♛ H A T G 11: The Who?? ♛
●Ione's POV●
"Fourious? Alam mo Ione sa pagkaka-alam ko isa sila sa pinaka-malakas na mga babaeng gangster, pero hindi sila 'yung tulad ng ST. Kumbaga isa silang mga sosyal na gangster, galing sa mayaman na pamilya at hindi lang sila basta-basta nakikipag sapakan o bugbugan, buti na lang at hindi ka pumayag sa gusto nila dahil kapag pumayag ka ang tahimik na buhay mo, mapupunta sa gulo.. Mapupunta sa impyerno." natakot ako sa sinabi sa akin ni Kyla, pero sabi nila babalik daw sila? Ibig sabihin ba 'nun hindi nila ako patatahimikin? Ibig sabihin ba 'nun hindi sila papayag na hindi ako sasali sa kanila? "Hoy! Tulala ka na dyan! Kanina pa ako daldal ng daldal hindi ka naman yata nakikinig." nginitian ko na lang sya at inirapan nya ako.
Kung sumali na lang kaya ako sa kanila? Tutal naman hindi sila basta-basta nakikipag-bugbugan. Esh! Bakit ko ba iniisip 'yan!? Hinding-hindi ako sasali sa kanila!
Hinding-hindi...
"Ione, sabado na bukas manonood ulit tayo." bulong sa akin ni Kyla sabay kumindat pa. Hindi ko na lang sya pinansin at nakinig na lang ako sa sinasabi ng teacher namin.
Bukas na ang rematch ng fliptop battle ng ST at BRB, sa tingin ko wala na naman sigurong mananalo sa kanila, magiging tie na naman ang laban, parang natatakot ang mga judge kung meron 'man sa fliptop kung sino talaga ang gusto nilang ipanalo. Pero para sa'kin mas magaling ang ST. Teka nga! Bakit ko ba sila kinakampihan!? Eh ang yabang-yabang nila! Nakaka-inis naman, hindi ko na maintindihan ang sarili ko mababaliw na yata ako sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko! Kasalanan 'to nila Ast at Kyla, masyado silang maharot at mukang unti-unti na akong nadadamay sa mga kalokohan nila!
"HOY MAG NAG-SASAPAKAN SA BABA!"
Nagulat kaming lahat sa mga sigawan ng estudyante sa corridor, napatigil si Ma'am sa pag-sasalita ang iba naming classmate agad-agad lumabas, ang iba naman nag puntahan sa bintana, maraming mga estudyante ang nag-tatakbuhan pababa, naririnig ko na ang mga sigaw na nang-gagaling sa baba. Napalingon ako bigla kay Kyla, nakita ko lang sya na naka-ngiti habang tumatango, agad-agad naman akong umiling pero hinawakan na nya ang wrist ko at agad akong hinila. "KYLA ANO BA!" sigaw ko sa kanya pero patuloy lang sya sa pag-takbo habang hila-hila ako pinipilit kong hinahatak ang kamay ko pero sobrang higpit ng pagkaka-hawak nya sa akin halos hindi na ako tumatakbo at sya na ang humihila sa akin. Habang tumatakbo kami pababa lalo kong naririnig ang lakasan ng sigawan.
"WHOOOOAAA! ST! ST! ST!"
"GO ZEKE! SAPAKIN MO SA MUKA!"
"TADYAKAN MO!"
Halos magulantang ako sa nakita ko, akala mo may live show sa baba ng building namin, maraming estudyante na nag-tatawanan at halatang nag-eenjoy sa pinapanood nila, ang iba naman nag pupustahan na, ang iba naman sumusuntok sa hangin. Sobrang nadadala sila sa eksena, at alam kong ang ST lang ang makaka-gawa ng ganyan.
Hila-hila pa rin ako ni Kyla, pilit nakikipag-siksikan para lang mapunta sa pinaka-harap, wala na akong nagagawa kundi sumunod na lang sa kanya. "Wow!" tinignan ko ang muka ni Kyla, akala mo may mga star sa mata nya dahil sa nakikita nya.
Malinaw namin nakikita ang eksena, ang grupo ng ST kanya-kanyang kalaban, kanya-kanyang mga sinusuntok. Wala ng bago sa kanila hindi yata matatapos ang isang buwan ng hindi nagaganap ang ganitong eksena, halos nasasawa na yata ang iba... Pero hindi eh, dahil ang dami pa ring nanonood sa kanila, pati yata mga teacher nadadala sa eksena akala mo may totoong boxing talaga.
Ano bang meron sa ST at ganyan na lang sila kung humanga?
Hindi ako interesado sa mga ganitong bagay, hindi ko sila pinapanood pero si Kyla talaga makulit, simula 'nung naging crush nya daw si Jayden panonoorin na daw nya ang lahat ng laban nila. Pero nag-eenjoy din naman ako sa ganito, siguro kaya maraming humahanga sa kanila dahil magaling talaga sila.
Pero hindi ako humahanga sa kanila! Nakaka-diri sila! Lalo na si Zeke mukang laging naka-shabu, sabog lagi ang muka. Nakakairita tignan ang buong aura nya, akala mo christmas tree ang tenga ang daming mga hikaw dinaig pa ako, teka... Hindi kaya bakla si Zeke? Haha.
"Hoy bakit ka nangingiti?" bigla akong tumingin kay Kyla at napasimangot ako bigla.
Ano ba ang nangyayari sa akin? Nababaliw na ba ako? "GAGO! TANGINA MO! ANG YABANG MO! WALA KA NAMAN PALANG BINATBAT GAGO KA!" sigaw ni Zeke at sinuntok ng malakas ang isang estudyante habang hawak-hawak nya ang kwelyo. Dugong-dugo na ang uniform ng estudyanteng 'yun, sabog na rin ang muka sa dami ng suntok pero si Zeke kahit yata daplis wala.
Ganyan ba talaga sya kagaling?
Biglang nag-takbuhan ang mga estudyante sa pag pito ng tatlong guard, tumigil sila sa pag-susuntukan, ang iba nilang kalaban tumakbo ng dahil sa takot pero ang ST? Cool lang sila na parang wala silang ginawang masama. "BALIK KAYONG LAHAT SA CLASSROOM NYO! NOW!"
Nagkatinginan kami ng Kyla habang natatawa at mabilis kaming tumakbo paakyat sa hagdan, nakaka-sabay namin ang ibang mga estudyante at iba naming classmate. Ang iba naman sobrang natataranta sa pag-akyat, galit na galit ang principal namin, mukang nawalan na sya ng pasensya sa mga kalokohan na ginagawa ng mga ST.
Pag-akyat namin huminto muna kami ni Kyla habang nag-hahabol ng hininga, nakaka-pagod pala ang tumakbo. "Hahaha! Mukang magiging dragon si Ma'am! Haha." sabi ni Kyla habang humihingal at hawak-hawak pa nya ang dibdib nya, nginitian ko na lang sya habang nag-hahabol pa rin ng hininga.
"Kyla baka---"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kay Kyla nang biglang may humigit sa kamay ko. Agad akong lumingon kay Kyla at halos nanlalaki ang mata nya, mabilis kaming bumababa ng hagdan habang hila-hila nya ako, natataranta na ako! Nawawala ako sa sarili ko, tinignan ko ang may hawak sa kamay ko.
Bakit sya!?
Mamamatay na yata ako.