Arielle Marie Kinabukas ay dinalaw kong muli si Alfred at Jayson. Bawat pagdaan ng araw ay lalong bumubuti ang lagay ni Alfred na labis labis kong kinagagalak. Naging maayos na rin ang relasyon ko sa aking ama. Isang Linggo na mula ng mapagpasyahan kong hwag na itong iwasan pa at tuluyan nang kausapin. At ginawa ko 'yon sa tulong nain ni Uno. Nakapag patawaran na rin kami. Paulit ulit itong humingi sa akin ng kapatawaran at sinabing kahit kailan ay hindi ako nito ginustong iwanan. Hindi ako nagsalita pang muli para ungkatin ang nakaraan. Ang tangi ko lamang nasabi ay matagal ko na siyang napatawad. At sa totoo lang ay matagal nang nawala ang galit ko. At lihim pa nga akong nagpapasalamat sa kanya dahil binigyan niya ako ng kapatid. Hindi ko tinanggi na nasaktan lamang akong muli n

