Episode 5

1129 Words
Pansin ni Max ang pagkagulat at pagtataka sa mukha ng director ng hospital na iyon, ngunit hindi naman ito nagtanong pa at ibinigay na lang nito ang kailangan niya. Ilang araw na ang nakalilipas, ngunit hindi mawaglit sa kaniyang isipan ang doctora. Hindi niya maipaliwanag na sa isang beses niya lang itong nakita, guguluhin nito ang kaniyang mundo. Halos hindi siya makapag-concentrate sa mga meeting niya rito sa Singapore dahil sa babaeng doctora na iyon. Simula ng malaman niya ang background nito, doon niya nalaman na hindi simple ang pamumuhay nito. Masasabi itong mayaman rin kung pag-uusapan sa pamumuhay. May sariling negosyo ang daddy nito at clinic na rin ang mommy nito. Lalo siyang humanga sa dalaga ng malaman niyang isa ito sa pinagaling at kilala na Doctor sa Lugar nila. Nalaman rin niya na ito pala ang babaeng pinadala niya upang makatulong nga sa mga doctor dito sa Quezon. Hindi niya akalain na, dalaga pa pala ang tinutukoy ng Director Cabug, na isang magaling nitong doctor sa Naga City. Basta ipinagkatiwala na lang niya rito na ipadala ang pinakamagaling na doctora sa Lugar ng Naga City, dito nga sa Quezon. Sa tuwing pipikit siya ng kaniyang mga mata, ang napakaganda at among mukha nito ang kaniyang nakikita. Sa buong buhay niya, wala pang babaing nakakagulo ng sistema niya. Tanging ang doctora lamang na iyon. Halos mag-umapaw ang puso niya sa galak, ng malaman niyang single pa ito at wala pang asawa. Well, kung sabagay, bata pa naman ito kung pag-uusapan ay asawa. Ngunit hindi niya rin maipaliwanag ang nababahalang pakiramdam sa tuwing naiisip niya kung may nobyo na ba ito. Dahil sa ganda nito, tiyak mayroon na nga. Kaya naman, nagawa niya pang kumuha ng investigator para alamin kung may nobyo na nga ang dalaga. Hindi pa nga lang niya nakakausap ang investigator at naririto nga siya sa Singapore para sa Business Meeting. Abe.." bulong niya habang iniikot-ikot ang ballpen sa kaniyang harapan. Makalipas ang dalawang linggo, bumalik siya kaagad ng pilipinas para sa simula ng kaniyang mga plano. Hindi pa man lang umiinit ang kaniyang puwetan sa swivel chair ng kaniyang opisina ng magsipasukan ang kaniyang mga kaibigan. "Hey bro, kumusta ang Singapore?" nakangising sambit ni k**i. "Kumusta ang pangbababae natin doon?" wika naman ni Bien. "Iba ang gusto niyan ngayon. Iyong fresh?" nakangising wika naman ni Carl na tinapunan ko ng warning look. Bigla naman itong mga nagsitawanan. Hindi ko tuloy napigilang mapabuntong-hininga. Tiyak akong nasabi na ng siraulong kaibigan ko ang tungkol sa dalagang doctora. "Kuwento ka naman bro, mukhang exciting ang magiging challenge mo this year," nakakalukong ngisi ang binigay ni Bien sa akin. "Tss, puro kayo kalukuhan," sabi ko na lamang. "Kami talaga bro? Ayaw mo lang aminin eh. Ano? Kailan mo sisimulan?" pangungulit naman ni k**i. Samantalang si Carl naman pangisi-ngisi lang, sarap lang sapakin ng kamao. "She's different," biglang sambit ko na ikina "woahh" ng mga ito. Halatang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Sino ba naman ang maniniwala sa akin kung kilala akong mapaglaro lang sa babae at hindi alam ang salitang pag-ibig o relasyon. Kahit ako man, nagulat din sa sinabi ko. Well, siguro ramdam ko na iba siya sa mga babae. Well, malaman nga natin. Wika ng mapaglaro kong isipan. "Seriously bro? Kailan ka pa nagsalita ng ganiyan sa isang babae? Dahil ba hindi napansin ang kaguwapuhan mo? Kaya nasabi mo iyan? Malay mo, nagpapakipot lang," wika ni Bien. "Yeah. Baka kapag sinubukan muna ng kamandag mo eh, tumiklop din kaagad. Wala pa yatang nakakatiis sa womanizer naming kaibigan," sambit naman ni k**i na para bang hinahamon ako. Bigla naman akong natigilan. Hindi kaya? Pero kung nagpapakipot man ito. Ito ang unang may nagpakipot sa kaniya at hindi pa rin niya iyon matanggap. "Well, see. Mababalitaan niyo na lang ang resulta," ngising wika ko sa mga ito. Ngunit may panghihinayang sa puso niya kung magkakamali siya sa inaakala sa dalaga. Kung sabagay, wala pa naman siyang naranasang babae na hindi niya kaagad naikama. "Abangan namin iyan," nakangising wika naman ni Carl. Sakto namang pagkaalis ng mga ito ay siyang pagpasok ng investigator na kinuha niya. "Good news?" bungad niya kaagad dito. Hindi niya maipaliwanag ang kaba sa maaring malaman. Tuwa, naman kung sakaling wala ngang nobyo ang dalaga. Biglang kumabog ang dibdib ko ng ngumiti ang investigator. "Good news, Sir. She's single. No boyfriend since birth," nakangiting sagot nito. Para akong natuklaw ng ahas sa sobrang saya. Kulang na lang tumalon yata ako at yakapin ang investigator sa nalaman. Ramdam ko rin ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Pagkaalis nito, saka lamang niya naisigaw ang "Yes!. Para siyang tanga na iwan. Pakiramdam niya nanalo siya sa lotto ng mga oras na iyon. Isipin pa lamang na wala itong nobyo since birth ika nga. Lumulundag na siya sa saya. Lalo na ang isiping siya ang magiging unang nobyo nito. Hindi niya maitago ang matamis niyang ngiti sa mga labi. Unang beses niyang kiligin kahit wala pang nangyayari. Now, I know, she's different from other girls. I'm so lucky!" hiyaw niya sa sarili. Hep! Hep! Ang sabi mo, wala sa isip mo ang relasyon? Ano ngayon iyang nasa isip mo?" biglang kontra ng kabilang isip ko. "Sorry, Sir. Wala ho ngayon si Doctora Mendoza. Naka-off duty siya ngayon. May kailangan ho ba kayo sa kaniya?" wika ng nursing na napagtanungan ko. Halata pa rito ang pagpapa-cute. "Nevermind," simpleng ngiti lang ang naibigay niya rito. Kung bakit naman kasi, sa sobrang excited niya itong makita. Ni hindi niya naitanong sa director kung ano ang mga schedule ng dalaga. Pansin niya kaagad ang pagkagulat at pagkatuwa sa mukha ng director. Well, halata namang patay na patay ito sa kaniya. Sabagay, wala yatang babaeng hindi nagkakagusto sa kaniya. Tanging ang Mendoza lang talaga ang hindi napansin ang kaniyang kaguwapuhan. "S-sir, napadalaw ho kayo. May masakit ho ba sainyo?" malambing na tanong nito. Binalewala niya lang ang tanong nito at kaagad tinanong ang pakay habang pabagsak na umupo sa upuang nakareserve para sa visitors. "I want to know kung saang hotel nakatira si Doctora Mendoza," direktang wika ko rito. Pansin ko ang pagkagulat sa mukha nito. "Ahmm, dito lang sir sa malapit niyong hotel. 15mins away from here ho. May kailangan ho ba kayo sa kaniya?" tanong nito. Tumayo na ako sabay ngiti rito. "Next week, babalik ako rito at nais kung ipaalam mo sa lahat na pupunta ang may-ari ng hospital na ito. Nais ko silang makita lahat," wika ko sabay alis. Hindi ko na hinayaang makasagot pa ito. Balak ko lang naman iyon, upang magpasikat sa dalaga. Baka sakaling humanga ito sa kaniya. Baliw ka na.. Kailan ka pa naging ganiyan? Akala ko ba lahat ng babae, nahuhumaling sayo? Bakit kailangan mo pang magpasikat sa kaniya?" sita naman ng aking isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD