyo, pero may kondisyon ako." bigla kaming natigilan sa pag-inom namin, si Zeke mag sisindi sana ng sigarilyo nya pero napahinto rin. Ngayon lang humingi ng kondisyon si Taniel. "Ano?" tanong namin. Ngumiti naman si Taniel. Wow ngayon ko lang nakita ang ganyang ngiti nya. "Tulungan nyo akong pag-tripan 'yung payat na babaeng taga-section B na simple lang na parang manang---" "Si Ione Quinn Perez?" bigla naman kaming napalingon kay Zeke. Oppps. Anong nangyayari? ●Zeke's POV● "Si Ione Quinn Perez?" tanong ko kay Taniel, sa pagkaka-alam ko sya lang naman ang payat at simple manamit sa section B yung babaeng niligtas ko 'nung nakaraan sa mga tarantadong mga lasing sa kalye. "Bingo! Sya nga! Haha! Ione Quinn Perez pala ang pangalan nya." sumindi ng sigarilyo si Taniel habang naka-ngiti, tinignan ko naman ang mga kasama namin bakit ganun ang mga itsura nila? Parang mga tanga. "Hoy mga putangina nyo! Bakit ganyan itsura nyo?! Ang pangit nyo pala! Hahaha!" natatawang sabi ko sa kanila sabay bato ng pulutan sa mga muka nila. "Hahaha! Gago! Mukang parehas pa kayo ng type sa isang babae! Haha!" sabi naman ni Ethan habang kinakain ang mga binato kong pulutan, patay gutom talaga 'tong hinayupak na 'to. "Ulol! Hindi ko type 'yon! Walang boobs! Hahaha! Gusto ko lang pag tripan binato ako ng bato kanina." sabi ni Taniel sabay tungga ng alak nya. "Anong klaseng trip ang gagawin natin sa kanya?" tanong bigla ni Jayden. Humithit si Taniel ng sigarilyo nya sabay buga ng usok. "Esh wag na lang pala, aksayado lang sa oras ang payatot na 'yon." daig pa ng babae ang tarantadong Taniel na 'to pabago-bago ang isip. "Tangina mo! Ewan ko sayo!" sigaw ni Jayden sa kanya sabay bato ng sigarilyo nyang hawak agad naman naka-iwas si Taniel habang natatawa. "Eh ikaw naman Zeke bakit mo kilala ang babaeng 'yon? Haha! Iba na 'yan! Ayie!" pang-aasar sa'kin ni Skyler habang naka-ngiting nakaka-loko. "Gago! Naririnig ko lang minsan ang pangalan nya pag sinisigaw ng babaeng lagi nyang kasama." sa tuwing nakikita ko sila laging naka-high volume ang babae nyang kasama kaibigan nya yata 'yon. "Ay tangina! 'Yung babaeng maganda na lagi nyang kasama? Grabe sa'tin-sa'tin lang ito huh?" na curious naman kami sa biglang pag sabat ni Ethan. "Crush ko 'yon eh. Hehe." biglang sabi nya habang napapa-kamot sa batok nya. Nag-katinginan naman kaming apat at sabay-sabay na pinag-kukutusan si Ethan. "Hahaha! Tangina mo! Binata ka na! Hahahaha!" sabi ni Jayden habang sakal-sakal ng braso nya si Ethan ang kinukutusan ito. "Haha! Patuli ka muna!" sigaw ko sa kanya habang tinatanggal ang belt ng pantalon nya. "Hoy! Masakit na ang ginagawa nyo! Tangina Zeke! Wag mong tanggalin 'yung belt ko! Haha! Mga putangina nyo!" tawa lang kami ng tawa habang pinag-titripan si Ethan. "Hahaha! Buhusan ng red horse! Hahahaha!" sabi ni Skyler habang sabay buhos ng red horse sa ulo ni Ethan hindi na sya nakaka-palag dahil hawak-hawak namin ang dalawang kamay nya. Hahaha. ●Ione's POV● "Ahh! Kainis!" kanina pa ako pagulong-gulong dito sa kama ko, kahit anong pwesto para lang maka-tulog ako ginawa ko na pero hindi pa rin ako maka-tulog kahit anong gawin ko! Hindi mawala sa isip ko ang mga usapan namin kanina. Nakaka-inis! Bakit naman ako na aapektuhan sa sinabi nilang walang thrill ang buhay ko, kung manamit daw ako simple lang. Ano bang masama sa itsura ko? Wah! Nakaka-inis! Idagdag pa 'yong bwisit na lalaking mukang kapre sa sobrang tangkad na si Taniel na isa sa miyembro ng Smoking Thug's. Bwisit! Bwisit! Tawagin ba naman akong miss payatot!? Eh kahit papaano naman may konting laman ako? Eh! Sabi daw nilal payat ako nakaka-inis! Tumayo ako sa kama ko at tinignan ang buong katawan ko sa salamin na nasa kwarto ko. "Kahit papaano naman may laman ang braso ko. Pero ang payat ko nga talaga!" malakas naman akong kumain pero bakit ganun? May mga ahas ba ako sa tyan? Teka nga! Bakit bigla akong na concious sa katawan ko!? Kasalanan 'to ni Taniel! Ang kapal ng muka nyang tawagin akong payatot! Bwisit sya! Kainis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD