♛ H A T G 21: Heart ♛ ●Ione's POV● Kusang nang-hina ang mga tuhod ko, pakiwari ko kahit anong oras babagsak na ako dito sa kinatatayuan ko. "Shut up or i'll shut your bullshit mouth." matigas kong usal sa kanya, pero tinawanan lang niya ako. Mahigpit na akong napapakapit sa palda ko at alam kong nakikita niya 'yon kaya hindi siya matapos-tapos kakatawa sa harap ko, naninigas na ang panga ko para bang konting-konting segundo na lang hindi ako mag dadalawang isip na patayin siya sa harap ko ngayon. Nag pahid siya ng luha sa mata niya sa kakatawa habang napapa-buntong hininga pa siya sabay tatawa na naman. Pasimple akong kumuha ng bato rito sa gilid ng kinatatayuan ko, habang busy siya kakatawa ako naman busy damputin ang bato. Nang nakapa ko na ang bato hindi ako nag atubiling dahan-daha

