H A T G: CHAPTER 9

758 Words
♛ H A T G 9: BlockB ♛ ●Zeke's POV● "Hahaha. Nako Zeke, ako nga tinatakwil na ako ng gago kong nanay." sabi sa akin ni Ethan. Hindi ko na lang sya pinansin badtrip ako sa putangina kong mga magulang. Wala silang kwenta, kaya hindi ako mag-sisisi na naging ganito ang buhay ko, hindi pa nila ako tinatakwil ako na mismo ang nag-takwil sa sarili ko sa tanginang impyernong bahay. Sugarol ang mga magulang ko, ginagawang tambayan ng mga adik ang bahay namin. Nakaka-putangina lang talaga, minsan ginawa pang hotel ang kwarto ko doon, diring-diri ako sa bahay na 'yon. Kaya ako na mismo ang umalis doon. Buti na lang si Ethan may na hanap na tambayan namin, dito ako na tutulog minsan kasama ko sila kapag ayaw nilang umuwi sa mga bahay nila. Kung tutuusin sila na lang ang pamilya ko ngayon, sila lang ang nakakaintindi sa akin. Putangina hindi bagay sa'kin mag drama. "Hoy pre, 'yung luha mo babagsak na. Hahaha!" pang-aasar sa'kin ng gagong Taniel na ito. "Tarantado!" sigaw ko sa kanya sabay nag middle finger pa ako. Nag-tawanan naman ang mga ulol, napailing na lang ako sa inasta ng mga gagong ito. "Teka Zeke maiba tayo. Paano na 'yung gagawin mo sa mga rabbit?" biglang tanong sa akin ni Skyler habang inaayos ang chess board, mag-lalaro na naman ang mga gagong 'to, mga tanga-tanga naman mag-laro. "Tsk. Wala akong paki sa kanila, madali lang 'yon ako ng bahala. Ang dapat na pinoproblema natin ngayon 'yung susunod na fliptop battle natin next week." hindi ko hahayaan na mapahiya grupo ko, kailangan manalo kami sa susunod na laban. "Ay oo nga pala! Sabado ngayon, nood tayong laban ng BlockB!" biglang sigaw ni Jayden. Napahinto sa pag-lalaro sila Skyler at Taniel ng chess, bigla naman ako napatingin kay Jayden. "BlockB? Sino mga kalaban nila?" mukang may himalang nangyayari. "Hindi ko alam eh mga tambay lang yata na nanghamon sa kanila." "Anong oras?" tanong ni Taniel, mukang interesado rin sya. "Mamayang alas-sais." "Punta tayo." sabat ko sa kanila. Ang Block Buster o mas kilala bilang BlockB isa silang mga 'walang kwentang' gangster kung tawagin, pakalat-kalat lang sila sa kalye, minsan lang kung makipag-away kaya kada may laban sila maraming nanonood, maraming interesado. May kakaiba sa bawat galaw nila, may kakaiba sa bawat suntok at ilag nila. Kumbaga 'yon ang sikreto nila, kaya maraming naiinggit sa grupo na 'yon pero hindi kami kasali doon, sila brotherhood namin ang BlockB. Pero matagal na rin simula 'nung huli namin sila naka-sama, hindi na sila nag-aaral wala na kaming balita sa kanila basta ang alam namin pakalat-kalat na lang sila, nag-tayo na rin sila ng ibang fraternity, hindi sila ganun dati parang pag gising na lang namin bigla silang nag-bago, hindi ko alam kung bakit. Maraming sikreto ang BlockB, kahit na mahigit isang taon namin silang naka-sama hindi pa rin talaga namin sila lubos na kilala. "Pero isang taon na rin simula 'nung huli natin silang naka-sama." malungkot na sabi ni Ethan. "Gago! Wag kang ganyan di bagay sayo. Muka kang asong inagawan ng buto! Hahaha." pang-aasar sa kanya ni Skyler, binatukan naman sya ni Ethan. Mga gago talaga ito. "Tama na nga 'yan para kayong tanga dyan." awat sa kanila ni Taniel, pero imbis na huminto sila sinali pa ni Skyler si Taniel sa harutan nila, minsan iniisip ko kung bakla ba ang mga ito. "Hoy wag kayong mag harutan dyan para kayong mga bakla." saway naman ni Jayden pero naki-sali rin sya sa harutan, mga tarantado talaga. ●Ione's POV● "Uhm.. Miss!" kanina ko pa na papansin may sumusunod sa akin na tatlong babaeng naka-single na motor, hindi ko maiwasan na hindi kabahan, baka mabutas na naman ang bigas na dala-dala ko lagot ako kay Mama! "Miss, sandali." bigla akong napahinto sa pag-lalakad ng na corner ako ng tatlong single na motor, bumaba sila sa mga motor nila. Grabe, kung lalaki lang ako baka niligawan ko na sila ang gaganda nila, ang puputi tapos ang ganda ng suot nilang damit. Mukang hindi naman sila masasama, pero bakit nila ako tinatawag? "Miss Ione Quinn Perez, right?" tanong ng babaeng may straight bangs at naka-pusod na ipit, naka-boots pa ito may maikling damit at fitted na blouse, kulay brown ang buhok nya. "A-ako nga." jusko! Sana dumating sila Kyla at Astrid. "Hindi na kami mag papaligoy-ligoy pa gusto lang namin sumali ka sa grupo namin. Kulang na lang kasi kami ng isa." sabi ng isang babae. "Wanna join us?" sabat naman ng isa sabay tanggal ng shades nya. Ano ba ito? Sino sila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD