Chapter 5

2371 Words
Chapter 5 : Stop or regret "Punyemas, nangangalay na kamay ko." Mahinang reklamo ko habang nagsusulat.  I will not sleep during class hours again. Ano ako nito? Grade school? Kinder? Twenty pages na ng yellow paper ang naisulat ko. Partida, nakaback to back pa. Kanina pa akong five pm dito sa loob ng school guidance at pasadong alas otso na.  10 pages more.  "Next time kasi, 'wag ka matulog habang nagkaklase. Kababaeng tao, asal lalaki." Inirapan ako ng kanilang PIO. Siya ang nagsundo sa akin sa classroom para masigurong hindi ako makakatakas. Kahit naman siguro tumakas ako, pupuntahan pa rin nila ako sa dorm. O 'di kaya, dagdagan ang punishments ko bukas.  "Hindi mo talaga mapipigilan ang antok." Inirapan ko rin ito pabalik at muling nagsulat.  Gwapo sana, mataray lang.  "Mapipigilan ang antok kapag si pres ang makakatabi mo. Lalong-lalo na si Shaun. Gosh, kinikilig fefe ko." He dreamingly said.  I chuckled. "Tanga. Wala kang fefe."  Kahit hindi ko ito linungin, ramdam ko ang pagtalim ng tingin nito sa'kin. "Panira ka ng pangarap, e."  I didn't mind him and glanced over my wristwatch. "Pasado alas otso na. Nagugutom na ako. Sigurado ka bang thirty pages ang gagawin ko? Aabutan ako ng alas dyes nito."  Nagkibit balikat ang PIO. "Tulog ka ulit sa classroom. Buti nga handwritten lang pinagawa ni pres. Mas malala 'pag pinaglinis ka ng oval. Sa lawak nun? Baka bukas ka na matatapos."  "Okay lang kahit abutan ng curfew?" Kunot-noong sambit ko. "Nope," he answered. "Dapat before nine tapos ka na sa punishments mo. Kapag lumampas ka, another punishment na naman." "Grabe," wala sa sarili kong sambit. "Napakastrikto naman dito."  He nodded his head. Hindi ko siya kilala. He just stayed here while waiting for me to finish writing. Naglalaro siya sa cellphone niya kanina. Siguro nabored kakalaro, kaya't ayan, kinakausap s***h tinatarayan ako.  "Akin na nga 'yan. Naaawa ako sa'yo, girl." Nilapitan ako nito at kinuha ang benteng piraso ng papel sa mesa at sinipat ito. "Infairness, I like your own font."  Napairap ako at nagpatuloy sa pagsusulat. My hands are trembling. Siguro dahil sa gutom at ngalay. Nakakainis. First day na first day, first punishment. Ang ganda yata ng unang araw ko. Nagpaalam na ako kay Criza kanina na matatagalan ako. I just said it was because of an unfinished task. Hindi ko na hinintay ang sagot nito. Mamaya nalang kami mag-uusap. Sana naman nakakain na sila.  "What's your name again?" Maarteng tanong ng PIO. Ugh, bakla.  "Angel," sagot ko na hindi man lang siya tinatapunan ng tingin. "Ikaw?"  "Gosh! Hindi ka ba dumaan sa orientation ng dean bago makapasok?" His eyes were open wide as if he just discovered a very stupid thing.  Nangunot ang noo ko. "Na-orient kami. Pero hindi kayo pinakilala."  Umirap ito at maarteng pinapaypayan ang sarili. "Oh gosh!" He extended his hands. "I'm Kenth Ford." Inabot ko ito gamit ang kanan kong kamay. Kaliwete ako, e. Kaliwa ang ginagamit sa pagsusulat.  We shook hands at nauna itong bumitaw. Napakaarte talaga. Gwapo sana. Maarte lang.  "Umuwi ka na. Baka maabutan ka pa ng curfew. Magroronda na ang council mamaya. Malapit na mag nine." He glanced at his wristwatch. "Eight-fifteen. Now, move. Bumili ka nalang ng pagkain sa foodcourt ta's sa dorm mo nalang kainin. Bilisan mo na!"  Sinubukan kong tumayo sa kabila ng panginginig ng aking tuhod. Muntikan pa akong mabuwal kung hindi lang ako mabilis na dinaluhan ni Ford.  "Okay ka lang? Namumutla labi mo. Pink pa 'yan kanina." Puna nito sa'kin.  Lumunok muna ako bago tumango. "Gutom lang siguro 'to."  Hindi na ito sumagot pa at inalalayan ako hanggang makalabas ng pinto. Ramdam ko naman ang sunod-sunod na pag-ugong ng cellphone ko sa suot kong blazer.  "Someone's calling.." Mahinang sambit ni Ford habang hawak ang kanang braso ko.  "Don't mind it." I replied silently.  Tahimik na ang hallway nang tuluyang kaming makalabas ng guidance office. Madilim na rin ang paligid. May iilang ilaw sa hallway na nagbibigay liwanag sa aming daraanan. "Nanginginig pa ang kamay mo. Jusko, girl. Malayo-layo pa ang dorm dito. Maglalakad ka pa. Wala bang susundo sa'yo?" Kung kanina mataray ang boses nito, ngayon ay may bahid na ito ng pag-aalala. "Hindi pa naman nangkokonsidera si pres. Bilisan natin sa paglakad."  Naisip ko si Clyde. Gusto ko siyang tawagan ngunit baka makaistorbo lang ako sakanya. Malapit nang mag alas nuwebe.  Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makalabas kami ng building. Nahagip ng paningin ko ang napakalawak na oval. Naalala ko ang sinabi ni Ford kanina. Paano kaya kapag ang parusa ay paglilinisin ako ng oval? Sa bahay nga halos ayaw akong pagalawin ni Kuya Damen. Tapos dito ini-easy-easy lang ako. "Sigurado ka bang--" naputol ang ano mang sasabihin ni Ford nang muling nag ring ang cellphone ko. "Answer it. Baka nag-aalala na sa'yo mga kaibigan mo."  I heaved a deep breath before picking up my phone from my pocket. Humangin naman ng malakas at bahagyang bumuka ang palda ko, same with my hair; sumasama sa pag-alpas ng hangin.  "Hello, Criz?" I greeted in a low tone. "Hello? Thank goodness you answered the phone!" May bahid ng tuwa ang boses nito. "Nasaan ka na ba? Ano bang task 'yan? Tutulungan ka nalang naming tapusin 'yan. Umuwi ka na. Alas otso y medya na. Baka maabutan ka ng mga supreme students. Kumain ka na ba?"  Mahina akong natawa habang patuloy na naglalakad at inaaalalayan ni Ford. "Pauwi na ako. Hindi ko pa nga natapos ang task namin. Pinadala ko nalang sa partner ko. Siya na daw tatapos. And to answer your question, hindi pa ako kumain."  "Ano?! Alas otso na, Angel. Bilisan mo. Gusto mo bang ipasundo ka namin kay Clyde?" Takte, ang bilis magsalita ng babaeng 'to.  "No need. Malapit na ako. Huwag na kayong lumabas. Pauwi na ako." Hindi ko na hinintay ang sagot nito at binabaan siya ng tawag.  "Grabe naman mag-alala kaibigan mo, girl. Kung maka-rap parang walang bukas." Naiiling na sambit ni Ford.  I chuckled. "T'was my cousin. Ganun lang talaga mag-alala ang babaeng 'yun."  "Pinsan? Alin dun?" Chismoso din pala 'tong baklitang 'to, no?  "Tourism student." Tanging sagot ko.  "'Yung pretty? Eleazar 'ata surname? Ain't so sure." Maarteng bulaslas nito.  "Yeah." I heaved a deep breath nang makarating kami sa entrance. Mahina kong binawi ang aking braso na hawak niya. "Hanggang dito nalang ako, Ford. Salamat sa paghatid."  Umirap ito at pinaglandas ang braso sa kanyang dibdib. "Next time kasi, don't sleep. Napakaantukin mo masyado."  "Noted, Ford." Natatawa kong sagot.  He suddenly cringe. "Stop calling me Ford. Just call me Kaye." "Kaye?" Nangunot ang noo ko.  Umirap itong muli. "Basta. Just Kaye, okay?" Tumango ako. "Just Kaye okay." Natawa ako nang muli na naman itong sumimangot. Ngunit kalaunan ay lumaki ang mga mata nito habang nakatingin sa likuran ko.  "Bakit?" I asked. Si Castro ba 'yan? Parang ayokong lumingon.  "S-shaun.." Tulalang naibulaslas ni Kaye.  Huh? Ano daw? "Ano?" Lumingon ako at muntik ko nang mahugot ang hininga nang makitang walang emosyon itong naglalakad patungo sa pwesto namin.  