Chapter 6 : Anger
"Ihinto mo nalang dito. Ako na maglalakad papasok sa loob." Lakas loob kong basag sa nakakabinging katahimikan.
Hindi ito umimik ngunit sinunod rin ang sinabi ko. He parked the car farther from our dormitory. Bumuntong hininga naman ako at akmang bubuksan ang pinto nang mapansin kong nakalock ito.
"Open the door, Amadeo." I commanded in a low tone. Lakas din ng apog kong makautos.
"You haven't eat your dinner." Aniya na hindi man lang ako nililingon.
I glanced at my wristwatch at doon ko napansin malapit nang mag-alas nuwebe. Muli na naman akong humugot ng malalim na hininga.
"May pagkain naman kami sa loob. Please, just unlock the door." Pakiusap ko dito gamit ang paos kong boses.
Bakit ba kasi ako napaos?
I heard a clicking sound. Mabilis ko namang binuksan ang pinto at inapak ang aking kanang paa sa simento. Before I could fully got out from the car I spoke.
"Thank you for fetching me, Amadeo." I slightly bowed my head before going out of the car.
Parang manika akong naglalakad palapit sa dorm namin. Sinasalubong ng hangin ang buhok ko dahilan upang tumakas ito sa pagkakaayos ko. I heaved a deep breath. I'll ponytail my hair tomorrow.
Nagtaka ako nang may nakita akong dalawang bulto ng lalaki na nasa gilid ng entrance ng aming dorm. Pawang nakatayo at tila ba may hinihintay.
I glance at my wrist watch and my forehead creased. Pasadong alas nuwebe na, ah? Hindi ba sila takot sa curfew?
"Ayan na pala siya, oh." Turo sa akin ng isang lalaki.
Nang tuluyan na akong makalapit dito, doon ko lang nakilala na sila Castro pala ito ang ang secretary niya. I don't know his name yet. At wala akong balak.
"Good evening, Mr. President." Magalang na bati ko at inaantok na yumuko ng bahagya. "Ano pong ginagawa niyo dito?"
Kanina ko pa nalaman na isang fourth year college na pala ang presidenteng ito. Pareho sila ni Amadeo. Business Management students at parehong nasa class A. Nagtaka pa ako kanina kung bakit nasa classroom siya ng mga 1st college civil engineering students. Sinagot naman ni Kaye ang tanong ko kanina habang nagsusulat ako. He said that the president was observing. Grabe talaga ang tabas ng dila ni Kaye.
Nakakapagtaka. Observing tapos may dalang libro? It's kinda weird though.
"Did you finished the punishment?" Taas kilay na tanong nito.
He's still wearing his eyeglasses, white shirt, and a jersy black short. May hawak itong cellphone sa kaliwang kamay.
I chuckled nonchalantly. "Did you came here to punish me for not being able to come home before nine?" I glanced at my wristwatch. "Pasadong alas nuwebe na. Huhulihin niyo ba ako?"
Nangunot ang noo ito. "Give me your hand." He ordered as he lend his right hand.
"Bakit?" Tanong ko ngunit pinakita rin ang kanan kong palad. Ayokong makita niya ang kaliwa kong kamay. Namamaga ang mga 'yon.
"The left." Nagsalubong ang kilay nito na tila ba hindi nagustuhan ang inasta ko.
Bumuntong hininga ako bago nilahad ang kaliwang kamay ko. He gently caressed my hand. Particularly, sa banda kung saan mas namamaga.
"Namamaga, pres." Puna ng lalaki sa likod. He looked at me and smiled. "Hi, I'm Pio Jimenez. Secretary ng supreme council."
Akala ko bakla. Lalaki pala. "Hi. Nice to meet you."
Hindi pa rin binitawan ni president Castro ang kamay ko. Nagtaka ako nang may nilagay siya sa nakabuklat kong mga palad.
"It's an ointment. Para hindi lumala ang pamamaga." Aniya.
Walang gana akong tumango at binawi ang aking kamay. "Aakyat na po ako sa taas, pres."
"Ay, nga pala." The man named Pio interjected. "Ito, oh. Binili namin sa food court kanina. Akala kasi namin nasa school ka pa. Kaye just texted that you're already on your way here. Sana tanggapin mo." He offered a lunch box.
Ngumiti ako at mahinang umiling. "'Wag na. Salamat nalang. I'm sure may pagkain naman sa taas. Pasensiya na sa abala."
"Angel?" Napalingon ako sa pinto nang may tumawag sa pangalan ko. "Oh gosh. Andito ka na!"
Napangiti ako nang dambahan ako ng yakap ni Criza. "I thought nahuli ka nila."
Nang humiwalay ito sa akin, pahilim kong tinago sa aking likod ang namamaga kong kamay at ngumiti.
"Sino ba 'tong kausap-- ay hala! Good evening, Mr. President." Magalang na pagbati ni Criza. "At sa'yo rin." She said, referring to the guy beside president Castro.
