♛ H A T G 20: Past ♛
●Ione's POV●
Pagka-uwi ko sa bahay hindi naman nag tanong sa akin sila mama kung bakit ako ginabi sa pag-uwi, dumiretso agad ako sa kwarto at nag muni-muni. Kung tutuusin hindi ko inisip noon na makaka-sama ko si Zeke ng isang araw, kahit kailan hindi pumasok sa imahinasyon ko na mangyayari ito sa buhay ko.
"Talaga!?!" napa-pikit ako ng mariin sa sabay na pag sigaw nila Kyla at Astrid.
Buong gabing bumabagabag at sumasariwa sa utak ko ang mga nangyari, sa totoo lang hindi ako naka-tulog ng maayos hindi ko alam kung bakit ganon ang nangyayari sa'kin kaya naman sinabi ko sa kanila baka sakaling hindi na sumariwa sa utak ko ang mga nangyari.
Nagka-tinginan silang dalawa habang tumataas ang dalawang kilay at naka-ngiti na parang ewan. Sabay silang napa-tingin sa'kin at inurong pa ang upuan nila papalapit sa mesa.
"Anong naramdaman mo?"
"Nandoon ba si Jayden?"
"Eh si Skyler?"
Napabuntong-hininga na lang ako sa mga sunod-sunod nilang tanong sakin. "Ano Ione!? Sumagot ka naman!" bulyaw sa'kin ni Astrid sabay sandal sa kinauupuan niya at humalukipkip pa ito. Tumango-tango naman si Kyla.
Nag kibit-balikat na lang ako sa kanila at hinigop ang natitirang laman ng juice ko. "Tara na, baka nandoon na si ma'am." binigyan lang kami ng halos 45 minutes na break-time at nag kita-kita dito sa canteen, hindi ko maintindihan si Kyla kung si Ethan ba ang gusto niya o Jayden. Hay nako, bahala na siya sa buhay niya.
"Ione, bakit nga pala hindi pumasok si Zeke?" biglang tanong sa'kin ni Astrid habang nag-lalakad kami papunta sa mga classroom namin.
"Hindi ko alam." tipid kong sagot sa kanya. Narinig ko namang humagikgik silang dalawa ni Kyla.
"Uy. Namimiss! Haha!" sinundot-sundot pa nilang dalawa ang bewang ko kahit anong pigil ko sa pag tawa hindi ko magawa. Mga baliw talaga ang mga ito.
"Tigil-tigilan niyo nga ako." sabi ko na lang saka nag-lakad ng mabilis.
•••
Sa lahat ng subjects namin puro pre-test lang ang ginawa at sa kasamaang palad absent pa si Zeke, makaka-graduate kaya 'yon? Hindi ko siya maintindihan, papasok lang yata kapag trip niya pero mas trip pa yata niyang umabsent. Teka.. Bakit ko ba siya iniisip? Bakit ko ba pinoproblema ang mga problema niya? Ugh! Ano ba 'tong nangyayari sa'kin? Hindi pa rin ba ako nakaka-get over kahapon? Ione, kumalma ka nga! Nag-iiba na naman ang timpla ng sistema ng katawan ko!
"Ione, mag paparlor muna kami ni Astrid. Bye!" hindi pa ako nag-sasalita nang biglang nag beso na sa akin si Kyla at nag-mamadaling umalis. Sa mga nakaraang araw lagi na lang siyang nag mamadaling umuwi, lagi niyang sinasabi na mag kikita sila ni Astrid pero hindi naman talaga. Simula 'nung naging textmate niya si Ethan nag-iba na si Kyla.
Napabuntong-hininga na lang ako at inayos ang mga laman ng bag ko. Mag-isa na naman ako uuwi, makikita ko kaya si Zeus? Sa tuwing mag-isa ako saka siya susulpot pero ilang araw ng nakaka-lipas simula 'nung huli naming pag-kikita pero teka nga! Si Zeus at Zeke ay iisa, ano bang nangyayari sa'kin? Ito ba talaga ang epekto ng nangyari kahapon?
Pagka-labas ko sa building namin mukang himala yata dahil wala ang mga ST sa tambayan nila, kada building kasi may teritoryo sila, kung tutuusin tinuturing silang boss dito sa school namin at mukang ang ibang teacher ganon din ang turing sa kanila. Hindi na kataka-taka 'yon, maraming kayang gawin ang ST at kahit yata principal kaya nilang takutin. Akala ko sa mga telenovela at mga movies ko lang mapapanood ang mga ganon pero pwede rin pala sila mangyari sa totoong buhay, hindi naman lahat ng sa mga nakikita o napapanood sa t.v ay isang imahinasyon lang dahil kahit isang porsyento lang doon ay maaaring mangyari sa buhay ng bawat tao.