May mga kalalakihan din nakasunod dito. Pawang may mga piercing, ngunit bumagay naman ito sa kanila.  "S-shaun. Sasama ka sa pagroronda tonight?" Ani ni Kaye nang makabawi.  "No." He replied, looking at me sternly. "Let's go." Hinawakan nito ang braso ko.  And again, muntik na akong mabuwal dahil sa walang lakas ng tuhod ko. Ganito pala ang feeling malipasan ng gutom.  "Oh gosh! Shaun mag-ingat ka naman." Mahinang saway ni Kaye at nilapitan ako.  Ramdam ko naman na naalarma ang mga kasamahan ni Amadeo.. Yes, Amadeo. I just realized, we're not that close for name basis. "It's okay, Kaye. Kami na ang bahala sa kanya." Ngumiti ang lalaking may piercing sa gilid ng kanyang ilong at may kulay blondeng buhok. Mahahalata mong may lahing amerikano o briton.  Ramdam ko naman ang paghawak ni Amadeo sa baywang ko na ikinaigtad ko sa gulat.  "Relax. I won't hurt you." Mahinang bulong nito, sapat na para marinig ko.  "Okay." I heard Kaye replied. "Shaun, wala pang kain si Angel." Mahinang sambit nito.  I heard Amadeo hissed. "Ano bang ginawa niyo?" Ilang words 'yun? Apat?  "Punishment." Tanging sagot ni Kaye. Ramdam ko rin ang bahagyang pagnginig ng boses nito, is he also intimidated with this person's presence?  "A-anong ginagawa mo dito?" Paos at nagtataka kong tanong.  He looked down at me using his very cold stare. "Criza asked me to fetch you."  Tumango ako at bumuntong hininga pa. I look behind him and saw his circles listening to our conversation.  Nang mapansin ako nung isa, may halong pula ang buhok nito at may dalawang peircing sa kanang tenga. Kumaway ito sa akin na may ngiti sa kanyang mga labi. "Hello."  Sinuklian ko ang ngiti nito. "Hey."  Napasinghap ako nang pangkuin ako ni Amadeo na wala man lang pasabi. "Let's go. Malapit na mag 9."  Wala sa sarili akong napayakap sa kanyang leeg dahil sa biglaang paggalaw nito. "Put me down." "You can't walk." Pinal na sambit nito at naglakad patungo sa isang hindi pamilyar na sasakyan.  Nainis ako sa inakto nito. "You can't just carry a woman without her consent." I hissed.  Hindi ito umimik at may initusan para buksan ang pinto sa passenger's seat. Walang salita niya akong ideniposito doon. His moves was rough, yet gentle. Nilapag niya ako sa upuan na parang isang mamahaling bagay na ayaw niyang mabasag.  Sinarado nito ang pinto at may kinausap na lalaki sa labas, isa sa mga kasama nitong dumating kanina. Habang busy pa siya sa pakikipag-usap, hinugot ko ang cellphone kong nasa bulsa ng aking blazer at binuksan ito.  157 missed calls from Clyde. Wow. Unlimited load.  I looked for Criza's message and found it immediately. From Criza;  I thought pauwi ka na? 30 minutes nalang 9pm na. Nasaan ka na ba?  And it was sent 4 minutes ago.  Ngumiti ako at nagtipa ng aking irereply.  To Criza;  I'm coming home. Bakit mo pa kasi ako pinasundo sa jowa mong masungit?  I looked outside of the car and saw Amadeo walking towards the car's direction and entered the car.  Pinaandar nito ang makina.  Napakagat ako sa aking sariling labi nang maramdaman kong parang lumiit ang loob ng sasakyan sa presensiya niya. He's so intimidating! Ewan ko ba pero natatakot akong magsalita.  Tumikhim ito kasabay ng pagtunog ng cellphone ko. "What violation did you commit?" He asked.  Uhh, is he initiating a conversation? "I sleep during class period."  Tumango ito at hindi na nagsalita pa. Muli akong nagbaba ng tingin sa cellphone ko at binasa ang message ni Criza.  From Criza;  Pinasundo? Hindi na kami nagkausap after niya kaming ihatid dito sa dorm.  Nangunot ang noo ko sa nabasa at nag-angat ng tingin kay Amadeo na kasalukuyang inikot ang manibela at pinausad ang sasakyan.  Tumikhim muna ako bago ko in-off ang aking cellphone. Balak ko sanang tanungin si Amadeo kung nagsasabi ba ito ng totoo o hindi. Ngunit natatakot akong magsalita. "Speak. Wanna say something?" He said, I know he's trying to make his voice sounds casual. Ngunit ayaw yatang makisama ng boses niya. Malamig, e.  "T-totoo bang--" naputol ang sasabihin ko nang magring ang cellphone ko.  It was Clyde.  "Hello?" Mahinang sambit ko at tumingin sa labas ng bintana.  "Hello? Nasaan ka ba? Anong klaseng task ba 'yan? Sa dorm mo na gawin. I'm worried, dmn it!" Ramdam ko ang frustration sa tinig nito.  I chuckled and licked my lower lips. Ramdam ko kasing parang nagdry na siya, e. "Pauwi na ako. Someone fetched me from school. No need to worry, Clyde."  "Who's someone?"  I glanced towards the driver's direction before answering Clyde. "Just someone. Bukas nalang tayo mag-usap."  I heard him sigh. "Sige. Mag-ingat ka. I love you."  Napangiti ako sa sinabi niya. "Of course. I love you too."  Binabaan ko ito ng tawag at muling bumaling sa nagmamaneho. Lumukob sa sistema ko ang kaba habang pinapanood kung paano magtagis ang bagang niya habang nakatitig sa kalsada.  "Who's that?" Mas malamig pa sa yelong sambit nito. Lihim akong lumunok bago ako sumagot. "A friend--" "Friend and saying I love you? Don't fool me." Ramdam kong bumilis ang pagtakbo ng sasakyan na mas ikinakaba ko.  "K-kaibigan ko naman talaga si Clyde. Bakit?" Tumingin ako sa kalsada sa unahan. "Please, slow down."  Ramdam ko naman ang muling pagbagal ng takbo ng sasakyan na ikinahinga ko ng maluwag.  "Don't come near the other boys." Aniya na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Ngunit ang tingin nito ay parang galit habang nakatitig sa kalsada.  "Why?" I whispered. Natatakot ako sa kanya.  Nilingon ako nito at napansin ang takot na rumihistro sa mukha ko. I saw him took a deep breath and held my trembling and cold hand on my lap. Now, his left hands is holding the steering wheel while his right hand is busy gripping my hands na ikinagulat ko.  "Did I scare you?" Tanong nito sa malamyos na boses na mas lalong ikinagulat ko.  Is he like this whenever he is alone with my cousin? Okay, it can't be answered anyway. "N-no." Bwesit. Bakit kailangan ko pang mautal.  Mas lalo pa akong nagulat nang paglingkisin nito ang kamay naming dalawa. The heck?! He just intertwined our fingers for fvcks sake!  "What are you doing?"  He tightened the hold of my hand. "Stop talking. This is the only way to relax myself."  Ano daw? "H-hindi ako si Criza."  He look at me before letting go of my hands. "Alam ko. Alam na alam ko." Hindi na ako nagsalita pa at mas piniling tumingin sa labas ng bintana. Ang tagal naman. Parang mas gusto kong pabilisan ang takbo ng sasakyan. Tahimik lang ako sa byahe. Paminsan-minsang sinusulyapan ang lalaking nagmamaneho na panay ang pag-iigting ng panga na tila ba'y galit habang nakatitig sa kalsada.  Bakit ba naman kasi ang layo ng dorm sa paaralan. At bakit na naman ako pumayag na magpahatid sa damuhong ito.  Because he said he was ordered by your cousin. Sabi ng isang munting tinig sa loob ng ulo ko.  Nakagat ko ang aking ibabang labi. Yeah, right. At isa pa, pinangko niya ako kaya hindi na ako nakaangal. Dagdag pang ayokong madagdagan muli ang parusa ko kapag nahuli akong naglalakad sa kalsada.  "Stop biting your lips," inis na sambit ng katabi ko. "Or else you'll regret it." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD