H A T G: CHAPTER 17

1506 Words
♛ H A T G 17: Project ♛ ●Ione's POV● "Bakit tayo nandito? Tch. Ano ba 'yung sasabihin mo?" imbis na sumagot sya bigla na lang syang nag beatbox sa harap ko. Hindi na ako naka-palag sa pag hila nya sa'kin papunta dito sa plaza balak ko naman din pumunta dito para mag pahangin at mag relax dito tahimik at walang gaanong tao. Naka-tingin lang sya sa akin habang nag-papakitang gilas, ewan ko pero napapatitig talaga ako sa mga mata nya, kakaiba ang mata nya kapag sya si Zeus at mas kakaiba kapag sya si Zeke. Kung ipagkukumpara ang katauhan nilang dalawa mas masarap kasama si Zeus, hindi boring dahil nagiging makulit sya samantalang si Zeke napaka-seryoso baka kapag biniro mo masapak ka na lang nya bigla, mag kaiba talaga sila.. Ibang-iba ang katauhan nilang dalawa. "Oh ano? Tapos ka na?" tinaasan nya ako ng kilay habang naka-ngiti. Palangiti si Zeus, samantalang si Zeke laging naka-kunot ang noo. "Galing ko 'no? Haha! Elibs ka sa'kin!" palabiro si Zeus, samantalang si Zeke laging seryoso. Napapailing na lang ako sa inasta nya umupo ako sa may pahabang bato nag-lakad naman sya papunta sa tabi ko. Nandito lang ulit kami sa plaza, tahimik sa parteng 'to, wala talagang makaka-kita sa'min. "Ano ba 'yung sasabihin mo?" bigla na lang syang tumahimik nag-hihintay lang ako ng sasabihin nya pero hindi pa rin sya nag-sasalita. Kapag kasama ko si Zeus napaka-komportable ko sa kanya. "Malapit na.." bigla akong napatingin sa kanya, naka-pikit sya habang naka-ngiti at naka-tingala. "Anong malapit na?" "Wala.. Wala..." bigla syang dumilat at tumingin sa'kin. Tulad ni Zeke, ang hirap nilang unawaan, ang hirap basahin kung ano ang mga nasa isip nila. Pero iisa lang naman silang dalawa, hindi pa rin maitatago ang katauhan nilang 'yon. "H-hoy!" bigla na lang nya ako niyakap. Pilit kong tinatanggal ang braso nya sa katawan ko pero lalo lang nyang hinigpitan. "Let's stay like this for a while." bulong nya sa tainga ko. Ang hinahon ng boses nya, hindi na ako nag-pumiglas parang bigla akong nang-hina sa yakap nya. Tahimik lang sya at ganon din ako, bigla na lang lumakas ang kabog ng dibdib ko hindi ko alam kung nararamdaman nya ba 'iyon o naririnig pero... Ngayon lang ito nangyari sa'kin.. Ilang minuto na ang nakaka-lipas hindi pa rin sya bumibitaw sa pag yakap nya sa'kin ang sarap sa pakiramdam, kakaiba ito.. Pakiwari ko parang nasa alapaap ako. "Thankyou Yoni.. Thankyou.." dahan-dahan syang kumalas sa pagkaka-yakap nya at tinignan nya ako. Naka-ngiti lang sya habang naka-titig sa'kin.. Nakaka-lusaw ang pag titig nya idagdag pa ang ngiti nya sa labi nya. Bigla syang umiwas ng tingin sa'kin pero nananatili pa rin ang ngiti nya. "Umuwi ka na." Umiling-iling ako sa kanya. "Ayoko pa." Dahil na bitin ako sa pagkaka-yakap mo sa'kin. ••• Nakaka-panibago ang sarili ko pakiwari ko araw-araw, minu-minuto at segu-segundo ang saya-saya ko tapos lagi pa akong excited pumasok tulad ngayon, masyado yata akong napa-aga wala pa si Kyla rito. Nag-stay pa kami ni Zeus sa plaza kahapon medyo mag gagabi na ako umuwi at sya sabi nya may pupuntahan pa daw sya. Kahapon na yata ang pinaka-matagal naming pag-sasama puro asaran at kulitan. Kakaiba talaga kapag nasa katauhan sya ni Zeus, kakaibang-kakaiba. Nag-sisipasukan na ang iba kong mga classmate pero wala pa rin si Kyla baka na late na naman 'iyon ng gising. Patingin-tingin ako sa pintuan ng classroom namin nag-babaka sakali na pumasok na si Kyla pero sa totoo lang si Zeke talaga ang inaabangan ko. Ewan ko, ang gulo nito.. Ang gulo-gulo ng ganitong sitwasyon hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko, kung paano ko sya tatratuhin. "Bakit ang konti lang natin?" pagka-upo na pagka-upo nya 'yan agad ang bungad nya sa'kin. Tumingin ako sa relo na nasa kamay ko medyo maaga pa talaga himala na yata ito pumasok sya. "Maaga pa ng 30 minutes." sagot ko sa kanya, pinipilit kong iwasan ang mga tingin ko sa mata nya. Ayokong titigan sya. "Ganon ba.. Ang boring pa naman dito." hinila nya ang upuan na nasa harap nya at bigla na lang nyang tinaas ang mga paa nya doon. Naka-yuko lang ako at kunwaring nag-babasa sa librong hawak ko. "Edi lumabas ka kung boring." kung iba ang pakikitungo nya sa akin iba rin ang pakikitungo ko sa kanya. "Sungit mo naman." "Ang daldal mo naman." "Kinakausap lang naman kita masama ba 'yon?" bigla akong napatingin sa kanya, naka-ngiti lang sya habang tumataas pa ang kilay nya. Bakit parang iba yata sya ngayon? "Manahimik ka dyan nag-babasa ako." iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya sabay balik sa librong nasa harap ko. "Naiintindihan mo ba ang binabasa mo?" "Ano bang paki mo kung naiintindihan ko o hindi?" "Wala lang naman. Hahaha." nakaka-panibago! Hindi naman sya ganito sa'kin pero ibang-iba talaga sya ngayon! "Ione!!" agad akong napatingin sa pintuan ng classroom namin. Nakita ko agad si Kyla na naka-ngiti habang papalapit sa'kin. "Bakit ganyan ngiti mo?" bungad kong tanong sa kanya, mas lalo naman lumawak ang mga ngiti nya at bigla namula. "May ikukwento ako sayo! Hahaha." umupo sya sa tabi ko habang tumatawa. "Baliw ka na naman. Spill, sabihin mo na." tumingin ulit ako sa librong nasa mesa ko. Sa totoo lang hindi ko talaga naiintindihan itong binabasa ko. Naramdaman ko na lang na inilapit nya ang bibig nya sa tainga ko. "Si Ethan ang katext ko." bulong nya sa'kin. Napatigil ako sa pag buklat ng librong hawak ko. Teka! Ethan? Sinong Ethan!? Tumingin agad ako sa kanya bumungad sa'kin ang nakaka-loko nyang ngiti. "Sinong Etha--" tinakpan nya agad ang bibig ko gamit ang kamay nya habang pinalakihan nya ako ng mata. "Wag kang maingay! Maririnig nila baka mainggit pa sila sa'kin! Haha." dahan-dahan nyang inalis ang kamay nya sa bibig ko. "Kahapon ko lang nalaman naki-pag meet kasi sya sa'kin, grabe! Hindi ko inaasahan na sya pala 'yon! Hahaha." kulang na lang mangisay sya sa sobrang kilig nya. "Sino ba kasing Ethan?" bulong ko sa kanya. Bigla naman syang ngumuso sa likod ko. Ano ba naman 'tong babae na 'to! Ang hirap intindihin! "Hindi kita maintindihan! Ibulong mo na lang sa'kin." bahagya 'kong inusog ang upuan ko papalapit sa kanya. "Isa sa member ng ST." dahan-dahan syang lumayo sa'kin. Medyo natatawa pa sya dahil sa reaksyon ng muka ko. Teka nga! Diba patay na patay sya kay Jayden tapos ngayon kay Ethan na?! Ang gulo naman ng babaeng 'to!! Tuluyan ko ng isinara ang librong hawak ko habang napapabuntong hininga na lang ako sa mga nangyayari ngayon sa paligid ko. "Paano? Hindi na talaga kita maintindihan! Ang gulo-gulo mo!" medyo napalakas na ang tono ng boses ko napapailing na lang si Kyla pero hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi nya. "Stay put and relax! Hahaha. Ikukwento ko na lang kapag kasama na natin si Astrid." Mag-sasalita na sana ako nang bigla nyang kinuha ang cellphone nya at text na naman ng text! Ilang minuto pa kami nag hintay ng teacher si Zeke naman natutulog ulit, wala na yata syang ginawa kundi matulog ng matulog pero wala pa rin naman pinag-bago muka pa rin syang sabog. Dumating na si Sir Advincula adviser at Physics teacher namin wala kaming gaanong ginawa, attendance ar nag groupings lang para sa isang project na gagawin namin para sa first grading at kung minamalas ka nga naman kami pa ni Zeke ang magka-group. Ngayon pa lang alam kong ako lang ang gagawa ng project na 'to, si Kyla naman 'yung president namin ang kagroup nya hindi naman pwedeng makipag-palit dahil naka-lista na 'yon kay Sir. Argh! Nakaka-inis! "Kailan natin gagawin 'yung project?" biglang tanong sa'kin ni Zeke pagka-labas ni Sir. "Ako na gagawa." "Group nga diba? Ikaw ang partner ko kaya tayong dalawa ang gagawa." "Ako na nga eh!" "Hindi 'yon agad-agad mabubuo kung ikaw lang mag-isa kaya dapat tayong dalawa." halos nanlaki ang mata ko sa sinabi nya! Argh! Perv! Ang manyak nya! "Oh bakit? Haha! Ang dumi ng nasa isip mo!" napapailing pa sya habang tumatawa. Bakit ba kasi ang dumi agad ng nasa isip ko?! "Wala naman tayong klase kaya pwede bang gawin na natin ngayon 'yung project? Tinatamad na ako kung bukas pa natin gagawin dapat ngayon na agad hangga't masipag pa ako." bigla nya akong kinindatan. Hindi ko na alam ang itsura ko ngayon! Grabe na! Bakit ba iba ang dating ng mga sinasabi nya! Argh! "Bukas na!" tumaas na ang tono ng pananalita ko inirapan ko sya sabay tingin kay Kyla na hawak na naman ang cellphone nya. "Hoy baliw! Tara na uwi na tayo." sinukbit ko na ang bagpack ko, umiling-iling naman si Kyla sa'kin. "Mauuna na ako! Haha! Babye!" "H-hoy!!" bigla na lang syang tumakbo na halos wala ng paki sa mga mababangga nya. Ganyan ba talaga kapag may textmate? Nakakainis! Ako na naman mag-isang uuwi ngayon. "Ngayon na natin gawin, tara!" Naramdaman ko na lang na may humawak sa palad ko at para akong nililipad sa sobrang bilis nyang tumakbo. Idagdag pa ang pag bilis ng t***k ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD