♛ H A T G 15: Vince ♛
●Ione's POV●
Bakit parang iba yata ang kinikilos ni Zeke ngayon? Parang hindi sya mapakali sa kinauupuan nya? Tapos kanina nakikinig sya sa tinuturo, totoo ba 'yon? O baka pakitang tao lang 'yan?
Gusto ko syang kausapin parang naiilang kasi sya sa'min, classmate ko naman sya diba? Kaya dapat maging close kami 'yun lang 'yon, mag classmate lang kami at wala ng ibang malisya...
"Uhm.. Zeke?" hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko, teka... Ano naman sasabihin ko sa kanya?
Baka barahin lang din nya ako tulad ng ginawa nya sa isa naming classmate? Putek! Bakit ba kasi ngayon pa natutulog si Kyla sa tabi ko kung kailangan ko ng tulong nya. Nakakainis! Wrong timing!
Nakatingin lang ako sa kanya, dahan-dahan syang tumingin sa'kin para bang nag-aalangan syang tignan ako. "Bakit?"
Hindi ko alam ang sasabihin ko! Bakit ang bango ng hininga nya!? Pwede bang mag-salita lang sya ng mag salita at aamuyin ko lang ang hininga nya? Ang bango-bango! Anong klaseng toothpaste ang gamit nya!?
"Ah.. Ako nga pala si Ione." pakilala ko sa kanya. Pwede ko naman syang tratuhin bilang Zeus diba? At hindi bilang Zeke.. Tama! Si Zeus sya ngayon!
Medyo inusog ko ang upuan ko sa kanya bahagya naman syang nagulat, nginitian ko sya at tumingin sa mga classmate namin, baka kasi nakatingin sila sa'min. "Hoy, hindi sila naka-tingin pwede bang si Zeus ka muna?" bulong ko sa kanya habang naka-ngiti. Dahan-dahan namang nag-salubong ang dalawang kilay nya.
"Zeus? Anong pinagsasabi mo?" kunot-noo nyang tanong. Hay nako, nahihiya pa sya! Hahaha!
"Wag ka ng mahiya, diba sabi mo kapag tayong dalawa lang si Zeus ka at ako si Yoni." hindi pa rin nawawala 'yung ngiti ko, haha! Bakit ang cute nya kapag naka-salubong ang kilay nya. Hehe.
"Hindi ko alam mga pinagsasabi mo." wow! Taray lang nya, inusog nya palayo 'yung upuan nya sa upuan ko pero inusog ko naman ulit ang upuan ko sa upuan nya.
"Grabe ka naman, sabi mo kapag ikaw si Zeus friends tayo. Kaya pwedeng ikaw muna si Zeus? Hehe." nakaka-hiya na yata itong ginagawa ko! Pero push lang ng push!
"Tsk. Hindi ko alam 'yang sinasabi mo bakit ba ang kulit mo?" alam kong medyo inis na sya pero push lang ito!
"Hay nako. Ikaw na nga itong kinakausap pero ikaw naman itong tumatanggi, tsk." nahiya ako bigla sa kanya, baka sapakin agad ako nito pag kinulit ko pa. Inurong ko na lang ang upuan ko palayo sa upuan nya.
"ZEKE!" napatingin kaming lahat sa pintuan ng classroom namin.
"Tangina! Vince!" arrgh! Bad words! I hate bad words!
Tumingin ako kay Zeke, bigla syang napatingin sa'kin sabay kuha ng bag nya at tumakbo palabas sa classroom namin, tinapakan pa nya 'yung isang upuan bago maka-labas. Tsk, mag cucutting classes na naman sila.
"Shet! Si Vince 'yon!?" nagulat ako sa pag-angat ng ulo ni Kyla.
"Oo, bakit?"
"Bumalik na pala sya." tumatango-tango pa si Kyla.
"Bakit saan ba sya nag punta?" ngayon ko lang din nakita si Vince, last na naka-kita ko sya 'nung last month pa at mukang sya ang pinaka-matino sa kanilang lima.
"Wala! Haha." nag kibit-balikat na lang ako. Minsan hindi ko talaga maintindihan itong si Kyla, napaka-bipolar eh.
Dumating na 'yung ibang teachers pero naka-tingin lang ako sa pintuan ng classroom namin baka kasi pumasok si Zeke nag babaka-sakali lang naman, baka kasi pagalitan na naman sya ng mga teachers kapag nalaman nilang nag cutting si Zeke.
Hay.. Bakit parang nawalan ako ng gana 'nung wala na dito si Zeke? Tsk. Ano ba itong mga sinasabi ko? Nakaka-taas ng balahibo!
Napasubsob na lang ako sa desk ko, wala talaga akong gana makinig sa sinasabi ng teacher namin para bang bigla akong tumamlay. Hay nako! Zeke! Kasalanan mo ito eh!
"Ione, okay ka lang?" rinig kong tanong ni Kyla, nag-Ok sign na lang ako sa kanya.
Maya-maya pa'y hindi ko namalayan na naka-tulog pala ako buti na lang at sa likod kami hindi ako nahalatang natutulog. Sa sandaling iglip ko nanaginip pa ako, hindi ko maintindihan pero parang puro sigawan at ang gulo-gulo ng lugar. 'Yung mga muka ng nasa panaginip ko medyo malabo hindi ko gaanong naaninag dahil madalim, pero bakit parang kinakabahan ako? Parang ang lakas ng kabog ng dibdib ko...
"Tara na Ione! Teka, okay ka lang ba?" tumayo na lang ako sa kinauupuan ko at tumango sabay ngiti sa kanya.
"Oo nga pala Ione, hindi muna tayo ngayon mag sasabay ng uwi si Kuya kasi eh. May ibibigay daw sa'kin." napatingin ako bigla sa kanya, naka-tuon lang ang atensyon nya sa cellphone nya habang naka-kunot ang noo.
"Ganon ba? Sige okay lang. Teka, sino ba 'yang katext mo?" nilapitan ko sya ng bahagya sabay tingin sa cellphone nya. Agad naman nya itong inilayo sa'kin. Aba! May tinatago itong babae na 'to!
"Hoy! Wag mo ng itago 'yan! Sino 'yung katext mo aber!?" naka-pamewang ako sa harap nya, unti-unting nag lalabasan 'yung mga classmate namin.
"Haha! Para ka namang si Mama! Hindi ko nga kilala eh, textmate daw kami kaya pinatulan ko na lang sayang kasi ang load ko kung wala naman ako katext! Haha. Pero alam mo parang ang gaan ng loob ko sa kanya." biglang tumunog ang cellphone nya, tinignan nyo 'yon at wagas naman sya kung maka-ngiti. Seriously? Textmate lang sila diba? Eh bakit kung maka-ngiti sya wagas? Ganyan ba pag mag textmate? Hmm..
"Ay s**t! Si Kuya pala nakalimutan kong replyan! Hahaha!" napapailing na lang ako sa kanya, buti na lang at wala akong textmate! Pati ang Kuya nakakalimutan.
"Stranger 'yan diba? Kilala mo ba 'yan? Alam mo ba ang pangalan nya? Kung saan sya naka-tira? Anong school nya? Anong year nya? College ba o highschool? Ano ang---"
"Stop!" tuloy-tuloy lang ako sa pag-sasalita pero bigla nya akong pinigilan. "Textmate lang kami. Ngayon lang kami naging mag textmate halos wala pang dalawang oras. Kaya wag kang O.A dyan! Haha!" tsk! Ayoko na ngang mag tanong, O.A ba ang ganon? Nag-tatanong lang naman ako.
"Sige Ione, alis na ako bye!" nag beso-beso muna kami bago sya lumabas ng classroom namin.
So... Forever alone ako ganon? Tsk. Lumabas na lang ako ng classroom namin, habang nag-lalakad ako sa hallway gumagala 'yung tingin ko sa bawat sulok ng school namin kung saan pwedeng tumambay ang ST baka kasi nandoon si Zeke--Teka nga! Bakit ba parang puro Zeke na lang ako!? Hays! Ano ba itong nangyayari sa'kin? Praning na ba ako?
Binilisan ko na lang ang lakad ko, tutal naman mag-isa lang akong uuwi dadaan muna ako sa plaza at mag papahangin, siguro kailangan ko lang mag relax para naman hindi ako maging praning tulad nila Kyla at Astrid.
Kung tutuusin maayos naman ang muka ni Zeke, gwapo sya. Hindi na maitatanggi 'yun sa kanya, pero naging madumi ang itsura at porma nya dahil sa suot na damit nya, mga hikaw sa tenga, dila, ilong at kung saan pwede pang lagyan ng hikaw idagdag pa ang pa iba-iba nya ng kulay ng buhok sa kada linggo. Hindi lang naman sya ang ganyan, maski sila Jayden o ang iba nilang member ganyan din pero 'yung aura nya kakaiba eh... Astig sya sa paningin ng ibang tao, halos lahat.. Pero para sa'kin? Nakaka-diri syang tignan, para bang ang baho-baho ng itsura nya.
Nag-tataka ako sa ibang tao kung bakit todo hanga sila sa ST eh mga bad influence naman silang lahat, sila ang may pakana ng mga gangs, ang grupo nila ang pinaka leader na gang sa school namin.. Ewan ko lang kung sa ibang lugar.
Siguro makaka-hanap din ng makakatapat ang ST na 'yan.
Malapit lang ang plaza sa school namin, may ibang mga estudyante pero karamihan mga couples. Nag lakad-lakad pa ako, nag-hahanap ako ng lugar na ako lang, walang ibang mga kasama.. Gusto muna ng tahimik.
Umupo ako sa may kahoy na upuan malapit sa playground ng plaza, maraming puno dito.. Malaki ang plaza na 'to, halos nag mumuka na ngang park dahil sa mga mag couple. Masarap tumambay dito, mahangin at tahimik. Dito ako minsan na pupunta kapag mag-isa lang ako.
Inilapag ko ang bag ko at umayos ako ng upo. Naka-tingin lang ako sa malayo, pinapanood ko lang ang mga tao, 'yung mga kilos nila, ang pag buka ng bibig nila. Parang ang sarap nilang pag masdan, makikita mo talaga ang totoong emosyon ng mga muka nila.
"Yoni." bahagya akong na gulat.. Tama ba ang narinig ko? Yo-Yoni?
Dahan-dahan akong tumingin sa likod ko. Bumungad sa'kin ang kulay pula na buhok, apat ang hikaw sa kaliwang tenga, tatlong sa kanang tenga, naka-suot na FuBu na damit na halos pati ako kasya na. Nag-lakad sya papalapit sa'kin, umiwas agad ako ng tingin.
"Di na tayo friends." sabi ko sa kanya, naramdaman ko namang naka-upo na sya sa tabi ko. Kaninang nasa classroom sabi ko sya muna si Zeus pero ayaw nya!
"Ang kulit mo kasi kanina diba sabi ko sayo kapag tayong dalawa lang ako si Zeus, at kapag maraming tao si Zeke pa rin ako." Na aamoy ko na naman ang bango ng hininga nya, tapos parang ang lambing ng boses nya ngayon! Ugh! Zeke! Bakit ka ganyan?! Este Zeus pala.
"Nag-tatampo ka 'no?" napatingin ako sa kanya, nakita kong ang lawak ng ngiti nya.
Napatulala ako... 'Yung ngiti nya.. Ngayon ko lang nakitang ngumiti ng ganyan si Zeke!
"Hoy Yoni, natulala ka na dyan!" natauhan ako bigla sa pag sundot nya sa tagiliran ko, hinahampas-hampas ko naman ang kamay nya. Tsk, ang pogi nya kapag naka-ngiti, naniningkit 'yung mata nya, para bang nagiging anghel sya.
"Marunong ka pala ngumiti Zeke? Haha!" biro ko sa kanya, bigla syang napatigil sa pag sundot-sundot sa tagiliran ko.
"Zeus.. Not Zeke." malamig na sabi nya, napaka-moody! Edi Zeus kung Zeus!
"Oo na, Zeus kung Zeus. Tsk, ang arte mo parehas lang naman din 'yon."
"Hindi ah. Kapag kasi Zeke galit ka sa'kin pero kapag si Zeus normal lang. Mag kaiba 'yun... Iba ang pakikitungo mo sa dalawa.." tumango-tango na lang ako sa sinasabi nya, sabagay tama naman sya kapag naiisip kong sya si Zeke naiinis nga ako sa kanya, pero kapag naiisip kong si Zeus sya normal lang ang pakikitungo ko sa kanya.
Mag-sasalita na sana ako kaso nagulat ako sa bigla nyang pag akbay sa'kin. "Hoy! Tanggalin mo nga 'yan!" sigaw ko sa kanya habang pilit tinatanggal 'yung pag kaka-akbay nya sa'kin kaso mas lalo nyang hinigpitan parang napapayakap na ako sa kanya.
Naamoy ko ang mabangong pabango nya... Bakit parang iba yata 'yung kanina nyang pabango? Pero dibale na, ang bango-bango pa rin! Haha! Imbis na amoy pawis sya dahil sa makapal at malaking suot nya... Ang bango-bango nya! Para bang naliligo sya sa pabango.. Ang sarap singhutin!
"Bango ko 'no?" rinig kong sabi nya sabay tawa. s**t! Nahahalata nyang todo langhap ako? Wah! Nakakahiya!
Agad kong tinanggal ang pagkaka-akbay nya sa'kin, nagulat naman sya habang natatawa. "Oh, diba nag eenjoy kang amuyin ako?" pang-aasar nya. Tsk! Ganito pala kakulit si Zeke? Este Zeus pala. Argh! Ang gulo!
"Ewan ko sayo! Ang baho mo!" oh Lord.. Take me please, napaka-sinungaling ko na yata.
"Ang baho? Pero sabi mo 'Ang sarap singhutin!' Hahaha!" Todong kahihiyan na ito! Diba bulong lang 'yun sa isip ko? Bakit narinig pa nya? Tsk. Nakakahiya na talaga.. Ano ba itong mga pinag-gagawa ko?
"A-ang kapal mo! Hindi ko 'yun sinabi 'no!" sige tanggi pa! Eh huling-huli na nga ako.
"Hindi? Narinig kong binulong mo! Haha!" natawa na lang ako bigla sa kalokohan ko.
Hindi naman masama masaya ng dahil sa kanya diba?
Pero kanino?
Kay Zeke o sa katauhan ni Zeus? Tsk. Ang gulo ko! Pero basta masaya ako!