♛ H A T G 12: New Friend? ♛
●Ione's POV●
"Teka! Saan mo ako dadalhin!?" kanina pa kami palakad-lakad, kanina pa nya ako hatak-hatak pero ngayon lang ako nag tanong, paki batukan nga ako!
Nakatitig lang ako sa muka nya habang hila-hila nya ako, nag-hihintay akong mag salita sya pero naka-tingin lang sya sa nilalakaran namin. Ngayon ko lang natitigan ang muka nya, mahaba pala ang pilik mata nya, matangos ang ilong nya, may pagka-singkit pala ang mga mata nya at medyo mapanga sya. Haha.
"Yosi nga." hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa harap ng isang tindahan. Inilibot ko ang paningin ko, hindi ko alam kung saang lugar ito.
Sa sobrang gulat ko kanina hindi ko alam kung paano kami naka-labas ng campus, sino ba naman ang hindi magugulat sa biglang pag hatak sa akin ni Zeke!? Hindi kami close, kahit hi-hello hindi ko sya binabati, tapos kung maka-hatak sya sa akin akala nya close kami?
"Ano ba 'yan usok!" itataboy ko sana ang usok gamit ang kaliwang kamay ko, pero hindi ko na gawa.
Hawak-hawak pa pala nya ang kamay ko, bigla syang napa-ubo at binitawan ang pagkaka-hawak nya sa kamay ko.
Bigla yata akong pinagpawisan. "Bakit mo ako hinatak!?" bulyaw ko sa harap nya. Tinignan lang nya ako mula ulo hanggang paa habang humihithit pa sa hawak-hawak nyang sigarilyo.
"Ikaw pala." para bang kausap lang nya ang sarili nya habang tumatango-tango pa.
Tinaasan ko sya ng kilay. "Uulitin ko ang tanong ko, bakit mo ako dinala dito!?" sigaw ko sa kanya habang dinuro-duro ko sya.
Hinampas naman nya ang daliri ko na nasa harap ng muka nya. "Tanga ang tanong mo kanina kung bakit kita hinatak." aba! Teka.. 'yun ba ang tanong ko kanina?
"Hmp! Ganun na din 'yon! Bakit nga kasi!? Kung maka-hatak ka akala mo close tayo!" gusto ko syang sapakin, pero baka sapakin nya din ako mahirap na mas malakas sya kesa sa akin.
"Tsk. Akala ko tahimik ka, akala mo mahinhin ka. Napaka-eskandalosa mo pala." sisigawan ko sana ulit sya pero agad syang nag-lakad palayo sa akin. Tinignan ko ang paligid ko, at wala na akong nagawa kundi sundan sya hindi ko naman alam ang lugar na 'to tsk.
"Hoy! Saan tayo pupunta!?" sigaw ko sa kanya habang sinusundan ko sya.
Hindi sya nag-sasalita, tuloy-tuloy lang sya sa pag-lalakad nya para bang wala syang kasama. Nakakainis! Ang sarap nyang tadyakan sa muka! Ang sarap nyang saksakin sa lalamunan hanggang sa lumabas ang mga bituka ny--- "Teka nga." nagulat ako sa biglang pag-salita nya at biglang pag hinto nya, muntik pa akong tumama sa likod nya. "Bakla ba talaga si Barney?" nanlaki ang mata ko sa tanong nya, tinitigan ko ang muka nyang medyo namumula napaiwas sya ng tingin sa'kin, napakamot sya ng batok nya.
A-ano daw!??
"Hahaha! Grabe ka naman! Haha!" hindi ko alam kung baliw ba itong kasama ko, o baka naman nasapian ng masamang espirito. Teka si Zeke ba talaga itong kasama ko? Baka naman kinuha ng mga alien ang totoong Zeke at ito ang ipinalit nila? Haha! Grabe! Tama bang itanong sa'kin 'yan? "Wag ka ngang tumawa!" halos nang-gigigil na ang bibig nya sa pag-sigaw. Pero tawa pa rin ako ng tawa, idagdag pa ang nakaka-tawang itsura nya! Haha. Hindi ko akalain na ganito pala si Zeke. "Tsk!" bigla syang nag-lakad ng mabilis palayo sa'kin, sinundan ko sya habang tawa pa rin ako ng tawa. Grabe, hindi ako maka-get over sa tanong nya. Haha.
"Teka! Haha. Oo bakla si Barney! Hahaha!" sigaw ko sa kanya habang sinusundan sya, pero hindi sya nag-sasalita namumula pa rin ang muka nya sa kahihiyan. Haha!
"Manahimik ka nga dyan!" sigaw nya sa'kin. Nanahimik na lang ako habang nag-pipigil pa rin ng tawa baka biglang sapakin ako nito wala akong laban sa kanya.
Lakad lang kami ng lakad, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng baliw na ito.
"Dito muna tayo." bigla syang tumigil at umupo sa pahabang upuan. Tumingin ako sa paligid ko, nasa isang plaza na pala kami umupo ako sa tabi nya pero medyo malayo ang distansya ko sa kanya.
"Bakit mo ba ako sinama?" medyo na pagod ako sa kakasigaw sa kanya, narinig kong huminga sya ng malalim.
"Gusto ko lang magkaroon ng kaibigan." bigla akong napatingin sa kanya, naka-tingin lang sya sa malayo habang seryoso ang muka nya.
Kaibigan? Eh diba may mga kaibigan naman sya? "Huh?" naguguluhan ako sa sinabi nya, pati rin sa kilos nya. Parang ibang-iba talaga sya.
Ngumiti sya ng tipid habang naka-tuon pa rin ang atensyon nya sa malayo. "Wala." umiling-iling pa sya, siguro may problema lang sya, siguro may problema lang sila ng mga barkada nya.
Iniwas ko ang tingin sa kanya, tinignan ang ibang taong kasama namin dito sa plaza.
"Pwede ba kita maging kaibigan?" bigla na naman akong tumingin sa kanya, hindi ko inaasahan na naka-tingin pala sya sa akin.
Kaibigan? Sa unang-una ayoko sa kanya, naiinis ako sa sobrang angas at yabang nya, idagdag pa ang suot at tindig nya. Tapos ngayon kaibigan daw? Pinag-loloko nya ba ako?
"Alam mo Zeke, sa totoo lang ayoko sayo, ayoko sa ugali mo, ayoko sa porma mo, ayoko sa ka-angasan mo, ayoko sa buong pagkatao mo." halata sa tono ng pananalita ko na sobrang inis na inis ako sa kanya, pero imbis na mainis din sya sa'kin ngumiti lang sya at bahagyang na tawa.
"Oo nga pala ako si Zeke." hindi ko alam kung tama ba ang pagkakarinig ko sa tono ng boses nya, hindi ko alam kung nalulungkot ba sya o nag-iinarte lang. "Ganito na lang kapag kasama kita ako si Zeus pero kapag hindi kita kasama o kapag nasa school tayo ako pa rin si Zeke." naka-ngiting sabi nya.
Zeus? Zeke? Haha. Patawa sya 'no? Tsk. "May sapi ka ba? Tsk. Bahala ka." sabi ko sa kanya sabay iwas ng tingin. Pero nakikita ko sa gilid ng mata ko na mas lalong lumawak ang ngiti nya habang naiiling.
"Basta new friend na kita, hindi ako si Zeke ngayon kundi ako si Zeus. Haha." para syang tanga sa sinasabi nya. Hindi ko sya pinapansin kahit paulit-ulit nyang sinasabi na 'Ako si Zeus.' para syang timang kaya hindi ko mapigilan na hindi matawa sa sinasabi nya. Haha.
"Haha! Para kang tanga!" sigaw ko sa kanya habang natatawa, tumatawa na rin sya habang paulit-ulit pa rin nyang binibigkas ang salitang 'yon habang gumagalaw pa ang ulo nya. Hindi ko alam na may ganitong ugali pala si Zeke.
"Naniniwala ka ba sa kasabihan na be friends to your enemy?" napatigil ako sa pag tawa, dahan-dahang napawi ang ngiti sa labi ko.
Be friends to your enemy? Anong ibig nyang sabihin? "A-ano?" nauutal kong tanong sa kanya.
Umiling lang sya habang naka-ngiti. "Haha. Nevermind." sabi nya sa'kin habang pinisil ang ilong ko.
"Aray naman!" reklamo ko sa kanya pero tumatawa lang sya.
Pinisil ko rin ang ilong nya 'yung sobrang diin na halos mangisay na sya sa sobrang sakit. Haha! Joke lang.
"Aba! Gumaganti ka Yoni! Haha." pipisilin nya ulit sana 'yung ilong ko pero napigil ko agad sya. Teka ano daw? Yoni?
"Bakit Yoni?" tanong ko sa kanya. Bakit ang weird nya?
Ngumiti lang sya sa akin. "Ikaw si Yoni at ako si Zeus." naka-ngiti nyang sabi sa akin habang tinuro nya ako at ang sarili nya. Napailing na lang ako sa inasta nya, para syang isip bata.
Hindi ko inaasahan na ganito pala si Zeke---pero tama naman sya, kapag nasa school at hindi ko sya kasama sya pa rin si Zeke na mayabang, maangas, palaban, tarantado, at gangster pero kapag kasama ko naman sya, sya si Zeus.
Hindi ba delikado itong nangyayari o ginagawa ko?
●Zelo's POV●
"Kelan ang laban ng BRB at ST?" tanong ko kay Jae, kinuha nya ang isang maliit na palara sa lamesang nasa harap namin sinindi nya ang lighter na hawak nya at ginamit nya 'yon para mahithit ang shabu na hawak nya. "Bukas." wala sa sarili nyang sagot habang naka-tingala at ninanamnam ang tama ng droga.
"Tsk. Lakas gumamit ng kupal na 'to." reklamo ni Bang habang humihithit ng m*******a na hawak nya sa kaliwang daliri nya. Inagaw naman ni Chan ang m*******a na 'yon at hinithit din nya.
Tinignan ko ang iba naming kasama si Dae at Jong abala sa pakikipag-halikan sa mga babaeng kasama nila. Halos hubad na ang babaeng hinahalikan ni Dae, si Jong nakita kong pabilis ng pabilis ang galaw at dinig na dinig na ang ungol nila.
Ganito ang buhay namin, ganito ang ikot at takbo ng bawat araw ng buhay namin. Droga, alak, s*x. Pumapasok kami sa school pero hindi naman kami nakikinig, nag bebenta lang kami ng mga droga o m*******a sa iba naming mga kaklase.
Kinuha ko ang alak na kanina ko pa iniinom sa harap ko at tinungga ko 'yon. Naramdaman kong may humihimas sa dibdib ko, nilingunan ko ang katabi ko, lumapit pala sa'kin ang babae ni Dae. Tinignan ko ang kinaroroonan ni Dae, tulog na pala ang gago kaya ako naman ang aakitin ng babae nya. Hinayaan ko lang gawin ng babae na 'to sa katawan ko, naka-droga ang babaeng ito kaya todo siklab ang pagnanasang nararamdaman nya.
Pagkatapos ng laban ng ST at BRB, panahon na para kumilos kami, siguro dapat na naming ilabas ang isa naming brotherhood na grupo.
Dapat ng mag pakilala ang mga A B C Dexter.