"Good evening," sagot naman ni president.
"Kayo po ba ang naghatid kay Angel?" Ani ni Criza.
Tumingin sa deriksyon ko ang presidente. Mariin naman akong pumikit at mahinang umiling.
Sana naman sabihin niyang--
"Yes. I fetch her." He sternly replied.
And yeah. I owe him one. Ayokong magkaroon kami ng misunderstanding ni Criza dahil lang sa sinundo ako ng boyfriend niya na hindi naman niya inutusan.
"Naku! Maraming salamat, pres." Her eyes dropped on what Pio's holding. "Ano 'yan?"
"Uhm," kinamot ni Pio ang likod ng kanyang tenga. Nahihiya yata sa presensiya ni Criza. "Pagkain. Para sana kay Angel."
"Oh?" Tumingin sa'kin si Angel. "Para daw sa'yo. Ba't ayaw mong kunin?"
I smiled. "May pagkain naman siguro sa itaas--"
"Kaya nga nag-aalala ako dahil wala ka pang kain tas hindi tayo nakapag-grocery. Walang ulam fridge natin."
Napakamot ako sa akin batok. Ba't hindi nalang siya sumabay. Halata namang ayaw kong tanggapin ang pagkain, e.
"Tanggapin mo na kasi." Siniko pa ako ni Criza dahilan upang muntikan na akong mabuwal.
Ano ba naman 'yan. Wala na ngang lakas ang tuhod ko, sisikuhin pa ako.
"Are you okay?" Maagap akong dinaluhan ng presidente.
"You should take a rest, Eleazar." He added.
Tumango ako at tumayo ang tuwid. "Yes, po."
"Take this." Siya na ngayon ang nag-abot sa lunch box.
"P-pero.."
"This will be your punishment for walking around after nine."
______
"Pwede akong makiupo?"
Napaangat ang tingin ko sa lalaking may hawak na tray sa gilid ko. "Oh, sure." Iminuwestra ko ang upuan sa harap ko.
I am having a lunch alone. The other girls including my cousin we're on their classrooms. Alas dos na ng hapon at ngayon pa lang ako kumain.
Paiba-iba kasi ang schedule namin araw-araw. Mamayang 4pm to 5pm pa ang last subject ko. Kaya tumambay ako dito sa cafeteria.
Hindi pa kami nagkita ni Clyde dahil eight ang pasok ko kanina samantalang seven sa kanya. Pinapasok naman ako ng guwardiya nang ipakita ko ang schedule ko. Sabihan ako ni Salvador kagabi.
"Kamusta kamay mo, girl?" He asked as he sliced his steak.
Nagkibit balikat ako. "Medyo nawala na ang pamamaga dahil na ointment na bigay ni pres kagabi."
Natigil ito sa paghiwa at gulat akong tinignan. "Pinuntahan ka ni pres kagabi?"
"Yeah," I nodded my head. "Nag-abang sila ni Pio sa labas ng gate ng dorm namin. May dala pang lunch box."
"Wow!" Namamangha nitong sambit. "Never kong naisip na may ganung side pala si pres."
Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"
Luminga-linga ito sa paligid at napagtantong marami pang tao. "We already violated the fifth rule yesterday. Magchika tayo mamayang gabi."
Mahina akong natawa at nginuya ang kinakain ko. "Parang kahapon lang tinatarayan mo ako."
And now, he rolled his eyes on me. "Akala ko kasi attitude ka. Bihira ka lang sumagot sa mga kwento ko kahapon kaya tinarayan kita."
"Attitude?" Tumaas ang kilay ko. "Hindi ako mataray, baliw. Nakakatamad lang magsalita."
"Wow again!" He put down his fork and knife and slowly clapped his hands, enough para kaming dalawa lang ang makarinig. "Kahit pagsasalita, tinatamad ka pa."
Hindi nalang ako sumagot dito at nagkibit balikat. Nagring naman ang phone nito na mabilis niyang sinagot.
"Hello, pres?" Magalang nitong bati. Of course, that's the president. "I'm with her." He glanced at me. "Yes. Affirmative."
Binaba nito ang cellphone at pinasok sa bulsa ng slacks nito. "The president wants to see you."
Nangunot ang noo ko at tumigil sa pagsubo. "Bakit daw?"
He shrugged and stood up. "I'll be right back."
Dala ang tray, umalis ito sa mesa. Binaba ko ang aking kutsara at kinuha ang phone kong nasa bulsa ng blazer na suot ko.
I opened my WLAN and it was immediately connected to the school's wifi.
Sunod-sunod na notifications ang nagpop sa notification panel ko. Lahat ay galing sa nag-iisang app.
Instagram.
Nagtatakang binuksan ko ang app na'to at pumunta sa profile. Halos manlumo ako nang makita ang biglang pagdami ng followers ko. Seven hundred pa 'to last day, ah? Bakit biglang nag 50K?
Karamihan sa magfollow sa'kin, mga galing AU. 'Yung iba, mga babae naman sa former school ko. Pero mas nagulat ako sa isang pangalan na nagfollow sa'kin.
ShaunAmadeo034 followed you.
What?!
At mas lalo ako nanlumo sa mga posts na nakatag sa'kin.
Jameziiplayz; Hoping to get noticed @itsmeAngel74
Cristoff09; @itsmeAngel74 sana makilala kita sa personal.
At marami pang iba.
"Anyare? Halos magdugtong na kilay mo, ah." Bumalik si Kaye sa mesang inuupuan ko at prenteng umupo pabalik sa pwesto niya kanina.
"Nothing." I was about to put back my phone on my pocket when he stopped me.
"Pahingi number. Chika tayo mamaya. Masyado kang famous sa IG. Baka hindi mo manotice ang chats ko."
Hindi nalang ako sumagot at binigay sa kanya ang number ko. He also saved his number to my phone para makilala ko daw kaagad kung sino ang tumatawag.
"Nga pala, tara sa supreme office. Nais ka kausapin ni pres."
"Bakit daw?"
Nagkibit-balikat ito. "Ewan."
____
Hanggang dito nalang ako, Eleazar. importante ang sasabihin sa'yo ni president." Nakangiting wika ni Kaye.
Napangiwi ako at medyo nanibago sa paraan ang pagtawag niya sa'kin. "Just call me Gel."
"Gel? Titan gel?" He kid.
I chuckled. "Siraulo. Papasok na ako."
He nodded his head at maarteng tumingin sa kanyang orasan. Hindi ko nalang ito pinansin at kumatok sa pinto bago ito binuksan.
Sinalubong ako ng magkahalong halimuyak ng panlalaking pabango at amoy ng mga libro. Ang bango sa ilong.
"You're late." Dumapo ang paningin ko sa lalaking prenteng nakaupo sa swivel chair nito at may hawak na papel.
"Good afternoon, president Castro. Pinatawag niyo daw po ako." Sinarado ko ang pinto at naglakad palapit sa mesa nito.
"Take a sit." He gestured the visitor's chair infront of his table.
Tahimik naman akong tumango at umupo. Siguro kung hindi magulo nag takbo ng utak ko, kakabahan ako sa kung ano man ang sasabihin ng presidenteng 'to.
"Aren't you going to file a blotter against the person who harassed you on the comfort room that night when we first met each other?" Walang gatal nitong lintiya.
Nanlaki ang mata ko at nakaawang ang bibig na napaangat ng tingin sa kanya. "P-po?"
"Clyde Sanchez went here this morning to file a blotter. Hindi namin pwede iapila ang blotter na'yun kapag hindi ikaw mismo ang magsumite." He intertwined his both hands together.
Umiwas ako ng tingin. "I can't file a blotter against a person whom I don't even know. Hindi ko kilala nag lalaking 'yun."
"Ano bang ginawa niya sa'yo?" Kita ko ang pagdilim ng mga mata nito.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Hayaan niyo na 'yun, mr. President. It's my privacy to keep."
Ramdam ko ang pagkagulat nito sa likod ng blankong tingin. "You really are something, Ms. Eleazar."
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi nito. "'Yun lang po ba ang sadya niyo sa'kin? Hindi po ako magpafile ng blotter."
Mariin pa ako nitong tinitigan bago tumango. "Dismiss."
Tipid na ngiti ang pinakita ko sa kanya bago ako tumayo. "I'll get going, president. Thank you for your time."
Hindi ito sumagot kaya tumalikod na ako at naglakad patungong pinto. Akmang pipihitin ko na sana ang door knob nang muli itong nagsalita.
"Stay away from Shaun Amadeo, Eleazar."
Gulat man, nilingon ko ito na hindi pinapahalata ang tunay na nararamdaman ko. "What do you mean?"
"He is your cousin's boyfriend. Alam kong hinatid ka niya kagabi." His eyes were telling me I did something terrible.
Nakagat ko ang aking ibabang labi at nagsalita. "Hindi niyo po ba sinusunod ang panglimang batas? That is my business. Not yours." Tinalikuran ko na ito at mabilis pa sa alas kuwatrong lumabas ng pinto.
Habang naglalakad sa hallway pabalik ng cafeteria, unti-unting nagsink-in sa utak ko ang sinabi niya.
Slowly, my heart starts to feel a pang of pain. Thinking about my cousin. Alam ko namang walang mali sa nangyari kagabi.
But for heaven's sake! He intertwined our fingers and even threatened me that if I won't stop biting my lips, he'll kiss me. At hindi 'yun katanggap-tanggap.
"Oh God. What have I done?" I whispered as I saw Amadeo walking towards my direction with his green eyes filled with.. anger