♛ H A T G 19: He's different ♛
●Ione's POV●
Pakiwari ko nawalan ako ng dugo sa buong katawan ko, natigilan ang sistema ng mundo ko, sa mga sandaling oras, minuto at segundo ngayon isa lang ang gusto kong mangyari.. Ang kainin ako ng lupa!
"Huh?" ugh! Ang bobo ko! Hindi ko alam kung ano ng gagawin ko! Bakit kasi ngayon pa ako nagkaroon ng regla!? Bakit kasi ngayon pa!? Peste naman oh!
Bigla syang nag-lakad patungo sa'kin habang naka-hawak sa batok nya, sa ilang segundo na pag-lalakad nya para bang nag slow motion ang paligid ko, hindi ko alam kung paano nangyari 'yon pero 'yun ang nakikita ko. Magic ba ito?
"May tagos ka Quinn." bulong nya pagka-lapit sa'kin habang naka-ngisi, bigla akong napailing sa sarili ko.
"T-teka sigurado ka ba?" sana nag-bibiro lang sya! Oh Lord! Wag ngayon please?
Mas lalong lumawak ang ngiti nya, hindi ko alam kung pinag-tatawanan ba ako nito. "Oo nga may tagos ka, kahit tignan mo pa." parang wala lang sa kanya ang sinasabi nya pero ako! 'Yung muka ko parang nagkaroon ng tagos sa sobrang pula na sa kahihiyan!
"Paano ko titignan!? May C.R ba dito?" napapangiwi ako sa sinasabi ko parang ang awkward kausapin sya ng ganito.
"Meron sa loob." biglang gumaan ang loob ko, bigla kong naalala may dala pala akong napkin ngayon sa bag ko. Buti na lang talaga!
"Mag C.R muna ako." sabi ko sa kanya habang inaabot ko ang plastik na hawak ko.
Naka-tingin lang ako sa mga kamay nya, hinihintay kong abutin nya ang plastik na hawak ko pero hindi nya ginawa, agad akong tumingin sa muka nya na naka-ngisi pa rin habang umiiling. "May tagos ang palda mo, wala ka bang extra palda dyan? Tska ano bang tawag sa ano.. Doon sa pang pa-ano sa mga ano nyo?"
Sa bawat salitang sinasabi nya napapahigpit ang hawak ko sa plastik, pakiramdam ko pulang-pula na ang muka ko! Pinag-papawisan na ako kahit hindi naman mainit dito. Grabe! Hindi ba sya nahihiya sa mga sinasabi nya!? Parang wala lang sa kanya!
Binagsak ko ang dalawang plastik na hawak ko habang napapabuntong hininga at humalukipkip ako sa harap nya. "Kalalaki mong tao nag-sasalita ka ng ganyan sa harap ko! May respeto ka ba!?"
Nanliit ang mga mata ko sa pag tawa nya. "Chill, pahihiramin na lang kita ng short tapos kung meron kang dalang ano.. Doon ka na mag ano--este doon ka na sa C.R mag palit."
Wala na akong nagawa kundi sundin ang sinabi nya, medyo maluwag pa ang short na binigay nya sa akin pero ayos na ito mag tatricycle na lang ako pauwi para hindi nakaka-hiya sa daan kapag suot ko ito, jersey short ang pinahiram nya may pangalan pang Zeke sa mag kabilang dulo ng laylayan ng short.
Lalabas na sana ako sa C.R nang biglang may narinig akong iba't-ibang boses kaya naman mas lalo kong nilapit ang tainga ko sa pintuan ng C.R.
"Si Ione nandyan? Haha! Iba ka na talaga Zeke!"
"Gago!"
Hindi ako nag kakamali! Nandito na ang ibang grupo ng S.T! Mas lalong nakaka-hiya ang itsura ko, paano kung nalaman nilang na tagusan ako? Edi mas lalong nakaka-hiya! Ano bang nangyayari sa'kin!? Bakit ba ang malas-malas ko ngayong araw na 'to!? Hindi ko na alam ang gagawin ko!
Dahan-dahan kong hinawakan ang door knob at inikot ito ng dahan-dahan, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nila pero bahala na! Tutal naman sobrang kahihiyan na ang natatamo ko, sasagarin ko na 'to!
