♛ H A T G 22: Revelations ♛ ●Ione's POV● Pagka-uwi ko sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto ko hindi pa ako nakaka-pag bihis nang maalala ko ang cellphone ko, agad ko naman 'yon tinignan na nasa ibabaw lang ng lagyanan ng mga damit ko. Isang rason lang naman kung bakit hindi ko araw-araw hawak ito, dahil kahit anong palit ko ng number nalalaman pa rin nila 'yon. Masyado silang maraming alam, masyadong maraming galamay kahit yata huminto na ako sa dati kong ginagawa alam kong pinagmamatygaan pa rin nila ako. Hindi ako tanga para hindi malaman 'yon, kung tutuusin sila pa ang mas tanga kaysa sa'kin. Binuksan ko na ang cellphone na hawak ko at sunod-sunod ang mga nag text sa'kin. Ang iba doon text nila Kyla at Astrid, ang iba naman GM ng mga classmates ko. Pero isang numero lang ang pumukaw

