Inis na inis si Shania dahil sa sobrang selos. Hindi niya akalaing mas pipiliin pa ni Ivo ang mga anak nito sa babaeng iyon kaysa sa kaniya na asawa niya. Hanggang sa pagpunta sa kaniyang photoshoot ay nakabusangot pa rin siya. "Oh, Shania bakit nakabusangot ka na naman diyan? Hindi ba kakabati lang niyo ng asawa mo?" tanong ng manager niya sa kaniya. Huminga siya ng malalim at napaiwas ng tingin. Naiiyak siya sa frustrations, hindi niya alam kung paano nga ba mawawala sa landas niya ang mag-iinang iyon. Gustuhin man niyang masolo si Ivo ay hindi na puwede dahil laging nakabuntot ang kambal sa asawa niya. Isa pa nakagawa siya ng mali kaya mapait pa rin ang pakikitungo nito sa kaniya. Oo, bati na sila ngunit alam niyang hindi pa rin siya mapatawad ni Ivo. Ayaw na ayaw niya talaga ang m

