Araw ng lunes.
"Good morning doc," sambit ng mga nakakasalubong kong Nursing maging Doctor.
Sinusuklian ko naman ang mga ito na may kasamang ngiti.
Hanggang sa marinig ko ang pangalan kong tinatawag.
"Yes, Chezca?" Sabay hinto ng paglalakad.
"Hmm, may naghahanap po kasi sainyo doc noong nakaraan linggo," wika nito.
"Pasyente?" I asked.
"Hmm, hindi ko po alam doc eh. Tinanong ko kaso, hindi naman sumagot. Basta hinahanap lang kayo," sagot nito.
"I see. Pupunta na lang iyon kung talagang ako ang hinahanap. Thank you sa pag-inform," wika ko na lang dito.
"Guwapong lalaki doc ang naghahanap sainyo noong nakaraang linggo. I think, binata pa po iyon. Baka manliligaw niyo ho. Sayang nga po at di ko naitanong ang pangalan. Mukha kasing nagmamadali eh," pahabol nito na siyang ikinahinto ko sa paglalakad.
Nakatalikod na ako ng mga oras na iyon. Kaya 'di nito pansin ang pagkagulat sa mukha ko.
Wala yata akong natatandaan na manliligaw sa akin. Marami ngang nagkakagusto sa akin, ngunit hindi rin makaporma at kaagad ko silang sinasabihan na hindi ako interesado at fucos ako sa trabaho ko.
Bigla akong kinabahan ng maisip ko ang lalaking minsan niyang nagamot. Ngunit impossible naman kung iyon ang maghahanap sa kaniya lalo na't hindi naman sila magkakilala at hindi man lang nagkausap ng matagal.
Humarap ako rito sandali at binigyan lang ito ng simpleng ngiti. Samantalang ito, halos namumula ang mukha na para bang kilig na kilig ito.
Napakagwapo ba talaga?"
Ipinilig ko ang sariling isipan at nag-fucos na lang sa trabaho ng araw na iyon.
Ngunit sa hindi malamang dahilan. Mabilis na nagpatawag ang director sa mga doctors, nursing at iba pang staff na walang masyadong gawain ng mga oras na iyon.
Kaagad akong tumayo upang pumunta sa lugar na pagtitipunan naming lahat. Hanggang sa sumulpot sa tabi ko ang kaibigan ko.
"Doc, alam muna?" sambit nito.
Kumunot naman ang noo ko.
"Alin?"
"Kaya tayo pinapapunta ni director, dahil nandiyan iyong may-ari ng hospital," kinikilig na bulong sa akin ng kaibigan kong si Len.
"Bakit kinikilig ka diyan? Eh, 'di dapat magtaka tayo kung bakit biglaan ang pagpunta ng may-ari dito? Baka may malaking problema ang hospital na ito," wika ko rito.
Pansin ko ang sandaling pananahimik nito. Ngunit kinilig na naman uli na siyang pinagtaka ko.
"Paanong hindi ako kikiligin eh, balita ko ang may-ari nito eh, binata at napakaguwapo!" mahinang tili na wika pa nito.
Hindi na lang ako umimik at inirapan lang ito na siyang tinawanan lang nito ng mahina. Alam naman kasi nito na walang effect sa kaniya ang mga ganoon.
Secondo lang ang hinintay naming lahat ng dumating ang director kasabay ang ilang kalalakihan sa likuran nito.
Biglang may kung anong sumipa sa dibdib ko ng magtama ang mga mata namin ng binata. Walang iba kundi ang pasyente na minsan niyang ginamot!
Muntik na akong mapalunok ng makita ko kung paano ito tumitig sa akin. Titig na para bang ako lang ang tao ng mga oras na iyon.
Ramdam ko ang pagsiko sa akin ng kaibigan kong si Len. Laking pasalamat ko talaga ng magsalita ang director, kasabay ng pagpalakpak nito dahilan upang mapatingin sa ibang direksyon ang lalaki.
"Let's welcome, the owner of this hospital, none other than, Mr. Max Andrei
Lim," wika ng director.
Sabay-sabay naman kaming nagsibati rito. Rinig ko ang kiligan sa paligid at bulungan. Ngunit nakaramdam ako ng pagka-ilang ng tumingin na naman sa akin ang lalaki.
Pinilit kong labanan ang titig nito sa tinging professional. Walang mababasang kahit ano sa mga mata ko. At iyon ang tiniyak ko. Hinihintay ko lang ang sasabihin nito kung bakit kami pinatawag.
Gusto ko na rin makaalis at pansin ko ang bulungan at tinginan ng ilan sa akin dahil nga halos sa akin lang nakatitig ang binata. Gusto ko pang batukan ang kaibigan ko na simula yata ng dumating ang lalaki at panay tingin sa akin, hindi na tumigil sa paubo-ubo nito kunwari.
Siguradong malupitang pang-aasar ang gagawin nito sa akin mamaya.
"Masaya akong makilala kayo. Hindi naman ako magtatagal. Gusto ko lang makita at malaman ang kalagayan niyo rito. Gusto ko ring magpasalamat sa serbisyong ibinibigay niyo," wika nito.
Marami pa itong sinabi ngunit hindi ko na lubusang naunawaan dahil hindi na ako komportable na halos sa akin lang ito nakatingin. Nahihiya tuloy ako sa director at baka kung anong isipin nito lalo na't ako ang gumamot sa lalaki.
Hindi ko maitatangging nasurpresa ako ng malamang ito ang may-ari ng hospital. Wala naman kasing ipinaabot ang director noon na ang gagamutin ko pala ay ang may-ari. Mabuti na lamang talaga, hindi ito nagalit ng pinaghintay ko ito.
Muntik na akong mapatili sa gulat ng kilitiin ako ng kaibigan ko sa tagiliran ko kung saan malakas ang kiliti ko.
"Bes, ano ba?" baling ko rito.
Nang mga oras na iyon nasa loob kami ng condo ko. Hindi nga ako nagkamali at panay tanong at asar nito sa akin.
Naalala ko tuloy ang sinabi ng nurse na si Chezca.
"Ay doc, siya ho ang naghahanap sainyo noong nakaraan. Naku! Hindi ko inaakalang, siya na pala iyong may-ari ng hospital na ito. Magkakilala na ba kayo dati pa doc?" tanong nito.
"Ginamot ko siya, last time dito sa hospital," tipid na sagot ko rito.
Ayoko naman na maging bastos dito kaya sinagot ko na lang. At ayon nga, kinikilig ang mga kasamahan nito kasama siya. Hindi ko na hinayaan pang makapagtanong ito at kaagad na akong nagpaalam.
Narinig ko pa ang huling bulungan ng mga ito bago ako tuluyang makalayo sa mga ito.
"Bakit kaya siya hinahanap ni Sir pogi? Siguro nabihagni kay doc. 'Di naman nakakapagtaka, ang ganda-ganda ni doc at napakasexy ng katawan nito. Tindig pa lang mapapatingin ka na talaga," rinig kong wika ng isang nursing.
"Oo nga. Bagay naman sila!."
Bumalik ako sa ulirat ng pumitik sa hangin ang kaibigan ko.
"Oy, si bestie! Iniisip si Mr. Handsome!" kinikilig na wika nito sa akin.
"Tss, puro ka kalukuhan. Parang hindi mo ako kilala," kibit-balikat na sagot ko rito.
Sumunod naman ito sa akin na siyang ikinahihilo ko.
"Bes, ano ba? Nahihilo ako sayo," simangot na wika ko rito.
Paano ba naman kasi, panay sunod nito saan man ako magpunta. Nagluluto kasi ako ng mga oras na iyon at ito naman parang asungot na sunod nang sunod habang nang-aasar.
Humagalpak naman ito ng tawa.
"Sorry na! Sarap mo kasing asarin bestie. Pero iyong totoo? Wala ka man lang naramdaman kahit kaunting kilig diyan sa puso mong natutulog? Hindi ka man lang tinamaan sa panglaglag panty na mga titig sayo ni Mr. Handsome? Ang lagkit ng titig sayo girl!" maarteng wika pa nito sa hulihang sinabi.
"Akalain mo, ikaw lang halos tiningnan ng mga oras na iyon. Pakiramdam ko nga, ikaw lang naman talaga ang pakay noon. Dinamay pa kami!" natatawang daldal nito.
Umikot naman ako para kunwari I-check ang nilulutong adobong baboy. Hindi ko naiwasan mapalunok sa sinabi nito.
Hindi kaya? Pero bakit?
Hello! Obvious naman! Tinamaan sayo!" wika ng isipan ko.
Ipinikit ko ang mga mata at lihim na nagpakawala ng buntong hininga.
"I'm not interested," simpleng sagot ko.
"Ay sus! Baka kainin mo iyang sinabi mo bestie!" pangiti-ngiti pa ito.
Umiling-iling na lamang ako.
"Hihintayin ko, dumating ang araw na iyon," bulong pa nito na siyang ikinalingon ko rito.
Nakangiti ito na para bang may inaabangan na magaganap.
"Alin?" I ask her.
"Secret!" biglang wika nito sabay subo ng saging na nasa harapan nito.
"Anyway, be ready bestie. Dapat maganda tayo sa party."
"Party?" naguguluhang tanong ko rito.
Lumaki pa ang mga mata nito na para bang hindi makapaniwala.
"Yes, party. Don't tell me, hindi mo narinig iyong pag-invite sa atin ni Sir pogi sa isang party?"
"No. Hindi naman na kasi about sa work ang pinagsasabi niya kanina. Kaya hindi ko na gaanong inabalang pakinggan iyong mga hulihang sinasabi nito," sagot ko.
Nagulat pa ako ng tumawa ito. Tawang hindi makapaniwala.
"Seriously bes? Ganiyan ka, kawalang interes man lang sa kaniya kahit na nagpakita siya sayo ng paghanga? Or let's say, pagkagusto?" tanong nito.
Umiwas ako ng tingin dito. Ang totoo, hindi na ako komportable ng mga oras na iyon dahil nga sa mga titig nito sa akin kaya hindi ko na maintindihan ang mga pinagsasabi ng binata.
Kumibot lang ang labi ko, ngunit hindi sumagot.
"Basta pupunta tayo, sa party bes. Naku! Ang tagal ng panahon, makakadalo uli tayo ng party!" tuwang wika nito.
"May trabaho tayo."
"Ano ka ba? Wala tayong trabaho kasi nga, invite tayo sa party ni Sir pogi. Siya mismo nagsabi na hindi papasok ang mga staff noong nasa meeting tayo. Iyong wala lang doon ang magtatrabaho. Saka na lang daw sila invite din ni Sir pogi. Sa ngayon, tayo ang inimbitahan. Kaya kailangan natin pumunta. Kabilin-bilinan pa iyon ni director eh. 'Di mo rin siguro narinig."
"Ikaw na lang pumunta. Mas gusto ko pa magtrabaho," wika ko.
Sumimangot naman ang mukha nito. Hindi na ito umimik at mukhang nagtampo.
"I will see," sambit ko na lang para hindi na ito magtampo.
"Inaasahan ko ang matamis mong oo bestie! Next week na iyon, kaya sana, maka-decide ka na the next day. And I'm expecting, na papayag kang pumunta tayong dalawa roon. Sige ka, kapag 'di ka pumunta, ibig sabihin, tinamaan ka rin kay Sir pogi," wika nito na ikinatigil ko sabay tingin dito.
Ngiting tagumpay naman ito bago tumalikod at pumunta ng living roon. Rinig ko pa ang malutong nitong tawa.
"Baliw ka na!" sigaw ko na lang dito sabay simangot.
Napakagat-labi ako ng maramdaman ko pagkabog ng dibdib ko.
Relax, Abe. Hindi ka, apektado okay?"