♛ H A T G 16: Weird ♛
●Ione's POV●
Hindi ko alam kung paano ko tatratuhin si Zeke ngayon, kung bilang Zeke talaga o bilang Zeus. Bakit ba kasi ayaw nyang tratuhin ko sya bilang Zeke sa mata ng maraming tao? Ikinahihiya nya ba ako? Sa bagay, sino ba naman ako para maging kaibigan nya? Eh sya lang naman ang pinaka-tinatakutan dito sa campus namin tapos malalaman ng lahat na ang isang tulad kong payatot magiging kaibigan nya? Napaka-imposible baka pag tawanan pa ako ng mga tao.
Hindi sya pumasok kanina para akong tanga na pasilip-silip sa pintuan ng classroom namin umaasa akong darating sya at mag-aaral pero hindi... Hindi na ako mag tataka kung hindi sya papasok, at mag tataka ako kung papasok sya at mag-aaral. Naguguluhan ako sa sarili ko, ano bang nangyayari sa'kin?
"Ione, are you okay?" nabigla ako sa tanong ni Astrid, napahinto sila ni Kyla sa pag-lalakad at napahinto na rin ako, tinignan ko silang dalawa habang naka-ngiti.
"Oo naman." nag katinginan silang dalawa, para bang hindi naniniwala sa sagot ko.
"Oo naman? Bakit parang hindi ka sigurado aber?" tumaas-taas pa ang kilay ni Kyla habang naka-halukipkip.
Napailing na lang ako sa kanila at nag-lakad ulit naramdaman ko na lang na sumusunod na sila sa'kin, okay lang ba ako? Bakit parang masyado yata akong naaapektuhan kay Zeke o kay Zeus? Pagkakamali ko rin ito eh pumasok ako sa ganitong sitwasyon hindi ko muna inisip 'yung mga bagay na dapat mangyari at maka-apekto.. Pero bakit ba ako na aapektuhan!? Arrgh! Nakakainis! Mababaliw na yata ako!
Siguro kailangan ko ulit pumunta doon sa plaza baka nandoon si Zeus, sasabihin ko sa kanyang umiwas muna sya sa'kin.. Pero ang kapal naman ng muka ko kung sya pa ang iiwas imbis na ako? Tama! Ako na lang ang iiwas sa kanya! Haha! Ang galing ko talaga!
Habang nag-lalakad ako hindi ko maiwasan na hindi mapangiti, ewan ko para bang naka-hanap ako ng solusyon sa problema ko, nararamdaman ko na lang na parang wala akong kasama sa pag-lalakad ko. Huminto muna ako saglit at nakiramdam kung may kasama pa ba ako sa pag-lalakad, nilingon ko ang nasa likod ko at nakita ko na lang na halos dalawang hakbang na ang layo namin nila Kyla at Astrid.
Dahan-dahan akong humakbang papalapit sa kanilang dalawa, habang nag-lalakad ako parang sinasabon ako ng mga titig nila tapos nag-kakatinginan pa sila, nakaka-concious tuloy. "Bakit?" bungad kong tanong sa kanilang dalawa, nagkatinginan na naman sila sa bawat tingin nila parang nagkakaintindihan sila.
"Praning ka na ba?" sabay nilang tanong. Tumingin ako kay Astrid, seryoso syang naka-tingin sa'kin, tumingin naman ako kay Kyla naka kunot-noo naman sya palipat-lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa minsan talaga hindi ko maintindihan ang mga gusto nilang ipahiwatig sa'kin.
Napapailing na lang ako. "Baka kayo ang praning dyan! Hahaha! Tara na nga!" buti na lang talaga mga kaibigan ko sila.
•••
Parang sobra yata akong na excite ngayong araw pumasok hindi ko alam kung bakit parang ang saya-saya ko lang, kaninang pagkagising ko napapangiti na lang ako bigla...weird.
"Hoy saya mo huh." bungad agad sa'kin ni Kyla, inilagay ko na ang bag ko sa tabing upuan nya at ngumiti na lang sa kanya sabay upo sa tabi nya.
