"Kuya!!" Napalingon ako sa sigaw ng makulit kong pinsan. Walang iba kun'di si Hanna. Mabibilis ang hakbang nitong lumapit sa akin at kaagad yumakap. "I miss you, kuya!" masiglang wika nito. Ginulo ko naman ang buhok nito na parang bata. "Hindi kita namiss," Pagbibiro ko. "Ah ganoon?! Sige, hindi kita tutulungang mapalap--" "Nagbibiro lang," kaagad na saad ko rito. Natatawa naman ang mommy nito habang nakamasid sa amin. Ganito kaming dalawa magkulitan. Para kasing isip bata ang dalaga. "Hmp! Ewan ko sa iyo kuya!" pagtatampong wika nito sabay upo ng pabagsak sa sofa. Nang kami na lang dalawa. Nilapitan ko ang dalaga at kaagad piningot ng mahina ang tainga nito na siyang ikinareklamo nito. Akmang magsasalita ito ng unahan ko na. "May kasalanan ka sa akin," kunwaring seryosong wik

