♛ H A T G 13: Fliptop Battle (Rematch) ♛
●Ione's POV●
"Kyla kasi pwede naman kayo na lang ang manood dito." pag-mamaktol ko sa kanila habang nag-lalakad kami papasok sa isang maliit at madilim na pasilyo. Ito ang lugar na pinuntahan namin 'nung unang beses kami nanood ng fliptop battle.
"Bawal ng umatras nandito na tayo eh." muli kong nalanghap ang puro usok ng sigarilyo, amoy ng mga alak, at iba't-ibang sigaw at puro murang mga salita. Para akong nasa isang kabilang dimension ng mundo, parang dito sa lugar na 'to pwede mong gawin kahit ano.
"Mukang mas maraming tao ngayon." sabi ni Kyla na tumitingkayad habang naka-tingin sa harapan. Medyo nasa gitna kami kaya hindi namin gaano makita ang nasa stage, mas maraming tao nga ngayon kumpara 'nung una namin nood dito.
"Narinig ko kanina kung sino ang mananalo sa rematch na 'to may ilalaban pa daw na alaga ng isang kilalang grupo." sabi ni Astrid habang tumitingin sa harap din namin.
Wala akong pakielam kung sino 'man 'yon, mas iniisip ko kung paano kapag nakita ako ni Zeke? Papansinin nya kaya ako? Pero asa naman! Sabi nga nya kapag mag kasama lang kami pero kapag nasa maraming tao hindi kami mag papansinan. Pero nakakahiya kasi! Grabe maloloka na yata ako sa mga nangyayari sa buhay ko!
"Yow! Yow! MAKE SOME NOISE!!" bigla akong na gulat sa sigaw na nang-gagaling sa stage. Gusto ko sanang batuhin ng tsinelas ko 'yung lalaking may hawak-hawak ng mic. Bwisit lang! Naka-mic na nga tapos sisigaw pa!
"ABRA!"
"NA ABRACADABRA MO AKO!"
"ANG POGI!"
Kung maka-sigaw ang mga babae dito akala ko naka-kita ng isang artista, eh ang liit-liit naman ng lalaking nasa harap. "WAH! ASTRID! SI ABRA! WAAAH!" halos mabasag na yata ang laman-loob ko sa pag-sigaw ng dalawang katabi ko, tsk. Mag-tataka pa ba ako kung ganyan ang reaksyon nila? Eh maka-kita lang ng maputi at feeling gwapo sisigaw na agad sila. Grabe lang sana hindi ako maging ganyan, hinding-hindi talaga.
"Muling mag papakitang gilas ang hinahangaan at iniidolo nyong dalawang grupo!!" sigaw nyang muli, sumigaw ulit ang mga tao dito kanya-kanya silang sinisigaw na grupo pero mas marami ang sumisigaw sa grupo nila Zeke, kung tutuusin sila naman dapat ang panalo. "Katahimikan!! Pero kung sino ang mananalo sa paligsahan na ito may makakalaban silang bagong grupo!" hindi pa sya tapos mag-salita pero nag-sigawan muli 'yung mga tao, mas lalong lumakas ang sigawan nila. Kahit ako gusto kong sumigaw ng malakas, parang naeexcite rin ako sa mga susunod na mangyayari.
"Patatagalin ko pa ba ito!? Give it up for Smoking Thug's!"
♪I'm a cigarello fiend smokin weed like its
oxygen
Roll a lot skunk, need some blunts, get
two boxes in
Goin to pull my stash, out rollin out this
half ounce
Puff pass, nigga I puff grass till I pass
out♪
Biglang may malakas na tunog ng rap, sabay-sabay na umakyat ang mga ST sa stage biglang sinabayan ni Zeke ang pag-rap ng kanta, salitan sila ng Jayden. Umupo ang ibang ST sa may corner naiwan sa stage sila Zeke at Jayden, ibig sabihin silang dalawa ang ilalaban? "Ang pogi-pogi talaga ni Jayden." napa-face palm ako sa sinabi ni Kyla, kung maka-pogi naman sya akala mo hindi nya araw-araw nakikitasi Jayden, parang hindi sya nag-sasawa sa muka.
♪Half ounce what I got to smoke up in
some days
Yeah I choke up and get blazed
Eyes closed up and get glazed
I'll blow some in your face
But you aint hitting nothin
If Im in here I gotta smoke somethin
nigga
Half ounce what I got to smoke up in
some days♪
Umakyat naman ang grupong BRB tulad ng ginawa ng ST sinabayan din nila ang rap, habang naka-tingin sa grupong ST, 'yung tingin nila parang may something na kakaiba 'yung tipong may panakot sila. Ewan ko kung praning lang ako, pero 'yun ang nakikita ko sa mga tinginan nila.
♪Niggas know about what young Khalifa into
Love to smoke out, a lot of reefer in him
Get you skunked out, you know I'm street official
When boys gotta problem, you should keep your issue
I'm from Pistolvania, where them heaters hit you
Out in California, where the weed official
And you could tell that I'm a boss
Don't really gotta tell you that I'm smokin good, you smell it through
the wall♪
"Ito na ang pinaka-hihintay ng lahat yow!" sigaw ng lalaking may hawak ng mic kanina na Abra raw ang pangalan. "Handa na ba kayo!?" tinapat nya ang mic sa'min, sumigaw ulit ang mga tao rito pero mas lalong lumakas ang sigawan. "Yow! Simulan na natin ang laban!!" may binulong sya sa apat na mag-lalaban sila Jayden, Zeke at 'yung sa BRB hindi ko kilala kung sino sila. "BRB at ST tatlong minuto pasok!" tumahimik ang paligid, nag-umpisang mag-rap ang dalawang miyembro ng BRB.
"Ikaw ba yung naka-battle ko sa rap na galing probinsya? Anak ni Apl de Ap kay Aling Dionisia?" umpisa pa lang ng laban nag-sigawan at tawanan agad ang mga tao.
Pansin ko lang ang mga binibitawan na salita ng BRB hindi lang basta-basta rap o mag-kakatunog na salita, pero nandoon pa rin 'yung humor ng mga sasabihin nila para maka-agaw pansin sa mga tao. Pero pansin ko lang naman hindi ko alam kung ganun ang technique nila.
Umusog paharap ng konti si Zeke. "Your style is weak as fvck and I don't even have to speak in Tagalog to render you speechless, I'm prepared to unleash this, metaphysical monster in me to rip you apart and tear you to pieces. And I don't even have to get physical like I'm dismantling you with telekenesis, I'm an arrogant beast and this faggot is weak, so logically it equates to me saying I'm the veterance here b***h!" halos bahagyang napanganga ang manonood, pati rin yata ang mga kalaban nila hindi ko inaasahan na magaling pala mag English si Zeke. Kung malakas ang sigawan sa BRB pero sa ST halos magigiba na yata ang semento sa lakas ng sigawan sa kanila.
Umusog din paharap ang isa nilang kalaban. "Dami nyang alam na lenggwahe marami ang mararating nito! Ganun talaga ang magagawa kapag kargador ka sa barko!" sabi ng isang lalaki, tumingin ako kay Zeke pero naka-ngisi lang sya habang nasa bulsa nya ang dalawang kamay nya, naka-tingin lang sya sa mga ST habang umiiling. Ang cool nyang tignan, parang hindi sya natatakot matalo sa laban na 'to.
Nag make-face si Jayden. "You're living of the fame fliptop gave Filipino hip-hop 'cause you're nothing but a parasite in this paradise!" kulang na lang dumugo ang ilong ng BRB haha! Mukang hindi nila inaasahan ang pasabog ng ST.
"Sikat na sikat ka daw pero sa aking palagay, sikat ka lang kasi wanted ka sa maraming baranggay!" mukang na wawala ang bawat tono ng BRB, imbis na may nag-cheer sa kanila ang ST 'yung sinisigaw nila. Mukang alam na kung sino ang panalo. "Yow! Wala kang kwentang kalaban ang kada punchline ko katumbas ng iyong sampung pambara at para lang mawala 'yang anghit mo kailangan mo pang maligo sa sabong panlaba. Haha! Naiiyak na sya oh!" mukang pang-aasar na lang ang panlaban ng mga BRB.
"Isang minuto!"
Naiiling ulit si Zeke habang natatawa. "Oo iiyak na kami!" sigaw ni Jayden sabay tingin kay Zeke. "Tears of joy mga pare, dahil sa rematch na 'to. Kami na ang panalo!" tinulak ng bahagya ni Zeke ang kaharap nya, hindi pa rin matigil ang sigawan ng mga nanonood.
Pero mukang lumalaban pa rin ang BRB. "Wag kang mag magaling kasi wala ka pang narating. Ito'y laro ng mga mahuhusay at hindi gimik ng mga bading!" muling nag-tawanan ang mga tao, pati ako natatawa na rin kahit ang ibang grupo ng ST.
"Benteng segundo!"
Inilagay ni Zeke ang kamay nya sa baba nya at hinimas-himas nya 'yon habang naka-tingin sa kalaban nila. "Ah ganun? Magaling ka na nyan?" tanong nya sabay tingin kay Jayden. "Para kasi sa'min isa ka lang baguhan!" sabay nilang bigkas ni Jayden.
"Tinatanong ko lang sana naghihilamos ka pa ba ng ulo mo pare? Kasi pag malayo ang muka kang tae at pag malapit puro bulate!" ilang segundo na lang ang natitira, lahat ng tao ST ang sinisigaw nila.
"Sampung segundo! Huling banat ST!"
"Babanat pa ba kami? Eh kung ang sinisigaw nila ang grupong Smoking Thug's!"
Hindi ko namalayan, sinisigaw ko na pala ang pangalan ni Zeke.