Nakatayo ako habang nakatingin sa window glass ng opisina ko ng marinig ko ang malakas na pagbukas ng opisina ko. "B-bawal nga po kayo maam--" "Ano ba, bitiwan mo nga ako!" rinig kong wika ng babae. Doon naman ako umikot paharap sa mga ito. Akmang magpapaliwanag ang secretary ko ng tumango lang ako rito. Umupo ako sa swivel chair ko at matalim na nakatingin sa babae. Na walang iba kun'di ang babaing nanira ng relasyon namin ng asawa ko. Gulong-gulo ang buhok nito at halatang umiyak. Ngumisi naman ako rito habang nag-aapoy ang mga matang nakatingin dito. Halata sa mga mata nito ang matinding takot. Hanggang sa napahagulhol ito sa harapan ko. "I-I'm sorry. I'm really sorry. Nagawa ko lang naman ang bagay na iyon dahil gustong-gusto kita. Please, huwag mong idamay ang mga magulang ko r