Pagka-labas ko ng C.R agad silang napatingin lahat sa'kin, maliit lang ang espasyo ng lugar dito kaya ang sala at C.R halos mag kadikit na. Tinignan ko sila isa-isa, napapailing ang iba sa kanila, ang isa naman nag-pipigil ng tawa. Ayoko na! Gusto ko na talagang kainin ako ng lupa ngayon!
Tinignan ko si Zeke, naka-ngiti naman sya sa akin.. Biglang gumaan ang pakiramdam ko, para bang sa mga ngiti nya kumalma ang sistema ng buong katawan ko.. Hindi ko maintindihan pero ugh! Ang weird!
"Kasya naman pala sayo eh." bungad nya sa'kin habang lumalapit ang tinititigan ang short na suot ko, medyo nailang ako sa pag titig nya. Bakit ba sa lahat ng kilos, salita, at titig nya para bang wala syang pakialam!?
"Lalabhan ko na lang 'to bukas tapos ibabalik ko rin sayo agad." sabi ko sa kanya pagka-lapit sa'kin. Umiling-iling naman sya habang sinisipat ng tingin ang short at t-shirt na suot ko, pati t-shirt pinahiram nya ako kaya nag-mumuka na rin yata akong gangster sa luwag na mga suot ko pero ayos naman din pala, napaka-presko.
"Hatid na kita." muka yatang hindi nya pinansin ang sinabi ko pero hindi pa rin na tatanggal ang mga ngiti sa labi nya.
Inasar-asar pa sya ng mga kaibigan nya habang palabas ng tambayan nila gusto ko sanang umalma sa mga sinasabi nila pero ayoko ng mag salita baka mas lalo lang akong mapahiya kaya wala na akong nagawa kundi sumunod na lang sa pag labas ni Zeke habang naka-yuko.
Tahimik lang kaming nag-lalakad, tahimik lang din sa lugar na 'to medyo mahangin dahil puro puno at poste, wala ng ibang mga tao sa labas ng mga bahay nakaka-binging katahimikan parang hindi ako sanay.
"Gusto mo hatid na kita sa bahay nyo?" bigla akong napatigil sa pag-lalakad, hinarap ko sya habang umiiling.
"Wag na. Kaya ko naman eh, mag hintay na lang tayo ng tricycle dito." sabi ko sa kanya sabay iwas ng tingin.
Tumango naman sya sa sinabi ko at tahimik kaming nag-hihintay ng tricycle sa lugar na 'to. "Ilang taon na kayong mag kakaibigan?" bigla kong tanong sa kanya. Narinig ko namang napabuntong-hininga sya.
"Anim na taon, pero binuo namin ang grupong Smoking Thugs pagkatapos ng dalawang taon, bale ang S.T na grupo apat na taon na pero kung tutuusin anim na taon na kaming mag kakaibigan." tumingin ako sa kanyang naka-kunot ang noo, napangisi naman sya sa itsura ko.
"Ang gulo mo naman! Haha." sigaw ko sa kanya habang natatawa.
"Haha. Magulo rin naman ang grupo namin."
Gusto ko sanang itanong sa kanya kung ano bang napapala nila sa pakikipag-bugbugan at sa pag-sisigarilyo pero masyadong personal naman yata 'yon, mas pinili ko na lang tumahimik baka kung ano pang lumabas sa bibig ko.
Kaya ko naman pala syang maka-sama sa loob ng isang araw kahit na puro kamalasan ang nangyari sa akin ngayon atleast buhay pa rin ako.
"Para!" biglang sigaw nya habang naka taas pa ang kamay nya.
Dumiretso naman ang tricycle sa gawi namin. "Uwi na ako salamat pala." naka-ngiti kong sabi sa kanya.
Nagulat ako sa pag gulo nya ng buhok ko. "Ingat ka."
Hindi ko na maintindihan ang sistema ng buong katawan ko, nang-hihina ako na parang ewan.. Hindi ko maintindihan pero hindi ko maitatanggi masaya ako ngayon.
"Manong, paki-ingatan po 'yang pasahero mo. Kundi ito ang makaka-harap mo." tinaas nya ang kamao nya sa harap ng driver, natawa naman ako sa inasta nya.
Pagka-pasok ko ng tricycle sinulyapan ko ulit sya at kumaway habang umaandar na ang tricycle.
Isa lang ang na realize ko ngayong araw na ito.
Hindi naman pala sya ang tulad na gangster na inaakala ko.