Ilang minuto pa akong nag lakad-lakad sa campus namin, gumala sa college building kahit na bawal ang mga highschool doon buti na lang hindi ako na huli ng taga-bantay doon. Sa kada sulok o tabi-tabi yatang makikita ko puro mga couples na nag-yayakapan at magka-holding hands. Ano kayang feeling ng inlove? Sabi raw kasi nila kapag inlove ka wala kang paki sa mga sasabihin ng ibang tao sayo, kasi nga inlove ka. Wala ng pero-pero basta mahal mo... Teka nga! Bakit ba parang nag-iiba ako? Ano ba talagang nangyayari sa'kin? Bakit parang hindi ako ito? Sinasaniban ba ako?
Nang maka-labas ako sa school namin kusang nag libot ang paningin ko para bang may sarili itong pag-iisip, hindi ko alam kung bakit pero parang may gustong-gusto akong makita bago pa 'man ako umuwi. Pero hindi ko maintindihan... Parang ang weird ng nararamdaman ko, para yata akong tanga sa mga pinag-sasabi ko ngayon.
Sumabay ako sa mga ibang estudyanteng nag-lalakad, hindi naman kalayuan ang bahay namin dito kaya madalas nilalakad na lang namin nila Kyla at Astrid, hindi gaanong hassle at mas na eenjoy pa namin kapag nag-lalakad lang kami.
Habang palayo ng palayo ang nilalakad ko paunti ng paunti ang nakaka-sabay kong estudyante hanggang sa ako na lang ang natirang nag-lalakad. Mag-isa na naman ako! Ganito ba kapag single? Laging nag-iisa? Ugh! Teka.. Sinabi ko ba talaga 'yung word na single? Kailangan ko na yatang mag patingin sa doctor, mukang nag-iiba na talaga ang buong sistema ko, hindi na yata ako ito.. Ibang-iba na yata itong sarili ko. Ang weird! Sobrang weird!
"Ione!" napatigil ako sa pag-lalakad nang may tumawag sa pangalan ko. Parang kilala ko ang boses na 'yon, para bang narinig ko na isang beses ang boses niya.
Hindi pa ako lumilingon sa likod ko nang marinig ko ang tunog ng isang motor papalapit sa akin, sa sobrang bilis ng pag papatakbo niya nasa harap ko na agad siya.
Hindi ako nag-kakamali, siya nga ito hindi pa rin nag-babago..
"Kamusta ka?" tanong niya habang tinatanggal ang helmet sa ulo niya, kahit natatakpan ang bibig niya alam kong naka-ngisi siya. "Tagal na rin pala 'no? Simula 'nung hindi kita nakita. Haha." pinasadahan niya ng palad ang buhok niya habang natatawa, sumasabay sa pag kislap ng mga ngipin niya ang isang hikaw sa kaliwang tainga niya. "How's life? Your new life?" hindi pa rin natatanggal ang ngisi sa mga labi niya, bumaba siya ng motor niya habang hawak-hawak ang helmet sa kanang kamay niya. Hindi pa rin talaga siya nag-babago ang angas pa rin talaga niya at sa sobrang angas niya gusto ko ng paliparin ang sarili niyang motor sa muka niya.
Nginitian ko siya pero sana hindi niya mahalatang pilit lang ang mga ngiting ipinakita ko sa kanya. "Okay na sana, kaso dumating ka ulit edi hindi na okay." nag kibit-balikat pa ako at mas lalo ko siyang nginitian. Nakita kong nanigas ang mga panga niya, tulad pa rin ng dati sa simpleng pag-sasalita ko napipikon na agad siya.
"Sigurado ka bang okay lang? Sa pagkaka-alam ko marami kang bagay na hindi na nalalaman. Laos ka na yata Ione. Laos ka na talaga." mas lalong lumawak ang mga ngisi niya, umiling-iling pa ito habang sumasabay ang pag-kislap ng hikaw niya.
Bahagya akong natawa sa kanya. "May dapat pa ba akong malaman?"
"Dapat mo pa bang alamin?"
Ayoko ng pahabain ang pag-uusap namin alam kong may pakay 'to sa'kin. "Wag kang plastik, alam kong may pakay ka sa'kin. Sabihin mo na sinasayang mo lang ang oras ko." pinag-taasan ko siya ng kanang-kilay ko saka humalukipkip sa harap niya.
Biglang sumeryoso ang muka niya at bahagya siyang nag-lakad ng tatlong beses papunta sa'kin. "Kailangan ko pa bang sabihin ang pakay ko sayo?" muli na naman sumilay ang ngisi niyang kinaiinisan ko. "We want you back. We want Queenmyst back."
Shit.