♛ H A T G 10: Fourious ♛
●Ione's POV●
"T-teka, naguguluhan po ako. Anong ibig nyong sabihin? Sasali saan?" medyo nakaramdam ako ng kaba dahil sa mga ngiti at tinginan nila.
"Sorority." muntikan ko ng mabagsak ang hawak-hawak kong bigas. S-Sorority!? Mga sira-ulo ba sila?
Umiling-iling ako habang naka-ngiti."Pero hindi po ako interesado sa inyo, sige po alis na ako." pilit kong hindi pinapakita sa kanila na kinakabahan ako baka kung ano pa ang gawin nila sa akin kapag nag pakita ako ng kahinaan, akmang tatalikod na ako ng isa sa kanila biglang nag-salita.
"Fourious. 'Yan ang tawag sa grupo namin, isa kaming notorious sorority. Well mostly gang ang tawag sa amin, at hindi kami matatawag na Fourious kung tatlo lang kami besides alam kong magiging interesado ka sa grupo namin at hinding-hindi ka mag-sisisi kung sasali ka sa grupo namin."
"A-ano?" naguguluhan ako sa mga sinasabi nila.
Ngumiti silang tatlo sa akin. "Tuturuan ka naming ng martial arts, karate, boxi---"
"Hindi po ako interesado." ayoko ng marinig ang mga sasabihin nila nag-sasayang lang sila ng oras.
Tumalikod na ako sa kanila at binilisan ko ang lakad ko pero hindi pa ako nakaka-layo ng isa sa kanila ang sumigaw. "Babalik kami kapag interesado ka na!" bakit ba ako ang napili nilang sumali? Muka ba akong interesado sa kanila?! Nakaka-sira lang ng araw.
Pero sa pagkaka-alam ko kapag sasali sa isang fraternity o gang hahampasin ng pamalo o kung ano 'man ang tawag doon. Kung si Mama nga hindi na ako pinapalo tapos sila pa kaya? Tsk.
"Ma, nasa lamesa na po 'yung bigas akyat lang ako sa kwarto." bago 'man ako maka-akyat sa kwarto sinermonan pa ako ni Mama, kesyo daw lagi akong matagal bumili kesyo daw baka may katagpuan na daw ako. Kainis lang ang mga nanay talaga advance mag-isip.
●Zeke's POV●
"Nasaan na ang mga BlockB?" tanong ni Skyler kay Jayden, nag kibit-balikat naman si gago.
Halos kalahating oras na kaming nag-hihintay dito, hindi pa rin dumadating ang BlockB punong-puno ng tao ang abandonadong gusali na 'to, kung tutuusin marami pa ang darating mamaya pero mukang maaga kami makaka-uwi wala pa rin ang BlockB, unti-unting na bubuhayan ng loob ang mga gago nilang makaka-laban, pero alam kong darating sila. Wala pa silang grupong inurungan.
"Nandyan na daw sila."
"Parating na daw!"
"Grabe ibang-iba ang aura nila!"
Na puno ng bulong-bulungan ang loob ng gusaling ito, maraming natutuwa marami rin ang na dismaya. Unti-unting sumigaw ang mga tao, nag-lakad ang BlockB sa gitna patungo sa mga kalaban nila. Iba nga ang aura nila ngayon, kung hindi ko lang sila kilala isa na rin ako sa mga natatakot ngayon.
"WOOOO!"
Walang sali-salita agad nilang binangasan ang isa-isa nilang mga kalaban, hindi ko maaninag ang iba masyadong maraming tao, nasa bandang hulihan kami pero ang mga galaw nila mas lalong naging kakaiba. Isang taon ko rin silang hindi nakita makipag-banatan, isang taon ko silang hindi nakaka-usap siguro kung hindi lang 'yon nangyari noon mag-kakasama pa rin kami. Kaso tapos na, nangyari na.
Sa bawat suntok, sipa at ilag nila halatang bihasang-bihasa na, halatang master na nila ang mga ordinaryong galaw, sa bawat bilis nilang sumuntok, sa bawat bilis nilang umilag halatang punong-puno ng galit. Siguro hindi pa rin nila nakakalimutan ang nangyari noon.
Wala pang sampung minuto, napatumba na nila ang apat sa mga kalaban nila at isa na lang ang natitira, sa nakikita ko walang bahid ng kahit anong dugo sa mga muka o damit nila. Lumapit si Zico sa nag-iisang natitirang lalaki, bakas sa muka ng kalaban nila ang takot pero nakuha pa rin nitong lumaban. Susuntukin sana si Zico sa muka pero agad itong naka-iwas, mabilis nyang tinadyakan ang lalaki sa tiyan napaluhod ito habang hawak-hawak ang sikmura. Hindi pa rin sya nag-babago, ganun pa rin ang kilos nya ganun pa rin sya makipag-laban. Pero alam kong nag-bago na ang ugali nya, nila.
Marami rin kaming natutunan sa BlockB, tinuruan nila kaming makipag-laban ng hindi nakikita ang mga kalaban namin, ang pang-amoy, pang-dinig at pakiramdam lang ang ginagamit namin. 'Yun ang pinang-hahawakan ng Smoking Thug's na hindi kayang gawin ng iba. Malaking pasasalamat namin sa BlockB dahil kung hindi dahil sa kanila wala ang grupong Smoking Thug's.
Pero kung hindi dahil sa kanya hindi mabubuwag ang samahan namin. Tangina! Bakit ko ba sya naalala?! Binaon na namin sya sa limot, hindi na namin sya kilala, hindi ko na sya kilala.
Kahit na kapatid ko sya.
Nilibot ko ang paningin ko sa mga taong nanonood, ang iba kumukuha pa ng video o picture, ang iba naman nag-tatawanan at kanya-kanyang sigaw. Biglang na hagip ng mata ko ang isang lalaking naka-jacket na itim, hindi ko maaninag ang muka nya dahil medyo madilim sa bandang pwesto nya. Pero imposibleng sya 'yon..
Imposible.
"Okay ka lang?" hindi ko pinansin ang tanong ni Jayden nakita ko na lang na umalis ang lalaki sa pwesto nya, agad kong sinundan ng tingin kung saan sya pupunta.
Tangina! Hindi ako nag-kakamali. Sya nga!
"Hoy saan ka pupunta!?!" sigaw nila sa akin pero nakipag-siksikan pa rin ang sa mga tao, sana mahabol ko pa sya. Gusto kong malaman kung bakit nya 'yon ginawa.
"s**t!" naka-labas na ako pero hindi ko na sya naabutan. Posible kaya sya 'yon? Pero parang hindi.. Baka namamalikmata lang ako.
Sana hindi sya bumalik.
Dahil alam kong magugulo lang ang lahat.
Alam kong mang-gugulo lang sya.