H A T G: CHAPTER 14

1497 Words
♛ H A T G 14: ABCDexter ♛ ●Ione's POV● "Congrats Smoking Thug's!" sigaw ni Abra, nag-hiyawan naman ang mga tao ngayon dito at sempre pati ako nakikisali hindi ko maitatangging hindi sila magaling dahil talagang magagaling naman sila. Simple lang kung mag bitaw sila ng mga salita pati ako napapahanga nya--este nila este nya? Ay basta ewan! Teka, crush na ba ang tawag dito? Diba sabi nila ang crush ay pag-hanga? Putek! Hindi pwede! Yuck! Kadiri kaya! "Hoy Ione! Anong nangyayari sayo?!" sigaw sa'kin ni Kyla, hindi ko sya naririnig dahil sa sobrang lakas ng sigawan dito pero naiintindihan ko ang pag buka ng bibig nya, bigla ko na lang kasi hinampas 'yung ulo ko baka nananaginip lang ako. Pero hindi eh! Totoo talaga ito, putek! Crush ko na ba sya?! "Wala!" sigaw ko na lang sa kanya sabay tingin ulit sa stage. Binigay ni Abra 'yung mic kay Zeke, bigla na lang may nag play na isang rap song. Nakita kong napangiti si Zeke, 'yung ngiting parang ewan? Ugh! Basta! Ang cute nya... Putek! Ano ba 'tong nangyayari sa'kin? Okay lang ba ako? Biglang nag-beatbox si Jayden kung akala ko sobrang lakas na ng sigawan dito pero mas lalong lumakas daig pa ang concert halos mayanig na yata ang lugar na ito. Lalo na itong dalawang kasama ko kung maka-sigaw napaka-lakas, ayokong maging katulad nilang dalawa na adik sa mga crush nila. Pero hindi ko crush si Zeke! Ano lang talaga... Magaling lang talaga sya 'yun lang 'yon! "Crush mo na 'no?" bigla akong napahinto sa pag-sigaw, napatigil ang pag palapak ko. Napa-awang ang bibig ko. Para bang biglang tumahimik 'yung paligid ko, para bang sobrang linaw kong narinig 'yung sinabi sa akin ni Astrid. Naka-tingin lang ako sa stage, saktong si Zeke na ang nag-rarap. Parang naging slow-motion ang paligid ko, naging mute ang mga boses nila, para bang si Zeke lang ang nakikita ko, maayos at malinaw kong nakikita 'yung pag buka ng bibig nya pag sya ang nag-rarap, parang bang---TEKA! "Ay tangina!" bigla akong napamura, tinignan ko agad sila Astrid at Kyla halatang gulat ang itsura nila dahil bihira lang ako kung mag salita ng mura. "Anong nangyari sayo!?!" sigaw na patanong sa akin ni Kyla. "Wala!" sigaw ko na lang sa kanila sabay balik ulit ng tingin sa stage. Ano na bang nangyayari sa akin? Nahipnostismo ba ang ni Zeke? O ni Kyla at Astrid? Bakit ba ako nagiging ganito? Pwede ko kaya itanong sa kanya kapag kami lang dalawa? Kapag sya si Zeus? Pero iisa lang naman sila diba? Nahinto ang pag rarap nila ng biglang umakyat ulit si Abra, nakita kong kinausap nya ang ST pero hindi ko na 'yon naririnig dahil naka-patay yata ang mic nila, nakita kong isa-isang ngumiti ang ST para bang ngiting pang-aasar o ngiting kinakabahan? Hindi ko alam, ang hirap basahin ng mga galaw nila. "Yow! Yow!" tinesting ni Abra ang mic na hawal nya. "Patatagalin ko pa ba ito!? Ang pinaka-spot light ng ating gabi! Ang ABCDexters!!!" halos lahat ng tao dito nagulat sa biglang pag akyat ng apat na lalaking galing lang sa mga audience. Ibig sabihin kasama lang namin silang nanonood dito? Tinignan ko isa-isa ang mga muka nila, kung titignan mo sa muka akala mo mga anghel pero kung titignan mo na sa kanilang pananamit akala mo isang anghel na naging demonyo. Sa lahat yata ng nakita kong gangster-wannabe sila lang yata ang kakaibang aura. Imbis na tilian sila ng mga tao ngayon dito sa unang pagkakataon tumahimik ang lugar na 'to. Naging awkward ang nangyayari ngayon, para bang kinikilatis ang mga itsura nila ng mga ta--- "KYAAAH! ANG POGI!" "POGI NA NAMAN!" "LAGLAG NA PANTY KO!" Halos sabay-sabay na sigawan ng mga tao, para bang na aftershock sila sa nakita nila. Grabe na talaga ang mga tao ngayon tsk. Napapailing na lang ang grupong ABCD. "Ione! Parang kilala ko 'yung isa dyan!" sigaw sa akin ni Kyla, tinitigan kong mabuti 'yung itsura ng bawat isa sa kanila, pero hindi naman sila pamilyar sa akin. "Hindi ko sila kilala!" sigaw ko rin kay Kyla, nag-sisigawan na kami dahil sa sobrang lakas ng sigawan dito. Napailing na lang si Kyla na kunot ang noo. Kahit anong pilit ko hindi ko pa rin nakikilala ang isa 'man sa kanila, baka naman kamuka lang ng sinasabi ni Kyla? Isa-isa silang pinakilala, sila Aiden at Brayden ay mag kapatid daw pero halatang hindi naman sila magkamuka, sila Carter at Dexter at mag kambal daw na hindi mag kamuka. Lahat sila may itsura--gwapo sila hindi maitatanggi 'yon sa mga itsura at tindig nila. Pero may kakaiba talaga sa mga aura nila. ●Zeke's POV● Hindi pa rin ako makapaniwala na kami ang panalo kagabi sa rematch, pero mukang mabagsik ang ABCD na makakalaban namin sa susunod na linggo. "Mr. Reed, ikaw lagi ang pasimuno ng gulo sa eskwelahan na ito, ikaw lagi ang nang-gugulo, mang-gugulo at nang-gulo!" kasalukuyan akong nasa principal office ang pinaka-favorite place ko. "Napapagod na akong sermonan ka! Napapagod na ako sa grupo nyo! Napapagod na akong intindihin kayo!" itinaas ko ang isa kong paa sa lamesa ng principal namin. Nakakasawa ng marinig ang sermon ng matandang 'to ang sarap lagyan ng cheese dog ang bunganga. "Edi i-drop mo na kami." sabi ko sa kanya sabay labas ng sigarilyo sa bulsa ko pero bigla na lang nya itong inagaw. "Hindi pwede! Binilin ka sa akin ng lolo mo!" patay na ang lolo ko na matagal na nyang mahal. Ang baduy nya 'no? Napaka-hopeless ng matandang 'to, palibhasa kasi hindi sya pinatulan ng lolo ko. Sa sobrang pag-mamahal nya kay lolo hindi nya sinusuway ang pangakong nya babantayan nya ako. Wala kasi kwentang ang mga magulang ko at 'nung nabubuhay pa si lolo sya lang ang lagi kong nakaka-sundo, sya lang ang kakampi ko sa lahat ng bagay. "Tsk. Patay na si lolo wala na syang paki sa mga mangyayari sa buhay ko, at mas lalong wala kang paki sa akin." hindi ito alam nila Jayden, walang nakaka-alam ng tungkol sa buhay ko... maliban sa kanya... "Ihihiwalay ko kayo ng section. Ililipat kita ng section." Agad akong napatayo sa sinabi nya. "AYOKO!" ••• Halos ibalibag ko na sa matandang 'yon ang upuan at lamesa nya pero wala akong magagawa dahil sya ang principal ng tanginang eskwelahan na ito kaya sya pa rin ang masusunod. "Alam kong kilalang-kilala nyo na si Zeke. Sya ang laging pasimuno ng gulo dito sa---" tinignan ko ng masama ang amoy imburnal na teacher na 'to, bigla naman syang ngumiti ng pilit. "Wala na pala tayong oras class. Hehe, Zeke umupo ka na lang sa vacant seat." pinasadahan ko ng tingin ang mga magiging bagong kaklase ko, karamihan sa kanila halatang matitino at matatalino pero nasa loob rin ang mga kulo ng gagong mga estudyante na ito mga pakitang tao lang naman sila. Hinanap ng mata ko ang vacant seat na sinasabi ng imburnal na 'to, pero wala akong makita maliban sa tabi ni Ione, magiging classmate ko pala sya. Nag-lakad na ako patungo sa bakanteng upuan, habang nag-lalakad ako nararamdaman ko ang tingin nila sa akin hindi ko alam kung natatakot ba sila o kinakabahan dahil magiging kaklase nila ako, pero wala akong paki sa kanila. Habang papalapit ako tinitignan ko si Ione, ewan ko parang na magnet ang paningin ko sa kanya, naka-tingin lang din naman sya sa akin. Pinipilit kong iiwas ang tingin ko sa kanya pero hindi ko magawa.... Teka nga! Putangina! Ano bang nangyayari sa'kin!? Tangina! "Ehem." bigla akong napaubo pag upo ko sa tabi ni Ione, bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang kinakabahan ako? Bakit parang natetense ako? Bakit parang pinag-papawisan ako? s**t! Ano bang nangyayari sa'kin!? Ngayon lang ako naging ganito, nakaka-putangina naman! Inayos ko na ang bag ko at sinulyapan ang katabi ko, agad akong napaiwas ng tingin. Tangina! Bakit naka-tingin din sya sa'kin? Tangina! Ang gago ko! Bakit ako nag kakaganito!? Putangina talaga! Gusto ko mag yosi pang pakalma! Tangina! Saan kayang section sila Jayden? Pakshet kasing matandang principal na 'yon naisipan pa kaming ihiwalay. Bullshit lang! Sa buong klase halos kinakabahan ako na ewan pero nakuha ko pang makinig sa mga tinuturo ng pangit na mga teacher dito. Tangina, ako ba talaga ito!? Bakit nakikinig ako sa mga walang kwenta nilang tinuturo? s**t! Bakit ba kasi katabi ko si Ione? Pwede bang sa lapag na lang at na malayo sa kanya. Tangina! Ano ba itong pinasukan ko? Bakit ba ako nag-kakaganito!? "Uhm.. Zeke, gusto mo ako na gumawa ng assignment mo?" last subject namin ngayon at mukang wala yatang teacher, tinitigan ko ang babaeng naka-salamin na makapal habang naka-ngiti sa harap ko. "May sarili akong pag-iisip kaya kong sagutan ang mga assignment." walang gana kong sabi sa kanya, nakakainsulto naman sila! Hindi porket galing akong last section wala na akong talino? Eh wala naman talaga. s**t! Tangina. "Uhm.. Zeke?" Halos nangatog ang tuhod ko sa bulong na narinig ko dito sa katabi ko. Pakshet! Ano bang nangyayari sa'kin!?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD