♛ H A T G 8: Best Absolute Perfect ♛
●Zeke's POV●
"Ano!? Naka-laban mo ang isa sa member ng mga rabbit!? Hahahah! Putangina Zeke! Mag handa ka na ng carrots! Hahaha." ang sarap pasakan ng bote sa ilong itong si Ethan. Nag-tawanan na lang silang apat pero ako problemado pa rin! Nakaka-putangina lang kasi! Yung lalaking mukang pamilyar sa akin kagabi isa pa lang member ng Best Absolute Perfect o mas kilala bilang B.A.P sila ang grupo ng mga gangster na mahilig sa rabbit.
Pero hindi basta-basta rabbit, dahil sa bawat laruan na rabbit may naka-siksik doon na droga. "Tangina!" halos kanina pa ako mura ng mura, sigaw ng sigaw. Kapag binangga mo ang isa sa grupo nila kailangan mong bumili ng isang sachet na droga o m*******a. Hindi naman sa takot ako sa grupo nila, pero putangina! Drugs ang pinag-uusapan, hindi magandang biro 'yon at gago ako, tarantado ako, isa akong demonyo pero hinding-hindi ako magiging adik! Hinding-hindi ako mag shashabu. Putangina talaga, hindi naman pwedeng tumakas ako kasi kapalit 'non buhay ko. Mga adik sila, marami silang kilala, marami silang kapit at ako? Isa dakilang tarantadong gangster sa kalye walang laban sa kanila. Isa sila sa pinaka-tatakutan na grupo ng mga gangster.
"Sige mga tangina kayo! Tumawa lang kayo ng tumawa eh damay din kayo dito mga gago!" mas lalo naman silang tumawa at halos napapa-hawak na sila sa mga tiyan nila. Putangina! Alam nilang hindi sila madadamay, ang ikinaganda ng grupo ng BAP hindi sila basta-basta nang-dadamay kung hindi naman sila binangga kaya ako lang talaga ang sabit putangina.
"Pero dude dahil sa kaibigan kita sa friendster. Haha! Tutulungan ka namin." sabi ni Jayden, kahit mga tarantado ang mga ito may pakinabang din pala. Medyo na buhayan ako ng loob pero hindi ko pinahalata.
"Ano?" tanong ko sa kanila.
Tumingin-tingin sila sa paligid, puro mga nag tatakbuhan na mga classmate namin, mga nag-susugal sa likod, mga nag-chichismisan, mga nag-haharutan at mga nag-tatawanan. Wala kaming teacher, at lagi naman walang teacher last section kami kaya ang mga tarantadong teacher hindi na pumapasok mga putangina lang. Bigla silang lumapit sa akin at nag-akbayan pa, napa-sandal naman ako sa arm chair ko. "Hamunin na lang natin sila ng dance battle." naka-ngising saad ni Skyler. Tinitigan ko silang apat na may nakaka-lokong ngiti sa mga labi nila, ang sarap nilang pasabugin sa muka. "Ulol!" sigaw ko sa kanila sabay nag middle finger pa ako.
Mga tarantado talaga ito, dance battle raw!? Mga gago talaga. "Haha! Ayaw mo pa eh 'yun na nga lang ang pinaka-madaling paraan." sabi ni Taniel habang na tatawa, kung bangasan ko kaya mga pag-mumuka nila?!
"Hahaha! Mag t-teach me how to dougie tayo." sabay na sabi ni Skyler at Ethan habang sumasayaw ng dougie. Sabagay muka naman silang mga aso.
"Mga gago! Muka kasi kayong mga aso!" sigaw ko sa kanila habang naiiling. Tsk, wala dapat akong problema pero putangina mukang mag kaka-problema pa ako ng wala sa oras! Bwisit.
"Take it? Or leave it? Haha. Mamili ka dude, grab your chance kung ayaw mong mamatay." kung ang bawat tao ay may motto sempre ang grupo ng BAP may motto rin sila, DRUGS OR DIE.
"Putangina. Kailangan kong umuwi sa bahay mamaya." bigla naman silang na gulat.
"Weee?" eh kung upakan ko kaya silang apat!? Bwisit din sila sakit sa ulo. Mga walanghiya.
●Ione's POV●
"Hihi. Ione may bago tayong pupuntahan mamaya." itong si Kyla ang daming alam na pupuntahan. Madadamay pa yata ako sa mga katarantaduhan ng gagang ito.
"Saan?" walang gana kong sagot sabay subo ng spaghetti ko.
"Sa Donovan High School. May kukunin lang ako kay Kuya mamaya." napa-tango lang ako, akala ko kasi kung saan na naman kami pupunta. Medyo malapit lang ang Donovan dito sa school namin, parehas na 4th year high school sila Kyla at ang Kuya nyang si Zelo. Ewan ko kung bakit sa Donovan si Zelo at si Kyla naman dito sa Clodoveo High School kung saan kami nag-aaral ngayon.
"Teka Kyla, bakit pala mag-kaiba kayo ng Kuya mo ng school?" bigla ko na lang naitanong sa kanya, ngumiti naman sya sa akin sabay inom ng juice nya.
"Malalaman mo rin." at kumindat pa sya.
"Jusko Kyla! Wag na wag mo ng uulitin na kumindat nakaka-kilabot! Haha." biro ko sa kanya tinarayan naman nya ako sabay tawa na rin. Baliw talaga 'no?
Kumain na lang kami at nag kwentuhan sandali, puro kalandian lang ang mga na kukwento ni Kyla wala naman akong magawa kundi ang makinig sa mga kalandian na kwento nya. Nag kwento rin sya tungkol sa Kuya nya, kesyo daw nag-iba na ng ugali ang Kuya nya marami pa syang sinabi at sa dami ng sinabi nya wala akong interest doon. Matagal ko ng close si Kyla pati na rin si Astrid, since 1st year high school mag kakakilala na kaming tatlo, kilalang-kilala ko na mga ugali nila kaya siguro sanay na ako sa mga kalandian nilang dalawa. Buti na nga lang hindi ako na hawa ng kalandian nilang dalawa.
"Kyla, isasama ba natin si Astrid?" maaga kaming pinauwi ngayon at kawawa naman si Ast kung hindi sya makaka-sama sa'min.
"Oo tinext ko na sya kanina. Ayan na pala oh!" sabi ni Kyla habang naka-tingin sa malayo, napatingin naman ako sa tinitignan nya at nakita kong tumatakbo sa gawi namin ni Astrid na may subo-subong lollipop.
"Haha! Grabe!" bungad nya sa amin sabay punas ng tumutulo nyang pawis sa noo. "Tara na!" naka-ngiti nyang sabi, nag-lakad na kami palabas ng school kwentuhan ng mga kalandian na naman ang naririnig ko sa kanila hindi 'man lang ako maka-relate kainis lang.
Habang nag-lalakad kami palabas ng school patingin-tingin lang ako sa paligid namin alangan maki-sabay ako sa kwentuhan na kalandian nila eh wala naman akong makukwento. Biglan na hagip ng mata ko ang teritoryo ng Smoking Thug's habang papalapit kami ng papalapit sa teritoryo nila lalo kong naririnig ang mga boses nila, mga mura, mga rap at mga tawanan. Sila na siguro ang pinaka-salot dito sa Clodoveo High School, sila lagi ang nag papasimuno ng mga gulo, ng mga sugal, ng mga kalokohan, halos na papagod na ang mga teacher kaka-saway sa kanila hindi naman sila pwedeng idrop dahil naaawa daw ang principal namin sa kanila. Ang bait ng principal naman parang ewan lang.
"Hihihi." hagikgikan ng dalawa kong katabi, mga malalandi talaga kahit kailan.
Nang naka-layo na kami sa pwesto nila, hindi ko mapigilan na hindi lumingon ulit sa grupo nila. Dahan-dahan ako lumingon habang nag-lalakad kami at sa pag-lingon ko nag tama ang mga mata namin...
Mga mata namin ni Zeke.
•••
"Ang tagal naman ng Kuya mo Kyla! Kanina pa tayo dito." reklamo ni Astrid habang patingin-tingin sa harap ng gate ng Donovan. Sobrang laki talaga ng school nila, hindi mo aakalain na isang public school lang din tulad ng school namin. Kung tutuusin mas gusto ko pang mag-aral dito, kasi kakaiba ang mga patakaran sa school na ito.
"Nako, mas gusto ko talagang mag-aral dito." naibulaslas ko sa kanila, agad naman napahinto sa pag tetext si Kyla, at tumingin sa'kin na parang naguguluhan.
"B-bakit?" medyo nauutal nyang tanong.
"Wala lang, sa tingin ko kasi mas maganda ang turo dito tska parang mas matitino ang mga estudyante dito." napa-kunot noo naman si Kyla habang naka-titig sa akin. "Bakit?" tanong ko sa kanya.
Umiling-iling naman sya. "Tsk, lahat may tinatagong sikreto." makahulugan nyang sabi, medyo naguluhan naman ako doon. Mag tatanong pa sana ako pero bigla na lang sumigaw si Kyla habang naka-tingin sa anim na lalaking palabas ng gate ng Donovan.
Tinignan ko agad ang itsura ni Astrid, nakita ko naman napanganga sya sa nakita nyang mga lalaki. Nag-lakad si Kyla papunta kay Zelo at kinausap nya Kuya nya. Malaki ang na bago sa itsura ni Zelo, huling kita ko sa kanya walang kulay ang buhok nya at matino syang tignan pero ngayon? Ibang-iba na sya.
May kinuha si Zelo sa bag nya isang rabbit na teddy bear nakita kong nanlisik ang mata nya habang kinakausap si Kyla, gusto kong pakinggan ang pinag-uusapan nila kaso hindi ko talaga marinig, Nakita kong naka-simangot si Kyla pero agad naman syang ngumiti nang makita kami. "Tara na uwi na tayo." bungad nya sa amin habang nilalagay ang rabbit nyang hawak sa bag nya.
"Ang gwapo talaga ni Zelo! Lalo na 'yung mga kasama nya. Hihihi." sabi na nga ba at kalandian na naman ang pinairal ni Astrid, naiiling na lang si Kyla at nag-lakad na kami. Parang nag-iba ang timpla ng muka nya, ano bang meron sa rabbit na 'yon? Gusto ko sanang mag tanong kaso baka lalo syang mabadtrip.
"Mga kaibigan ba 'yon ng Kuya mo?" tanong ni Astrid.
Tumango naman si Kyla. "Best Absolute Perfect ang pangalan ng grupo nila, mga gangster din o mas kilala bilang B.A.P si Kuya Zelo ang leader doon."