Hindi na sya nag-salita busy lang sya sa katext nya tapos ngingiti na lang bigla minsan natatawa pa, uso ba weird ngayon? Inilabas ko na lang 'yung notes ko, feeling ko ang sarap-sarap mag-aral ngayon napaka-ganado ko talaga nakaka-panibago sa sarili ko. 30 minutes pa bago dumating 'yung teacher namin sa 1st subject 'yung iba kong mga classmate nag-dadaldalan lang ang iba naman nag haharutan. Binasa ko na lang 'yung lesson kahapon baka biglang mag pa-quiz 'yung teacher namin, medyo hindi ako makapag-concentrate dahil nga sa sobrang ingay pero nag-tataka ako bakit parang bigla-bigla na lang silang tumahimik?
Napa-angat ang ulo ko bigla na lang bumungad sa'kin si Zeke, nag-lalakad sya papunta sa gawi ko ang cool nyang tignan 'yung tipong mapapatitig ka na lang kusa sa kanya, kahit gusto mong alisin ang titig mo sa kanya hindi mo magawa para bang na mamagnet ang mga mata ko sa kanya, hindi ko alam kung kumukurap pa ba ako basta ang alam ko.. Ang sarap nyang titigan. Habang nag-lalakad sya diretso lang ang tingin nya, ang dalawang kamay nya nasa bulsa lang nya para syang isang action star na nag-lalakad, maangas pero may dating.
"Ione, labas lang ako sandali." para akong bumalik sa realidad ng biglang mag-salita si Kyla, tumingin ako bigla sa kanya naramdaman ko na lang na naka-upo na si Zeke sa tabing upuan ko.
Tumango na lang ako kay Kyla, nasa after shock pa ako! Bakit ba napatitig ako bigla sa kanya?! Napansin nya kayang tinititigan ko sya habang nag-lalakad? Pero hindi lang naman ako! Pati ang iba kong mga classmate napatitig rin sa kanya. Bakit ang lakas kumabog ng dibdib ko? Kinakabahan ba ako? Papansinin ko ba sya bilang sya si Zeus?
"Pwede ko ba hiramin 'yung notes mo?" na bigla ako sa pag-sasalita nya sa likod ko, ang lamig ng boses nya ang sarap pakinggan, ang sarap sa tenga.
Dahan-dahan akong lumingon sa kanya, muka nya agad ang bumungad sa'kin dalawang dangkal lang 'yata ang layo ng mga muka namin, tulad kanina... Napatitig na naman ako sa kanya, ang kinis ng muka nya, may pagka-singkit 'yung mga mata nya, ang tangos ng ilong nya, kahit isang tigyawat yata wala sya... Pangalawang beses ko na syang natitigan, 'nung una noong araw na sabi nyang ituring ko sya na si Zeus. Pero ngayon napatitig ako bilang totoong sya.. Sya si Zeke, hindi ko maintindihan pero sa emosyon ng mga mata ni Zeus at Zeke.. Parang magkaiba...
"Hoy." napailing ako bigla at dali-daling binigay ang notebook ko sa kanya.
Teka.. Talaga bang babasahin nya ang notes ko? Binuklat nya 'yung notebook ko, bigla na lang sya napapailing tapos ngingiti. Anong problema nito?
"Ang cute ng sulat mo ang liliit. Hahaha." bigla syang tumingin sa'kin habang naka-ngiti at halatang nag-pipigil ng tawa, agad-agad kong inagaw ang notebook ko sa kamay nya.
"Nang-aasar ka ba?" tinaasan ko sya ng kilay. Gusto nya bang ituring ko sya bilang Zeus ngayon?
Lalong lumawak ang ngiti nya. "Naaasar ka ba?" bigla nyang inusog ang muka nya sa muka ko. Kung kanina dalawang dangkal ang pagitan ng mga muka namin pero ngayon halos isang dangkal na lang. s**t! Ang pogi nya!
Lumayo ako sa kanya at inusog ng bahagya ang upuan ko. "Gusto mo bang ituring kita bilang Zeus ngayon?" nakatingin lang ako sa blackboard habang sinasabi ko 'yon, kung titignan ko sya baka matunaw pa ako. Nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin pa sya sa'kin habang naka-kunot ang noo.
"Sino bang Zeus na sinasabi mo?" napatingin ako bigla sa kanya, umiwas naman sya ng tingin.
Okay. Ito na naman tayo, ayaw na ayaw nyang ituring ko na sya si Zeus. "Wala.." umiwas na ako ng tingin sa kanya, kailangan maka-usap ko sya ng walang tao. Ayoko na ng ganito para na akong tanga sa ginagawa ko.
"Nakapag-cutting ka na ba?" na bigla ako sa tanong nya, tinignan ko ulit sya. Umiling lang ako sa kanya at ngumiti naman sya. Bakit ba ngiti sya ng ngiti ng ganyan?
"Gusto mong maranasan?" lalong lumawak ang ngiti nya kinabahan ako. Ayokong mag cutting!
"Ayoko!" napasigaw bigla ako, tumingin sya sa mga classmate namin ang iba naka-tingin sa'min, ang iba naman nag-iwas ng tingin dahil sa pag tingin ni Zeke sa kanila.
"Napaka-bait mo naman na estudyante!"
"Paki mo?!" umiwas na ako ng tingin sa kanya, nakakabwisit naman 'to! Ang yabang! Akala mo kung sino!
"Turuan mo nga ako." aba! Kung maka-pag utos akala mo boss!
Lumingon ako sa kanya, tinaasan ko sya ng kilay. "Boss ba kita? Ayos huh!"
"Sungit mo! Mag-papaturo lang naman!"
"Sa lahat yata ng mga mag-papaturo ikaw ang pinaka-matapang!"
"Tss."
Ganito ba talaga si Zeke? Ibang-iba sa katauhan ni Zeus! Napaka-walang modo talaga ni Zeke ang sarap balatan ng buhay!
Ilang minuto ng nakaka-lipas hindi pa rin bumabalik si Kyla, papasok pa ba 'yon? Dumating na 'yung teacher namin pero wala pa rin sya hindi ko naman dala ang cellphone ko para itext sya, tapos napaka-bastos pa ng katabi ko alam na nyang may teacher na pero natutulog pa rin sya habang naka-taas ang paa, kailan ba mag-babago ang ugali ni Zeke?
"Umayos ka nga." hindi ko na kayang tiisin ang ginagawa nya, hangga't nandito sya sa section namin dapat matuto syang maging matino!
Inangat nya ng bahagya ang ulo nya habang naka-pikit. "Paki mo?"
Bigla akong natakot sa boses nya, ang angas! "Matuto kang g-gumalang." pinipigilan kong mautal hindi dapat ako natatakot sa kanya.
Hindi na sya sumagot, salita ako ng salita sa kanya pero hindi naman nya ako pinapansin hanggang sa sumuko na lang ako ng kusa hinding-hindi yata matitinag si Zeke, kakaiba talaga sya.
•••
Pumasok si Kyla sa huling subject pero wala naman kaming teacher kinuha na lang nya ang bag nya at nag-mamadaling lumabas may pupuntahan pa daw kasi sya, pinuntahan ko naman si Astrid sa classroom nila pero ang sabi absent daw sya kaya naman ako lang mag-isang uuwi ngayon.
Pumasok si Zeke sa lahat ng subject pero hindi naman sya nakikinig natulog lang sya kahit sigaw-sigawan sya ng mga teachers namin hindi pa rin sya natitinag.
"Yoni." napatigil ako sa pag-lalakad. Isang tao lang ang tumatawag sa'kin nyan.
Lumingon ako sa likod ko. Bumungad sa'kin ang mga ngiti nya.. "Zeus." nag-lakad sya papunta sa gawi ko, nasa bulsa ang kaliwang kamay nya at ang kanang kamay naman nya may hawak na sigarilyo bago pa 'man sya naka-lapit sa'kin tinapon na nya ang sigarilyo nya.
"Kamusta?" ang lawak ng ngiti nya, pakiwari ko umangat lahat ng dugo sa muka ko, pagkakataon ko na 'to.
"Ah! Aray! Tama na! Masakit! Aray! Hahaha!" pinag-hahampas ko sya ng librong hawak ko agad naman nyang pinigilan ang braso ko. "Bakit ba?! Anong ginawa ko sayo!?" naka-ngiti pa rin sya, nakaka-inis! Ang ganda ng ngipin nya, pantay-pantay walang sira.
"Ang yabang mo kanina!"
"Huh? Kanina?"
"Patay malisya ka pa dyan!" pinag-hahampas ko ulit sya, nakaka-inis!
Bigla nya akong inakbayan napatigil ako sa pag-hampas sa kanya. "Tara, plaza muna tayo may sasabihin ako."
Ang lakas na naman ng kabog ng dibdib ko.