♛ H A T G 7: Wrong Move ♛
●Ione's POV●
"Nakakainis! Bakit ganun? Dapat ang Smoking Thug's na ang panalo!" pag-mamaktol ni Kyla.
"Kaya nga eh! Tapos rematch pa daw? Neknek nila!" sang-ayon naman ni Astrid. Habang nag-lalakad kami pauwi bulyaw lang sila ng bulyaw halos nakaka-hiya na sa mga tao nakaka-kita sa amin dito sa daan.
Walang nanalo sa fliptop nila, sa totoo lang eh magagaling talaga sila pero sempre dahil sa mga pride nila hindi sila mag papatalo kaya nang-hamon naman ang Smoking Thug's ng rematch. Hindi pa alam kung kelan pero interesado na akong manood, nakaka-excite kasi kung sino ba talaga sa kanila ang mananalo. Pero kung hindi 'man sila ang manalo at ang kabilang grupo malaking gulo 'yon.
"Nako basta sa rematch nila nood ulit tayo! Hahaha. Grabe kanina si Jayden lang tinitignan ko sobrang astig at ang cool nya! Tapos ang gwapo pa! Yung muka nya kapag na iinis ang sarap halikan! Hahaha!" napaka-landi talaga nitong si Kyla, hinampas namin sya ni Astrid sa braso.
"Ang landi mo!" sabay naming sabi niAstrid at nag-katinginan pa kami sabay tawa.
"Ayan, sige mag kampihan kayo dyan!"
"Haha! Pero ghad! Si Skyler kanina sobrang cute nya ever! Tapos lalo na kapag nag-rarap! Hihi." isa pa itong si Astrid, eh kung pag-umpugin ko kaya silang dalawa?
"Hay nako! Ewan ko sa inyo, masyado kayong mga ilusyonada." bulyaw ko sa kanilang dalawa at nag tawanan naman sila.
"Hahaha! Kunwari ka pa! Si Taniel tinititigan mo kanina! Ayie! Haha!" pang-aasar sa akin ni Astrid sa akin. Kapal lang!
"Kaya nga! Hahaha! Todo titig si Ione! Ayie! Iba na 'yan! Hahaha." isa pa itong si Kyla kapag talaga mga kalandian ang gagaling nila!
"Ewan ko sa inyo puro kayo kalandian!"
"Hahaha! Kailangan 'yon sa katawan! Hahaha." nag-apiran pa sila ni Astrid, mga loka-loka talaga.
"Tsk hindi ko kailangan 'nun sa katawan." nakaka-ewan 'tong mga babae na 'to, kaibigan ko ba talaga sila?
"Haha! Lagi ka na lang naka-poker face wag kang gaganun baka masumpit ka ng hangin lagi ka na lang naka ganito oh." ginaya ni Astrid ang pag popoker face ko.
"Baka ikaw ang masumpit ng hangin dyan." pati ba naman pag poker face ko pakikialaman nila? Tsk.
"Haha. Teka dito na ako dadaan text-text na lang Ast, alam kong hindi mahilig mag text 'yang si Ione! Haha. Bye girls." nakipag-beso-beso pa sya sa amin bago tuluyan dumaan sa street nila.
Nag patuloy kami ni Astrid sa pag-lalakad, parehas lang kami ng street pero mauuna ang bahay nila kesa sa amin. Daldal lang sya ng daldal, kwento ng kwento ng kung ano-ano hindi ba matitigil ang bunganga ng babaeng ito?
"Hoy Ione, nakikinig ka ba? Tapos kapag kinasal ako gusto ko ikaw kakanta! Hahaha." jusko! Kasal agad ang pinapangarap nya.
"Tsk. Tigilan mo nga 'yang kalandian mo para kang ewan dyan." nag peace sign na lang sya habang tumatawa.
"Hoy Ast, dyan na bahay nyo oh." sabi ko sa kanya, mukang wala sa sarili.
"Ay oo nga pala! Hahaha. Bye Ione, ingat ka." nag beso-beso rin kami at kinindatan pa nya ako. Tsk, hindi dapat ako pagod sa araw na 'to pero ng dahil sa kanilang dalawa pakiramdam ko sobrang pagod na pagod ako. Tsk.
●Zeke's POV●
"Mga putangina ng BRB!" sigaw ni Skyler.
"Tangina nila! Sa rematch ako na makaka-laban nila." naka-kuyom na ang kamay ni Jayden halatang galit na galit na sya, inabutan ko sya ng alak.
"Tayong dalawa ang makaka-laban nila." sabat ko sa usapan nila. Kumuha ako ng sigarilyo sa harap naming maliit na lamesa.
"Putangina talaga!" sigaw ni Skyler sabay hagis ng boteng hawak nya, bigla naman napatayo si Ethan sa pag-kakaupo nya sabay hithit ng sigarilyo nyang hawak.
"Tangina naman Skyler! Ako na naman ang mag wawalis nyan eh!" sigaw sa kanya ni Ethan habang napapa-kamot na lang ito sa batok nya. Si Ethan kahit mukang abnormal 'yan, malinis sya sa katawan kahit itong tambayan namin sya ang gumawa ewan ko kung paano nya ito natunton. Sya ang nag-lilinis araw-araw.
"Tangina! Basta humanda sa'tin ang mga putanginang BRB na 'yon!" sigaw ulit ni Skyler sabay hithit ng sigarilyo nya.
