Napatitig ako sa mukha ng babaing si Julie. Nakatayo ito habang nakatingin sa akin. Mapupungay ang mga mata nito at halatang wala pang tulog dahil sa nangingitim nitong eyebags. Napansin ko rin ang biglaang pangangayat ng katawan nito. Hanggang sa makita kong napaluha ito na kaagad ding pinalis ng kamay nito. Ipinakuha ko muna ang anak ko sa yaya at nilapitan ang babae. "Anong ginagawa mo rito?" pormal at kalmadong tanong ko. Napaatras ako ng kaunti ng bigla na lang itong lumuhod at doon magsimulang humikbi. Hanggang sa palakas nang palakas ang iyak nito habang nakayuko. Bilang isang babae, hindi ko naman napigilan ang maawa sa itsura nito. Napatingala ako ng maramdaman kong nanubig ang mga mata ko. Hirap talaga sa mga babae, masyadong malambot ang puso. Sa kabila ng ginawa nito, nak

