UNO Paikot ikot lang ako sa loob ng unit ko. Hindi ako mapakali, dahil sa mga nalaman ko kay Klient. Gusto ko sanang sunduin si Marie pero tumanggi siya. Nakipag kita ito sa kanyang lolo. Nagimbal ang kalooban ko nang malaman na balak itong ipakasal sa lalakeng ni hindi nito kakilala at hindi mahal. I'm the only perfect man for her... Atleast that's what I thought. Pero may pangambang unti unting nabubuo sa kaloob looban ko. Ano ba ang kaya kong e-offer para kay Arielle Marie, bukod sa malaking sandata ko? Wala na... Ni wala akong sariling negosyo. Mayroon akong shares sa ilang negosyo ng mga kaibigan ko pero sasapat ba yon? Matatapatan ba nun ang yaman na mayroon ang Lolo niya? Hindi ako tulad ni Kiel na kahit sampong kambal ang maging anak nito ay sigurado na hindi pa r