Humithit ako ng tatlong beses sa sigarilyo hawak ko binuga ko ang usok na korteng bilog. "Hayaan nyo na mga putangina nila. Sa araw ng rematch 'yon ang araw na isusumpa nila." matigas na sabi ko sabay tingin kay Jayden, naintindihan naman nya ang ibig kong sabihin.
Ngumiti ng nakaka-loko si Jayden. "Tsk. Smoking Thug's tayo. Sila ang taga-hithit at tayo ang bubuga. Hindi ng usok... kundi ng apoy." matigas na sabi ni Jayden, tumayo ako sa pag-kakaupo ko, tumingin naman silang lahat sa'kin.
"Labas lang ako." hindi ko na sila hinintay mag salita agad akong lumabas sa tambayan namin, narinig kong tinawag ako ni Taniel, pero dedma lang gusto ko lang muna ang mapag-isa.
Habang nag-lalakad ako hindi ko maiwasan isipin kung paano kaya kapag hindi ganito ang buhay ko? Paano kaya kung naging matino ako? Anak ng putangina! Ang demonyong tulad ko magiging matino? Tsk. Nakaka-kilabot.
"Sya ang leader ng Smoking Thug's diba?" hindi ko alam kung mga gago ba sila o gago talaga.
Halata naman siguro sa tattoo ko sa bandang gilid ng leeg ko. Kaming lima may kanya-kanyang tattoo pero iisa lang ang tattoo namin ST ang naka-lagay na letter, sa'kin ang pagkaka-tattoo may korteng dragon at malinaw na mababasa ang ST. Si Skyler naman ulap ang tattoo sa kanya, sa bandang palad nya. Si Taniel libro ang tattoo sa kanya sa loob ng librong 'yun may naka-lagay na ST sa bandang dibdib naman sa kanya. Si Jayden, ahas ang tattoo sa kanya, 'yung letter S ay ahas ang pakaka-tattoo at dinugtong na lang ang letter T sa bandang paa ang tattoo nya. Si Ethan naman simpleng letrang ST lang sa kanya sa bandang paa rin nya naka-lagay ang tattoo. Ang bawat drawing ng mga tattoo namin ay sumisimbolo sa pagka-tao namin at sa bawat tattoo namin hindi mawawala ang simbolong sigarilyo.
"Gago sya nga kita mo naman ang tattoo diba!? Ogag ka talaga." habang papalapit ako mas lalo kong naririnig ang mga putangina nila katangahan.
Hindi ko sila pinansin pero konti na lang babangasan ko na ang mga putangina nilang muka. Habang nag-lalakad ako tawanan na lang ang naririnig ko sa kanila, ng maka-lagpas ako sa pwesto nila biglang nag-salita ang isa. "Haha! Duwag naman yata ang leader na 'yan eh umaasa lang sa mga alagad nya! Hahaha. Biruin mo hindi sya ang lumaban sa fliptop! Haha." nag-pintig ang tenga ko sa tanginang sinabi nila. Kusang napa-hinto ang mga paa ko sa pag-lalakad, humarap ako sa kanila habang naka-ngiti. Inilagay ko ang kanang kamay ko sa bulsa ko at nag-lakad papunta sa gawi nila. Napa-hinto sila sa pag-tatawanan, kaya pala ang lakas ng loob mga umiinom pala.
"Kailan pa nag-salita ang ipis?" naka-ngiti kong tanong sa kanila. Tumayo ang isang lalaking mukang tinapakan na ipis. Pamilyar ang muka nya sa'kin.
"Oh tol, ito na pala ang leader ng mga Smo.king.thug's!" pinag-pantig pantig pa nya ang pangalan ng grupo namin sabay tawa.
"Tsk. At tumatawa pa ang ipis. How nice dude?" biglang nag-iba ang aura ng muka nya, kinuha ko ang boteng naka-lapag sa lamesa nilang maliit at binuksan 'yon gamit ang ngipin ko. Nilagok ko 'yun ng sunod-sunod, inilapag ko ang boteng may tira pa ng konti. Pinanonood lang nila ang ginagawa ko. Ngumiti ulit ako sa kanila "Nakita nyo na bang magalit ang isang leader ng Smoking Thug's?" tanong ko sa kanila habang inaayos ang hikaw ko sa kanang tainga ko.
Tumayo ang isang ipis. "Putangina mo pala! Wala akong paki kung leader ka ng ST! Gago!"
Bigla ko sya sinuntok ng malakas, na gulat sya sa ginawa ko. Agad silang sumugod sa'kin hinagis nila ang lamesa, tsk. Ganito ang nakikita ko sa t.v tangina lang.
"Tsk. Lampa." singhal ko sa kanilang dalawa. Pagewang-gewang sila kung sumuntok, umiiwas lang ako sa kada suntok nila, sumipol-sipol pa ako dagdag asar sa kanilang dalawa. "Ano ba 'yan! Bilisan nyo naman ang kilos. Ganito oh." agad kong sinuntok ang lalaking nasa kaliwa ko napa-hawak naman sya sa sikmura, susugod naman ang lalaking nasa kanan ko pero agad ko syang sinipa, knock-out agad. Lasing na kasi. "Still alive?" gusto kong matawa sa itsura nya ngayon.
"Gago! Humanda ka, hindi mo ako kilala." sigaw ng lalaking mukang pamilyar sa'kin sabay takbo.
Pero hindi pa sya nakaka-layo ng sigawan ko rin sya. "Ulol! Wala akong balak kilalanin ka gago!" huminto sya sa pag takbo at lumingon sa akin habang may hawak syang kwintas sa kaliwang kamay nya.
Shit!