Episode 4 (Max Andrie POV)

1214 Words
"Oh sh*t!" sambit ni Max ng mapansing niyang may malaking truck na bigla na lang lumiko sa gawi niya. "F*ck!" hindi niya napigilan ang mapamura ng mapansin ang dugo sa gilid ng kaniyang ulo dahil sa pagkakaumpog ng ulo niya sa manibela. Pansin niya kaagad ang paglapit ng driver ng truck sa kinaroroonan niya. Binaba niya ang salamin ng kaniyang sasakyan. "S-sir, ayos lang ba kayo? Pasensya na ho, hindi ko kaagad napansin ang sasakyan ninyo," takot at puno ng pag-alalang bigkas nito. Hanggang sa bumaling ako rito dahilan para mapansin nito ang duguan kong ulo. "S-sir, may sugat kayo! D-dadalhin ko na ho kayo sa hospital!" tarantang wika nito. "No need. Next time, be careful at tingnan mo ang paligid mo," wika na lang niya sa lalaking driver ng truck. Ramdam niya ang pananakit ng gilid ng kaniyang ulo dahil sa pagkakauntog nito. "P-pero kailangan ko ho kayong dalh-" pinutol niya ang ano pa mang sasabihin nito. "Please, bumalik ka na sa sasakyan mo. Tinawagan ko na ang mga kaibigan ko. You can leave now, kung ayaw mong makasuhan pa kita," biglang pananakot niya rito upang umalis na ito. Taranta naman itong nagpaalam, ngunit ilang beses pa itong humingi ng tawad sa kaniya bago tuluyang umalis. Napapikit siya ng mariin habang hinihintay ang mga kaibigan niyang dumating. Mabuti na lang nasa gilid na siya ng kalsada kaya hindi na siya nakakaabala sa mga dumaraan. Ilang minuto ng dumating si Carl. "What happened?" kaagad na tanong nito. Sumakay ito ng sasakyan ko at ito na mismo ang nagmaneho habang ako naman katabi nito. "Aksidente," maikling wika ko. "Hindi makapunta si k**i, at bigla na lang inatake ng lbm," wika nito. "Kailan pa siya naging matakaw?" tanong niya rito habang nakapikit, hawak ang gilid ng ulo kung saan siya napuruhan. Rinig niya ang mahinang tawa nito. "Hinamon ng babae niya. Kaya ayon, nauwi sa lbm. Baka pinakain ng lumang pagkain. O baka kumain ng hilaw na kabibe," natatawa na nitong wika. Napapailing na lang siya sa kalukuhan nitong naiisip. Normal, hilaw naman talaga kinakain ang kabibe. Napangisi siya sa sariling naisip. Dumiritso kami sa hospital ng Quezon kung saan pag-aari pa nila. "Bakit ka nga pala nandito sa Quezon?" tanong ni Carl. Naglalakad na kami papunta sa loob ng hospital. "I have a meeting here. But I cancel it now because of this," wika niya rito. Tumango-tango naman ito. Napansin niya kaagad ang director ng hospital na mabilis lumapit sa kanila. "Good morning Sir," wika nito. Nagpapa-cute pa ito ngunit kaagad naman ako nitong iginaya sa isang private room upang gamutin ang sugat ko. Nasa akto na ito sa paggagamot sa akin ng may dumating na isang nurse at sabihin dito na may emergency na kailangan ang director. "Call Doctor Mendoza to ass-" pinutol niya ang sasabihin nito. "It's okay. Pumunta ka na roon at magpatawag ka na lang ng ibang doctor na gagamot sa sugat ko," wika niya sa director ng hospital na iyon. Pansin niya ang pagtutol sa mukha nito ngunit wala rin naman itong nagawa sa gusto niya. Kahit naman kasi babaero siyang tao, pagdating sa trabaho, napakaseryoso niya. "Okay Sir," wika na lang nito at kaagad lumabas. Naiwan naman kami sandali ni Carl na nasa tapat ko lang nakaupo at nakapangalumbaba. Ilang minuto ang lumipas, ngunit wala pang dumarating na doctor na siyang hindi niya nagustuhan. Siya yata ang dapat inuuna ng mga ito lalo na't siya ang may-ari ng hospital na iyon! "Ang tag-" naputol ang sasabihin sana ni Carl ng biglang bumukas ang pinto ng kuwarto. Naisip sana niyang pagsalitaan ang doctor na gagamot sa kaniya at baka hindi ito inform na siya ang may-ari ng hospital na ito. Ngunit nawala sa isip niya ang bagay na iyon ng masilayan ang kaamuhan at kagandahan nito. Hindi niya maipaliwanag kung bakit parang may sumipa sa dibdib niya ng makita ang doctor. Pansin niya rin na bigla ring napaupo ng tuwid ang kaniyang kaibigan at natigilan din ito pagkakita sa doctor na babae. "I'm really sorry sir, kung natagalan ako. Nagkataon kasing may isinugod na pasyente na kailangan-" "It's okay. I understand," putol niya sa sasabihin pa ng doctora. Hindi niya maipaliwanag kung bakit nawala yata ang inis niya kanina lang dahil sa matagal itong dumating. Humingi pa ito ng pasensya at kaagad nitong sinenyasan ang nurse na tutulong sa kaniya. Habang ginagamot siya nito, hindi niya mapigilan ang titigan ang maamong mukha nito. Iba ang ganda nito. Ganda na habang tinititigan, lalong nakakabaliw ang kagandahan nito. Kumibot ang labi niya pagkatapos nitong gamutin ang gilid ng ulo niya. Para yatang hindi pansin ng doctora ang kaguwapuhan niyang taglay. Napaka-pormal nito habang ginagamot siya kanina. Hindi man lang makitaan ng paghanga sa mukha nito. Samantalang ang kasama nitong nurse, kanina pa yata naiihi sa kilig nito na pinipigilan lamang. Tumukhim siya bago nagawang magsalita. "What's your name?" tanong niya sa doctora. Bumaling naman ito sa akin na may tipid na ngiti. Hindi man lang umabot sa mga mata nito. "I'm Abegail Mendoza, Sir," wika nito. Beautiful name.. "Matagal ka na ba rito?" tanong ko. "No, Sir. Three months pa lang ako rito," sagot nito. Akmang magtatanong pa ako ng may tumawag sa cellphone nito na nasa bulsa nito dahilan upang magpaalam muna ito sandali. Kasunod nito ang nurse na kasama nito. Nakatitig pa ako sa pintuan na nilabasan nito ng marinig ko ang tikhim ni Carl. Bigla ko itong nilingon at kitang-kita ko rito ang mapaglarong mga ngiti sa labi. "She's very beautiful hmm. New victim?" taas kilay na tanong nito sa akin. Umiling naman ako rito na parang hindi ito naniniwala sa akin. Well, sino ba naman maniniwala kung isa akong womanizer. "I don't believe you," wika nito. Hanggang sa marinig namin ang pagbukas ng pinto. Sumungaw dito ang nagpapa-cute na nurse na kasama ng doctora kanina. "Sir, hindi na po nakapagpaalam si Doc Mendoza sainyo uli at may emergency pong kailangan operahan. Kaya ako na lang ang pinabalik niya upang sabihin po sainyo," wika nito habang nakangiti ng matamis. Hindi niya napigilan ang magpakawala ng buntong hininga. Hindi niya maintindihan kung bakit may panghihinayang siyang hindi niya ito nakausap ng matagal. Sabagay, marami pa namang pagkakataon. Nakangiting wika niya sa sariling isipan. "Okay. You can leave now," wika ko sa nurse. Binigyan ko na lang ito ng tipid na ngiti na siyang ikinakilig nito. Pagkaalis nito ay siyang pagsalita ni Carl. "Wow ha, hindi ka yata nagkainteres ngayon sa babae. Nagpapa-cute na sa'yo kanina eh," panunukso nito. Umiling-iling lang ako rito habang ang isip ko nasa doctorang gumamot sa akin. "Don't tell me, iyong doctora ang punterya mo," nakangising wika pa nito. "Why? Bawal ba?" tanong ko rito. Bigla naman sumeryoso ang mukha nito. "I think, she's not-" "I know. And I feel it," putol ko sa anumang sasabihin pa nito. Ngumisi naman ang luko sa akin. "Hmm, mukhang macha-challege ka sa doctora na iyon ha?" nangingiting wika nito. Ngumisi naman siya ng may pagmamayabang. "That's impossible. Kilala mo naman ako," ngising sambit ko rito. Humalakhak naman ang luko na para bang may naiisip itong kalukuhan o ano. "Well see bro," hamon na wika nito sa akin. Ngumisi na lamang ako rito bago ipinatawag ang director ng hospital upang alamin ang tungkol sa background ng Doctor Mendoza na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD