♛ H A T G 18: Something ♛
●Ione's POV●
"Bakit ba kasing nag mamarunong ka!? Wala pa tayong materials para gawin 'yung project! Nag dedesisyon ka ng sarili mo! Tapos bigla-bigla mo na lang akong hahatakin! Nakakainis ka!!" wala na akong pakialam kung pag tinginan kami ng mga tao dito buti na lang kakaunti lang ang dumadaan sa lugar na ito.
Napa-kamot sya sa batok niya habang napapabuntong-hininga. "Tangina naman! Ayoko ng naiistorbo marami akong gagawin bukas sa susunod na bukas at sa susunod na bukas!"
Bigla akong napatakip ng tainga ko sa murang narinig ko, pwede bang mag-salita sya ng walang mura!? "Wag ka nga mag mura! Ako naman itong maiistorbo mo!? Sige! Mag hanap ka ng materials para sa project natin!"
"Ugh! Tangina talagang buhay 'to!! Edi bumili tayo!" akmang hahawakan na naman nya ang kamay ko pero tinabig ko bigla. Ako ba ang minumura nya!? Eh gago pala ito eh!
"Hoy! Ako ba ang minumura mo!? Pwede bang mag salita ka ng walang mura huh!? Pwes ikaw na lang ang bumili! Dito ako mag hihintay! Nakaka-pagod ng tumakbo at mag lakad!" sigaw ko sa kanya habang umuupo ako sa may pahabang upuan hindi ko alam ang tawag dito at hindi ko alam kung saang lugar kami ngayon! Halos kalahating oras yata kaming tumakbo at nag lakad kung saan-saan hindi ko alam kung saan ba kami dadalhin ng mga paa nya. Hindi ko magawang pigilan ang pag hatak nya sa'kin kung saan, hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko mapigilan..
"Hindi ikaw ang minumura ko! Tangina ko! Ko! At hindi ikaw! Samahan mo na ako delikado rito!" hahawakan na naman nya ang kamay ko pero nilayo ko na ito.
"Wala akong paki. Basta bumili ka na! Bilisan mo!" agaw pansin talaga kami rito, 'yung iba nag bubulungan na pero wala akong pakialam sa kanila!
Narinig ko na lang na napabuntong-hininga na naman sya. "Sige. Basta dyan ka lang wag kang aalis dyan kung may kakausap sayo wag na wag mong papansin.. Dyan ka lang Quinn. Dyan ka lang." tumindig ang balahibo ko sa tono ng pananalita nya agad akong napatingin sa kanya, bumungad sa'kin ang mata nyang nag-aalala. "Babalik agad ako." dahan-dahan syang tumalikod at nag-lakad palayo sa'kin.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya habang nag-lalakad sya naka-tingin lang ako sa likod nya.. Ang angas nya talaga mag lakad, agaw pansin ng mga tao. Kanina ko pa iniisip at pinipilit sa sarili ko na tratuhin ko sya bilang Zeus, pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung bakit pero iba talaga ang pakiramdam ko kapag kasama ko si Zeus at Zeke kahit alam kong iisa lang sila. Ibang-iba pa rin ang ugali nilang dalawa.
Nag hintay pa ako ng ilang minuto rito sa lugar na 'to pero wala pa ring Zeke na dumadating, para akong nag hihintay ng isang kadate. Ugh! Parang nakaka-sukang isipin na kadate ko si Zeke!? Tch. Teka, alam nya kaya ang mga bibilhin nyang materials? Tch. Bahala na, diskarte na nya 'yon.
Namiss ko tuloy bigla sila Astrid at Kyla, kapag ganitong mga project sabay-sabay kaming bibili ng mga materials, nakaka-miss din pala ang kalandian ng dalawang bruha na 'yon. Haha. Panigurado bukas na bukas aasarin ako ni Kyla at mas malala kung sasabihin nya kay Astrid ang nangyari. Nako! Kasalanan talaga 'to ni Zeke eh! Nasaan na ba 'yon? Ang tagal-tagal!
Halos kalahating oras na yata akong nag-hihintay dito pero sya wala pa rin. Yari sa akin 'yon mamaya! Ipapalamon ko sa kanya lahat ng mga binili nya! Siguraduhin lang nyang tama lahat ng materials na binili nya! Ugh!
