Nananakit na yata ang mga mata ko kakatitig sa cellphone ko kung may tatawag ba sa akin. Sa ilang linggo ko rito sa United States, marami na rin akong pinasahan na resume sa iba't ibang hospital, nagbabakasaling makapasa bilang isang doctor sa bansang ito. Napabuga ako ng hangin at kaagad tumayo para pumunta ng kusina. Nang matigilan ako ng marinig ko ang tawag sa cellphone ko. Nakaramdam ako ng kaba at excitement sa isiping galing ito sa mga napasahan kong resume. "Yes, hello," sagot ko. "Hi! This is Director Hanna Sy from Livri Hospital. I would like to invite you tomorrow to talk about what you are applying for," wika sa kabilang linya. Hindi ko maitago ang saya ko ng mga oras na iyon. Halos tumatalon-talon pa ako sa sobrang galak. Kinabukasan. Kabado man, ngunit tinataga

