"Bro, makakapunta ka ba mamaya sa event?" tanong ni Carl. Napatingin naman si Carl sa mga kaibigan nang 'di umimik ang kanilang kaibigang si Andrei. Pansin ni Carl ang pagbuntong-hininga ng mga ito sabay iling. "Bro," wika naman ni k**i. Sabay tapik sa balikat ni Andrei. Saka naman ito tumingin sa aming tatlo. Blangko ang mukha nito at parang wala sa sarili. "Yes?" "Tinatanong ka namin kung makakapunta ka sa event mamayang gabi?" pag-uulit ni Bien sa tanong ni Carl kanina. "No," malamig na sagot nito. Nagkatinginan kaming tatlo sabay buntong-hininga. Naiintindihan naman namin kung bakit ito nagkakaganito. Simula ng iwanan ito ng dalagang si Abegail, madalas tulala ito at wala sa sarili. Ni hindi na rin makausap ng maayos. Hindi na rin namin ito makitang ngumiti. Mas gusto rin ni