"Miss." bigla akong napatayo sa pag-kakaupo ko, bumungad sa'kin ang apat na lalaking may hawak-hawak na sigarilyo at pormang pag-jejemon!
Sana pala sumama na lang ako kay Zeke.. "B-bakit?" bigla akong kinabahan sa mga ngisi nila, ang dalawa pa sa kanila nag bulungan sabay tumawa. Ugh! Zeke nasaan ka na ba?!
Umupo ang isang lalaking mataba at maitim sa kinauupuan ko kanina hindi pa rin nawawala ang mga ngisi sa labi nila. "Ikaw ba 'yon?" napakunot ang noo ko sa sinabi nya, anong ako 'yon?
"Huh?" mga naka-shabu ba ang mga pangit na 'to?
Humithit sya ng sigarilyong hawak nya at tinapon nya ito sa harap nya. "Ikaw nga 'yon." bigla akong napa-atras sa pag tayo nya. Luminga-linga ako sa paligid ko pero wala ng gaanong tao, hindi naman madilim dito pero tago ang lugar na 'to, paano ako hihingi ng tulong? Ugh. Zeke nasaan ka na ba?
"A-ano pong kailangan nyo?" pinipilit kong hindi manginig ang boses ko pero nauutal pa rin ako. Kinakabahan na ako, natatakot na ako!
Tumayo ang lalaking naka-upo kanina, ang tatlong lalaki naman nag-lakad papunta sa tabi nya. Nakaka-takot ang mga itsura nila, hindi ko alam kung ano ang mga tumatakbo sa isip nila, ang isa pa sa kanila namumula ang mata at amoy alak silang apat!
Muli akong lumingalinga sa paligid ko nag babaka sakaling may ibang taong mapadaan dito, nag-babaka sakaling nandito si Zeke.. Pero wala.. Wala kahit anino nya...
Umiling-iling ang lalaking nasa gitna, ito yata ang nag-mumukang leader nila. "Ikaw ba ang isa sa mga fourious?" nag-taasan ang mga balahibo ko sa tono ng boses ng isang lalaki, nangatog bigla ang mga tuhod ko..
Fourious? "Hindi ako kasali doon, tinanggihan ko.." tumawa ang isang lalaki na kasama nila habang umiiling.
"Tinanggihan mo?" parang hindi sya naniniwala sa sinabi ko. "Nag-kakalokohan yata tayo rito eh. Hindi mo sila matatanggihan, alam kong kasali ka doon, alam naming isa ka sa mga miyembro ng fourious." napataas bigla ang kilay ko sa litanya 'nya, ang kulit naman pala nito! Sinabi ngang hindi ako kasali doon!
"Bakit ba ang kulit mo? Hindi nga ako kasali doon, tinanggihan ko 'yon!" tumaas bigla ang boses ko, humakbang ang lalaking nasa gitna napa-atras bigla ako.
"Yan ang gusto ko lumalaban, ilabas mo ang tapang mo, ilabas mo ang lakas ng isang myembro ng fourious." habang pa-atras ng pa-atras ang hakbang ko, pa-abante naman sya ng pa-abante.
"Hi-hindi nga kasi ako kasali doon.." umiling-iling lang sya, habang humahakbang sya sumusunod sa kanya ang iba pa nyang kasama. Bakit ba hindi sya naniniwala na hindi ako kasali doon!?
Nabigla ako sa pag hawak nya sa kamay ko, hindi ko alam kung paano nangyari agad 'yon! Ang bilis nyang kumilos, pilit kong tinatabig ang kamay nya pero ang lakas nya.. "T-t-tulong!!" parang may naka-bara sa lalamunan ko hindi ko magawang sumigaw ng malakas, nanhihina na ako.. Ang higpit ng pagkaka-hawak nya sa akin, nag-lakad ang tatlo nyang kasama habang natatawa at pumalibot sa amin.
"Ilabas mo ang tapang mo."
"Ilabas mo lalo ang tapang mo." biglang bumilis ang t***k ng puso ko, para akong nabuhayan ng loob, parang biglang dumaloy ng normal ang dugo ko.
"Z-Zeke." biglang binitawan ng lalaki ang kamay ko, nag-lakad si Zeke papunta sa akin may hawak syang dalawang plastik. Ang angas ng lakad nya, ang angas ng aura nya.. Nakaka-takot syang tignan..
"Okay ka lang?" tanong nya sa akin, tumango lang ako sa kanya hindi ko pa rin magawang mag salita. Inilagay nya ang plastik na hawak nya sa lapag ang iniharap ang apat na lalaki. "Problema nyo?" dumukot sya ng sigarilyo sa bulsa nya at sinindihan nya ito. Hithit at buga, mas lalong naging maangas ang porma nya.
"Ikaw!? Problema mo?" inihagis ni Zeke ang sigarilyo nya sa harap ng lalaki, bigla naman itong napa-atras.
"Tangina mo." nakaka-takot ang boses nya, gusto kong tumakbo para humingi ng tulong, gusto kong umalis sa lugar na 'to pero hindi pwedeng iwan ko sya dito.
"Tangina mo rin! Gago!" bigla syang sinugod ng lalaking leader nila.
Akala ko aatras si Zeke pero sinalubong nya ng suntok ang lalaking unang sumugod sa kanya, mas mabilis kumilos si Zeke na suntok nya agad ang lalaki sa muka dumugo ang ilong nito. Mas nakakatakot, mas nakaka-kaba, mas nakaka-tense pala kapag sobrang malapitan maki-pag away si Zeke.
Sumugod na ang tatlong lalaki, ang isa sinikmuraan si Zeke pero parang wala lang sa kanya ito agad naman nya 'yon sinuntok na mas malakas sa sikmura napa-yuko ang lalaking 'yon, sumugod pa ang isa nilang kasama pero mukang lampa yata ang isang 'to isang suntok lang ni Zeke tulog agad. Akala ko sa mga action movies ko lang mapapanood ang mga ganitong pangyayari pero hindi pala...
Tumakbo na ang isa nilang kasama natira lang ang lalaking payat at kulay pula ang buhok, ito 'yung lalaking namumula ang mata at mas mukang adik kumpara sa iba pa nyang kasama.
"Tangina! Takbo ka na. Hahaha." pinatunog pa ni Zeke ang kamao nya. Marami ng ibang nag sulputan na tao dito, mga nakiki-chismis at nanonood. Gusto kong pigilan si Zeke pero nag eenjoy ako sa nangyayari. Para akong nasa isang action movie.
"Matapang ka lang ngayon, tandaan mo 'yan." iba ang tono ng pananalita ng lalaking 'yon pero tinawanan lang sya ni Zeke. Isa-isa silang nag takbuhan parang isang action star si Zeke pinalakpakan sya ng ibang tao dito.
"Wala pa ring kupas!" dinig kong sigaw ng isang lalaki. Tinaas lang ni Zeke ang kamay nya, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi nya. Parang kilalang-kilala sya ng mga tao rito, parang normal na lang sa kanila ang ginawa ni Zeke, hindi 'man lang sila tumawag ng tanod o pulis.
Nag-lakad sya papunta sa aking, mas lalong lumawak ang ngiti sa labi nya. Napatingin ako sa mga tao rito sa lugar na 'to, naka-ngisi sila at parang kinikilig na ewan. Anong nakaka-kilig sa pag-lalakad ni Zeke papunta sa'kin?
"Nasaktan ka ba? Anong ginawa nila sayo?" parang tanga syang natatawa habang hinahawakan ang braso ko.
Lintik na puso 'to ang bilis na naman tumibok! "W-wala." kinuha ko bigla ang plastik na nasa lapag. "Gawin na natin 'to." iwas ko sa kanya.
Narinig kong napabunting hininga sya. "Hindi ko alam kung tama ang mga binili ko." napatingin ako sa kanya, napapa-kamot na lang sya ng batok nya. Sabi na nga ba eh.
"Ayan, nag-mamarunong ka kasi." naiiling kong sabi sa kanya.
"Pwede bang pahinga muna? Pwede bang bukas na lang natin gawin 'yung project na 'yan?" parang biglang nag pintig ang tainga ko sa narinig kong sinabi nya.
"Ano!?" imbis na sumagot sya bigla na lang nya akong inakbayan.
Bumilis ang t***k ng puso ko, napatingin ako sa braso nyang nasa balikat ko. "Chill ka lang kasi, lagi ka na lang naka-sigaw. Try mo naman huminahon."
Para akong lumulutang hindi ko na namamalayan na nag-lalakad na pala kaming naka-akbay sya sa'kin. Para akong nasa langit, ibang-iba ang pakiramdam ko.. Bakit ganito? Normal ba 'to?
•••
Hindi na naman ako naka-palag sa kanya, para bang bigla na lang akong nanghihina kapag sya na ang nasa tabi ko, kapag sya na ang hahawak sa braso ko at hihilain ako kung saan. Hindi ako maka-palag sa kanya, o talagang gusto ko lang ang ginagawa nya?
"Yosi?" mabilis akong umiling sa pag-alok nya sa akin ng sigarilyo ngumiti naman sya sa akin at inabutan ako ng coke na nasa lata. Umupo sya sa tabi ko pero isang dangkal yata ang distansya naming dalawa.
"Sarap!" sigaw nya pagka-buga ng usok sa bibig nya, tinaboy ko ang usok gamit ang kamay ko at muntikan pang matapon ang coke na hawak ko, natawa naman sya sa ginawa ko. "Ayaw mo ba ng nag-sisigarilyo o ayaw mo ng usok?"
Tinignan ko lang sya at napataas ang kilay ko habang umiiling. "Ayoko ng usok, lalo na ang sigarilyo." matigas kong sabi sa kanya sabay ismid at tinungga ko ang coke na hawak ko.
Bahagya syang natawa. "Haha. Kalma ka lang." hindi ko na sya pinansin, diretso lang ang tingin ko sa kawalan. Hindi ko alam kung saan na naman kami, marumi sa lugar na 'to, maraming basag ng bote ng alak, maraming nag-kalat ng sigarilyo at upos ng sigarilyo. Kung tutuusin nag-mumuka itong tambayan pero mas mukang basurahan.
"Natakot ka ba kanina? Bakit ka ba nilapitan ng mga lalaking 'yon?" napatigil ako sa pag inom ng coke ko. Dahan-dahan ko syang tinignan, naka-tingin lang din sya sa akin. Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo? Kilala nya kaya ang fourious?
Huminga ako ng malalim at nag-kibit balikat na lang sa kanya. "Bigla na lang nila akong nilapitan, hindi ko alam kung bakit." mahina kong sabi sa kanya.
Nakita kong inapakan nya ang sigarilyo sa sahig. "Wala lang sigurong magawa ang mga tarantadong 'yon."
Bigla akong napatingin sa relong nasa braso ko. Mag aala-sais na pala ng gabi baka hinahanap na ako sa amin. "Uhm. Zeke.." tawag ko sa pangalan nya habang tumatayo sa pagkaka-upo ko. "Uwi na ako, gabi na kasi eh." tumayo naman sya at kinuha ang plastik na nasa tabi nya.
"Hatid na kita lapitin ka ng disgrasya."
Nararamdaman ko na namang bumibilis ang t***k ng puso ko. "Wag na, kaya ko na sarili ko." nginitian ko sya at kinuha ang plastik na hawak nya. "Ako na ang mag dadala nito, alis na ako." dahan-dahan akong tumalikod sa kanya.
Parang ang bigat ng mga paa ko, parang sa bawat hakbang ko may pumipigil sa akin para bang ayoko pang umalis sa tabi nya.. "T-teka Quinn!" walang atubiling napalingon agad ako sa kanya.
"Mamaya ka na umalis." napakunot ang noo ko sa sinabi nya, ayaw nya ba akong umalis sa tabi nya!?
Mas lalong lumawak yata ang mga ngiti ko sa sinabi nya, bakit ang saya-saya ko naman yata?
"Ano kasi.." bigla syang napakamot sa batok nya. "May ano ka.." aniya habang may tinuturo sa akin. Napa-awang naman ang bibig ko, anong sinasabi nya?
"May ano?" taas-kilay kong tanong sa kanya.
"May tagos ka."
Pakiramdam ko dahan-dahang gumuho ang mundo ko.