H A T G: CHAPTER 6

2100 Words
♛ H A T G 6: First Fliptop Battle. (ST Vs. BRB) ♛ ●Kyla's POV● "Hoy Ione bakit naka-simangot ka dyan? Ang aga-aga! Nakaka-sira ng araw 'yan nako." kanina ko pa ito na papansin, pagka-pasok ko dito sa classroom namin naka-busangot agad ang itsura nya habang naka-tingin lang sa bintana. Bigla naman syang humarap sa'kin. "Yung totoo Kyla, pangit ba ako?" pffft.. Gusto kong matawa sa tanong at itsura nya! Hahaha! Pero pipigilan ko muna, bago lalong mainis ito. Hinawakan ko ang pisngi nya habang tinititigan ko ang buong muka nya. Kung tutuusin hindi naman pangit si Ione, simple lang sya pero maganda. Payat lang kasi sya kaya akala ng iba muka syang ewan. "Hindi ka naman pangit, maganda ka naman pero sempre mas maganda ako kumpara sayo! Hahaha." sabi ko sabay bitaw ng pisngi nya hinampas naman nya ako ng mahina sa braso. "Haha. Ewan ko sayo puro ka kalokohan Kyla." "Oh see! Tumawa ka na! Haha! Wag ka na kasing naka-simangot, walang taong pangit hindi lang marunong mag appreciate ang iba sa mga itsura nila, sa mga itsurang nakikita nila. Teka nga, bakit parangg bigla kang nagkaroon ng pakielam sa itsura mo aber? Dati naman kahit todo pawisan ka, kahit puro mantika ka na ang itsura mo hinahayaan mo lang. Yung totoo? Inlove ka 'no? Hahaha!" bigla na naman syang sumimangot. Hahaha ang sarap talagang asarin nitong si Ione. "Hay nako! Wala akong panahon sa mga ganyan. Bahala ka na nga dyan." sabi nya sabay talikod sa'kin at humarap na naman sya sa bintana. "Hahaha joke lang naman eh." sabi ko habang natatawa. Nag-hintay lang kami ng ilang minuto at may dumating ng English teacher namin, ang pinaka boring sa lahat ng teacher. Sa totoo nga lang wala akong natututunan dyan sa matandang ito, inilabas ko ang cellphone ko habang naka-tago sa desk. Binasa ko ang mga nag text, halos lahat GM kulang na lang pati pag-baba ng hagdan i-GM nila nakaka-inis lang. From: Astrid Lollipop Message: Hoy Kyla! Punta tayo mamaya sa bahay! Movie marathon lang tayo. Hehe! Tanungin mo si Ione kung sasama sya. Buti na lang nag text si Ast, atleast kahit papaano hindi ako na boboring, ang tiyaga ni Ione makinig sa amoy lupa na teacher na ito. Haha sa bagay kawawa naman itong teacher namin kung walang makikinig sa kanya. Hahaha. Nag-reply naman ako kay Ast na pumayag si Ione kahit hindi ko pa nasasabi sa kanya. Hahaha. ●Bzzzt● From: Astrip Lollipop Message: AY WAG NA PALA! Hahaha. Sabi ng classmate ko may fliptop battle daw mamaya pag-uwian. Bumili na agad ako ng ticket! Hahaha! Nag-bebenta sya. Nood na lang tayo huh? Ang Smoking Thug's at Blood Rhyme Beat daw ang mag-lalaban. Bigla naman akong na excite sa text ni Astrid, pero teka? Ang Blood Rhyme Beat? As in ang BRB? Sa pagkaka-alam ko sila ang pinaka-magaling makipag-fliptop. Nag-reply na lang ako kay Astrid na mamaya na lang namin pag-usapan dahil ang sama na ng tingin sa'kin ni Ione. ●Ethan's POV● "Mga putangina! Kinakabahan ako!" kanina pa palakad-lakad si Skyler dito sa harap ko ang sarap pektusan ng gagong 'to. "Hoy! Tangina mo! Kalma lang hayop ka. Tignan mo si Taniel kalmadong-kalmado lang! Hahaha!" sabi ni Zeke sabay buga ng usok sa muka ni Taniel. "Mga gago! Kanina pa ako kinakabahan! Pa'no kapag na blangko ako mamaya? Edi putangina kahihiyan ng grupo natin 'yon!" sigaw sa'min ni Taniel. Tinapik-tapik naman sya ni Jayden sa balikat habang natatawa. "Haha! Edi wag kang mablangko! Hahaha! Kaya mo 'yan dude! Tiwala lang sa sarili! Hahahaha." "Ulol! Edi ikaw makipag-fliptop doon!" sabat ni Skyler. "Tangina inom muna kayo." sabi sa kanila ni Zeke sabay bigay ng tig-isang San Mig Light, agad naman nila 'yon tinungga pang-palakas loob. Hindi kami pumasok ngayon sa school, masyado na kaming matalino. Hahaha, nandito lang kami sa tambayan todo practice sila Skyler at Taniel sa mga sasabihin nila mamaya. "Tangina, tara na." biglang sabi ni Zeke sabay kuha ng isang bote ng San Mig sabay labas sa tambayan namin. Sumunod na lang kami sa kanya at sila Taniel at Skyler ay mas lalong kinakabahan. Hahaha. ●Ione's POV● "Mga gaga talaga kayo! Anong ginagawa natin dito!? Ano ba 'yan kuya 'yung usok mo naman!" puro usok ng sigarilyo na lalanghap ko, amoy ng alak, amoy pawis. Kadiri! Iba't-ibang amoy ang naamoy ko. Ayokong sumama sa kalokohan nila pero pinilit lang nila ako nakaka-inis ginamit nila ang kahinaan ko, bibilhan daw nila ako ng chocolate bukas. Sasapakin ko sila kapag wala silang binigay na chocolate sa'kin. "Haha! Mag enjoy ka na lang!" sabi sa'kin ni Kyla sabay hila sa kamay ko papasok sa isang ewan na eskinita. Pumapalag pa ako pero na hatak na nila akong dalawa. Bwisit lang mas lalong dumadami ang nalalanghap kong usok. Napa-wow ako bigla pag pasok namin sa eskinita. May isang hindi kalakihan na pabilog na stage at punong-puno ng tao. Halos nakikipag-siksikan na kami para lang maka-punta sa harap. Tinignan ko ang mga kasama namin dito. Halos lahat mga gangster, mga malalaking damit! Halos pare-parehas sila ng suot puro mura pa ang naririnig ko. Tinignan ko naman ang katabi kong sila Kyla at Astrid. Nag-tatawanan lang sila at nag-aapiran. Jusko naman! Hindi ko pinangarap na pumunta sa ganitong lugar! Biglang may umakyat na lalaki sa stage, nag sigawan ang mga tao pati sila Kyla naki-sigaw na rin. "Yow! Make some noise!!" sigaw nya sa mic. Bigla naman nag-sigawan at tilian ang mga kasama ko dito, jusko! Wag naman sana ako mabingi. "Yow! Yow! Yow! Nandito na ang Smoking Thug's from the left side!! Whoa!" biglang may isang rap music na pinatugtog habang pumupunta ang Smoking Thug's sa stage. Lalong nag-lakasan ang sigaw ng mga tao, may mga sumigaw din na 'boo'. "And from the right side. Sino pa ba? Edi ang Blood Rhyme Beat!" hindi ko inaasahan na mas lalakas pa pala ang sigawan. Ang BRB daw kasi ang pinaka-magaling pag dating sa pakikipag-balagtasan. "Oh hindi ko na ito patatagalin. Sino ang lalaban sa first battle?" lumakad sila Taniel at Skyler papunta sa gitna ng stage, ganun din ang sa kabilang grupo hindi ko sila kilala pero hindi maitatanggi mga gwapo sila. "Go Lime!" "Break a leg Blue!!" "Skyler! Skyler! Skyler!" "I love you Taniel!" "Whoaaaa! s*x tayo!" Kanya-kanyang sigawan ng mga tao, ngumiti na lang sila. Nag-shakehands silang apat. Pinag-toss coin sila ng lalaking may hawak na mic. Kung sa boxing sya ang referee. "Kyla, anong pangalan ng lalaking may hawak na mic?" rinig kong tanong ni Astrid habang binubuksan ang lollipop nya, hanggang dito ba naman may lollipop syang dala? "Casper ang narinig kong itawag sa kanya." sagot ni Kyla habang naka-tuon lang sya sa stage, tumango naman si Astrid sabay subo ng lollipop nya. "Sinong mauuna?" tanong 'nung Casper sa grupo ng BRB. Tinuro naman nila sila Skyler. "Okay for 5 minutes. Ready!? Okay banat!" sigaw ni Casper. Biglang tumahimik ang paligid. "Yow! Bakit mo ako hinamon akala mo ba uubra ka?! Triple nga ang bigat mo sa'kin pero kalahati lang ang utak mo sa'kin kung ikukumpara." banat ni Skyler. Nag-tilian ang mga babae. Ngumiti lang ang lalaking kaharap nya habang nag me-make face. "Katahimikan!" sigaw nung Casper. "Pero hindi ka pwedeng tawaging kalahating bobo dahil ikaw ang purong tanga para kang nakikipaglaban sa agila habang itlog ng pugo ka pa." banat naman si Taniel habang dinuro-duro pa nya ang kalaban nila. "Yow! Kung magtatago ka mas makatarungan pa ata kasi dito sa fliptop ikaw ang unang makata na natabunan ng bata." sabat ni Skyler. Ngayon lang ako naka-nood ng fliptop na ganito, tama nga sila Kyla hindi ko maiwasan na hindi mag enjoy. "Hinahangaan kita kasi para lang bumattle bumababa ka pa galing sa bundok tatlong araw na lakbay sakay bus, sakay jeep di ka lang pawis may kasama pang putok." dumila pa si Skyler, nag-tawanan ang mga tao, pati ako nakiki-tawa na rin nakaka-tawa kasi ang mga itsura nila. "Ang sarap mong asarin at napaka laughtrip mong tignan at sa sobrang pangit mo nakakabadtrip mong titigan!" sigaw ni Taniel habang tinignan pa mula ulo hanggang paa ang kalaban nila. "Last 2 minutes." sabat ni Casper habang natatawa. "Dalawang minuto na lang ang natitira dito ko na ibubuhos lahat ng aking ibabara! Kagalang-galang na ginoong Blue taos pusong kong ginagalak ang iyong pagdalo dito wag ka sanang aborido dahil kasi panlalalait ng mga swangit ang aking paborito." sigaw ni Skyler sa kaharap nya. "Kanina ko pa gustong sabihin hindi ko matiis, ang cute ng tigyawat mo pwede patiris?" natatawang sabi ni Taniel sa kaharap naman nyang lalaki. Nag-tawanan ang mga tao dito, pati ang kalaban nila natatawa rin. "58 seconds." sabat ulit ni Casper. "Yow! 58 na segundo, dagdag insulto, magtawag ka ng ka grupo mo, kulto at mag sumbong ka pa kay Tulfo." sigaw ni Skyler sabay nag middle finger sya sa kalaban nila. "30 seconds." "Ito ay fliptop at hindi pag momodelo bakit ka nakasando? Feeling mo macho? Sorry to tell you Lime hindi ikaw ka match ko gago!" natatawang sabi ni Taniel sa kaharap nya, tawanan ulit ang mga tao dito. "Sampung segundo." "Sampung segundo? Kailangan pa ba naming mag rap sa harap nyo eh kung..." pinutol ni Skyler ang sasabihin nya sabay tingin kay Taniel, nilagay ni Taniel ang kamay nya sa bulsa nya at kunwaring nakipag-usap pa kay Casper sabay tingin sa kalaban nila. "Alam naming kami na ang panalo." sabay nilang sabi ni Skyler habang naka-ngiti ng nakaka-loko. "WHOOOAAAA! ST! ST! ST! ST!" Sobrang lakas ng sigawan ng mga tao lalo na ang mga babae, pati ang dalawa kong katabi. Pumunta sa gitna sila Skyler at Taniel kumaway naman sila at na flying kiss pa. "WHOOOOAAAA!" mas lalong lumakas ang sigawan, ganito pala dito ngayon ko lang naranasan. "Hahaha! Grabe ang galing ni Skyler! Hihihi." halatang kinikilig pa si Astrid. "Okay! Yow! Make some noise!!" hindi ko inaasahan na may ilalakas pa pala ang mga sigawan halos napapatakip na ako sa tainga ko. "Ayt! Katahimikan! Blue at Lime banat!" sigaw nung Casper sa mic. "Ok warm up we're just getting started akala ko ba freestyle bakit may retarded?" banat ni Lime sabay turo sa dalawa nilang kalaban. Nag-sigawan ang mga tao, sumenyas si Lime at huminto naman sila sa pag-sigaw. "Daldal ka ng daldal yung sinasabi mo, wala namang kwenta... Kaya huminto ka na kung ayaw mong ipabugbog kita sa eskenita!" dagdag ni Lime. "Alam mo tol wag ka ng mag-rap magtinda ka ng lang ng bangus at sapsap." sigaw naman ni Lime kay Skyler sabay middle finger. "Pang-paswerte sa buhay at pangpa-iwas sa malas igapos si Taniel sa punong bayabas!" sigaw ni Lime, nag tawanan ang mga tao dito pati ako hindi ko maiwasan na hindi matawa. "Katahimikan!" "Yow! Yow!" pumitik-pitik pa ng daliri si Blue. "Wag ka ng mag panggap Taniel alam nila na bobo ka at isa kang taga-hanga na gustong magpa-autograph!" nag middle finger si Taniel habang si Skyler na tatawa. "Hoy gago! Bakit nga ba nandito ka hindi ito isang rap olympics papatikimin kita ng mga mala-impaktong lyrics!" sigaw ni Lime. "Kung itsura ang pag-uusapan wag kang magtataka. Kumpara ka sa'kin mukha kang magsasaka." banat naman ni Blue sabay tinulak pa si Taniel at Skyler. "Ang yabang pumorma akala mo magaling!? Ang lupit ng amoy parang galing libing!" sigaw ni Lime, lumakas ang tawanan dito ng mga tao, mas lalong dumami ang nalalanghap ko na usok, may lalong nag-ingay. Pakiramdam ko mas lalong dumami ang mga manonood. "Nagmamagaling akala mo daming alam. Wag nyo bigyan ng pera yan ipangrurugby nya yan." banat naman ni Blue. "Last 2 minutes." paalala ni Casper. "Hoy Abno! Ikinagagalak ko na makalaro ka sa numero unong balagtasan! Ang tanong? Ang iyo bang pagparito sa kapatagan ay alam ng mga pinuno mo sa kagubatan?" pumitik-pitik pa si Lime. "Ah! Alam ko na, sugo ka ni barok. Ikaw ay tokang nautusan, malamang may fliptop na sa bundok? Aba hip-hop na si Tarzan." nag tawanan ulit ang mga taong nandirito. "Ito'y laro lang Taniel, wag ka mapipikon sa akin. Baka hindi ko matantya, ikaw ay akin tsinelasin." tinapik-tapik pa ni Blue ang balikat ni Taniel, sa itsura kasi ni Taniel parang unti-unti na syang napipikon. "30 seconds." "May natitira pang ilang segundo, titirahin ko na itong mumurahing kuto tignan mo ito ang freestlye na galing sa aking isipan hindi mo ito kaya! Kahit ito'y iyong pag-aralan ung istilo mo parang sisiw na tinapakan, sa BRB?" huminto sa pag rap si Lime sabay tingin sa pwesto ng BRB sumigaw naman sila. Tumingin ulit si Lime at Blue sa kalaban nila at sabay nilang sabi na. "Wala ka sa aming kalingkingan!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD