Chapter 4

2483 Words
Chapter 4: Fell asleep Muli akong naghugot ng malalim na hininga habang tinitignan ang sarili sa vanity mirror ko dito sa loob ng kwarto.  Walang kaibahan ang uniporme ko dito at sa school ko dati. I'm wearing a dark blue skirt na ang haba ay hanggang kalahati lang ng aking hita kung kaya't kinakailangan ko pang magsuot ng cycling sa loob. Sa upper ko naman, isang dark blue na long sleeve blazer at merong logo ng AU sa kaliwang parte ng dibdib ko. It was paired with a white longsleeves inside and a dark blue neck tie. Dapat slacks ang uniporme namin dahil engineering ang kurso ko. Pero mas pinili yata ni ate Sunshine ang type A na uniporme.  It's still six in the morning, ngunit nakahanda na kami sa pag-alis papuntang school. May kalayuan ang school at ang dorms kaya kinakailangan naming maagang pumunta doon.  Someone knocked on my door. "Gel, let's go. Sa cafeteria nalang tayo kumain." I heard Criza's voice.  "Mauna ka ng bumaba. Susunod ako." I said.  "Okay."  I heard footsteps walking away from my door. Muli na naman akong humugot ng malalim na hininga. Hindi ako nakatulog ng mahimbing kagabi sa kakaisip kung sino ang lalaking nangahas na manghawak ng pang-upo ko. Mom always lectured me not to take a bath kapag puyat ako. But look, after taking a bath, I just blow dried my hair and comb it. Yes. Nagsuklay po ako ng buhok. Hindi na rin ako nag-abala pang itali ito. My hair fits my uniform. Looks like I'm a student from other country, eh?  Pinulot ko ang backpack ko sa kama at ang cellphone. I inserted the phone on my blazer's pocket before walking out of the room.  "Bumaba na ang anghel." Rinig kong sambit ni Alonzo habang busy sa pagpapahid ng powder sa mukha.  I didn't heed her much attention and just look for Criza. "San si Cri--" "Lumabas na nga kayo. Kanina pa kayo sa loob!" Oh, I know that voice.  Nagkatinginan kaming apat at ako na ang naunang lumabas ng dorm. I saw Criza outside, forehead creased and her hands we're on her waist.  "Tara na. I'm hungry!" Sumimangot ito.  Hindi na ako nag-abala pang sumagot at tuluyan nang lumabas ng dorm. Ramdam ko ang pagsunod nila Alonzo sa likod ko.  "You look pretty on your uniform." Nakangiting puna ni Criza at mabilis na umikot ang braso niya sa akin.  Parehas lang naman kami ng suot. Ang kaibahan lang ay ang kulay ng medyas niya. It's also dark blue while mine is pure white. Si Laurente naman, nakapencil skirt at katulad ng samin sa upper, ang blazer nito ay may tatak AU. Habang binabaybay ang kalsada patungong university, nagtaka ako nang may sasakyang huminto sa gilid namin. We stop walking and waits for the window of the car to fall down.  "Oh my.." Ramdam ko ang pagpisil ni Criza sa braso habang nakatingin sa driver's seat.  "Hop on." Walang emosyong ani niya. It was Shaun. Ramdam ko ang mahinang paghila ni Criza braso ko. Tinignan ko ito at nakitang nakapout ito habang nginunguso ang sasakyan. I took a deep breath. Kinalas ko ang kamay niya sa braso ko at nilingon si Laurente at Alonzo sa likod namin.  "Go on, Criz. Hintayin niyo nalang kami sa entrance." I smiled. Alam ko namang nangangati na 'tong makasama boyfriend niya. "What about you?" Ani ni Criza at muling hinawakan ang braso ko.  "Come on, Criza. Sasakay ka ba sa sasakyan ng jowa mo o maglalakad tayo?" Tinaasan ko ito ng kilay.  Kinamot niya ang kanyang batok at binalingan ang boyfriend niyang nababagot na. "P-pwede ko bang isama si Angel sa loob?" "Yea." He glanced at his wristwatch.  "Go on." Kinaladkad ko si Criza papunta sa gilid ng passenger's seat at binuksan ito. "Pasok."  Sinimangutan ako nito bago pumasok. I also signaled the two girls, Alonzo and Laurente. "Kayo na sumakay. I'll take a walk."  "Angel," binaba ni Criza ang windshield. "Tara na."  Inirapan ko ito , sakto rin namang paglapit ni Alonzo at Laurente sa pwesto ko.  "Pasok na kayo. Maglalakad na kami ni Salvador. Bantayan niyo si Criza sa loob."  I didn't wait for them to respond and just turned my back and walked. Ramdam ko naman ang pagsunod ni Salvador sa akin hanggang sa magkatabi na kami nito.  "Criza is so lucky having a cousin like you." Nakangiting sambit nito habang may yakap na libro ng calculus.  Oh sht, I forgot my book. "Why?"  "You cared for her so much. Nararamdaman kong ayaw mo sa boyfriend niya, but you choose to not to mind your hatred towards that man because he is your cousin's boyfriend."  Nang dumaan ang sasakyan ni Shaun sa gilid namin, bumisina ito at nagpatuloy sa pagtakbo.  The wind caused by the car blew some strands of my hair. "Fvck." I murmured.  "Nga pala," ani ni Salvador na ikinalingon ko sa kanyan. "Ang ganda mo pala. Mas maganda ka pa kay queen."  Inirapan ko ito at inayos ang buhok kong ginulo ng hangin. "I'm not beautiful. Stop those flowery words. Naiinis ako."  "Sorry," mahina itong natawa at tumingin sa unahan. "Hindi ko lang talaga maiwasan iappreciate ang mga bagay na nakikita ko."  Hindi na ako sumagot pa at naramdaman kong may umakbay sa akin.  "Hey, girls." Ngiting bungad sa amin ni Clyde.  Kita kong namula si Salvador at napayuko. "Hello."  I can't hide my chuckle. So adorable. "What's your name again?" I asked.  Nag-angat ito ng tingin sa akin na para bang gulat sa itinanong ko. "Hindi mo pa alam ang pangalan ko?" I shrugged. "I only remember your surnames. Not names."  Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Clyde na nakaakbay sa tabi ko. "Pagpasensiyahan mo na si Angel, miss. She's not good at memorizing names."  "Ahh," tumango si Salvador at ngumiti. "I'm Stracy Salvador." "Stracy." Binigkas ko muli ang pangalan niya bago ngumiti. "Stracy. This is my bestfriend, Clyde."  "Hey, Stracy." He waved his hands. Nasa kanan ko si Clyde habang nasa kaliwa ko naman si Stracy. "Anong kurso mo?"  "Engineering din." Ngiting sagot ni Stracy ngunit ang kanyang mukha ay namumula.  "Section?" Clyde asked again.  "Teka lang," hinugot nito ang phone sa bulsa ng kanyang blazer. "Section B ako. Kayo ba? Anong kurso mo?"  "Engineering rin ako at section B. Ikaw, Gel? Section mo?" Clyde said.  I shrugged. "Section A."  Ramdam ko ang pagtango ni Clyde. "Hiwalay ka pala sa'min."  I just nodded my head. Namataan ko na ang entrance ng school kaya mas binilisan ko ang paghakbang.  Clyde again, encircled his left hand on my waist. His behavior. Kung may girlfriend siguro ang hinayupak na 'to, baka kanina pa ako sinabunutan.  Kita ko rin si Shaun na prenteng nakasandal sa kanyang sasakyan habang pinagmamasdan kaming naglalakad. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang maramdaman kong kinikiliti ni Clyde ang tagiliran ko.  "What the f--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang kilitiin ako nito ulit.  Wala sa sarili akong natawa habang hinuhuli ang kamay niyang nagpupumilit mangiliti sa tagiliran ko.  "Stop it, Clyde! Hindi ka na nakakatuwa!"  He didn't heed me any attention. Nagpatuloy lang ito sa pagngingiliti sa'kin at rinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Stracy sa tabi ko. "Pot*ng ina mo talaga!" Bulyaw ko dito at kinurot ang tagiliran niya. Namilipit ito sa sakit kaya kinuha ko ang pagkakataong 'yun para tumakbo. Alam kong mas malalang pangingiliti ang kapalit ng kurot na 'yun.  "Criza!" Tuminis ang boses ko habang tumatakbo.  "Run, Angel." Humalakhak si Criza habang pinapanood si Clyde na sinusundan ako.  Nang malapit na talaga ako sa direksyon ni Criza, nilingon ko si Clyde na hinahabol ako.  At dahil hindi ako nakatingin sa harap, bumangga ako sa isang matigas na bagay. I almost fall back if it's not because of an arm encircled around me to prevent me from falling.  Napapikit naman ako at napakapit sa matipunong braso na nakapalibot sa baywang ko.  "Fvck.." I heard a baritone voice murmured.  Napadilat ako sa aking mga mata, only to see it was Shaun who's holding my waist. And his face... were only an inch from mine. Nakabend ito na sa tingin ko ay para mapigilan ang pagkahulog ko sa lapag.  "Angel!"  Clyde's voice woke me up. Mabilis kong tinulak palayo si Shaun at hinila pababa ang nakalislis kong palda.  "Are you okay?" Nilapitan ako ni Criza at hinawakan ang braso ko. She then combed my hair. "I'm fine." Hinihingal kong sagot at nilingon si Clyde bago sinamaan ng tingin.  "Woah, woah!" He raised his both hands as if he's surrendering to the police. "Sorry na." Nang tuluyan itong makalapit ay niyakap ako nito habang tumatawa. Muli ko na naman itong kinurot sa tagiliran at hindi sinagot ang yakap niya.  "Tsk." Nakarinig kami ng tikhim mula sa isang napakasungit na nilalang buong mundo. "Let's go."  Naiilang na ngumiti sa amin si Criza at bumuntong hininga. "Tara na."  "Everyone, please be seated." Kalmadong utos ng propesor sa mga estudyante niyang nagtatawanan.  They all took their seats and eyed me from head to toe. Nilibot ko ang aking paningin at dumapo ito sa isang napakapamilyar na lalaki na nakasalubong ko kagabi.  "I'm here with your new classmate. Please be good to her." Binalingan ako ng prof at nginitian. "Please introduce yourself."  Tumikhim ako sa kakaibang tingin na pinupukol ng guro. He's handsome though, not my type.  "I'm Angel Eleazar. 18." That's all. Nakakatamad ng magsalita.  "I guess that's it." Natatawang sambit ng propesor na sinundan ng tawa ng lahat. "Please take your seat beside Mr. Castro."  Iminuwestra niya ang bakanteng upuan katabi ng lalaki kagabi. The said Mr. President.  Walang imik naman akong naglakad palapit dito. Hindi maiwasan ang mga call calling ngunit hindi ko nalang ito pinansin.  Umugong ang bell, senyales na alas siete y medya na. Time for class. Agad na tumayo ang katabi ko.  "Please excuse me, Mr. Fernandez. May kakausapin lang ako." Magalang na sambit ng katabi ko.  "Are you going to roam around the school?" The professor asks as he pick the chalk on his table.  "No. May ibang magroronda sa school." Kaswal na sagot nito.  Tumango ang propesor at tinuro ang pinto. "You may go out."  The supreme president nodded his head and look at me. "Stay here," he whispered. Enough for me to hear.  Nagtataka ko itong tinignan. Ano daw? Alangan naman maglakwatsa ako di'ba? Of course I'll stay here.  Hindi na ito nagsalita pa at naglakad na palabas ng silid. Tahimik naman ang buong klase. Should I thank the dean for placing me into this behave section? Maybe I'll do that later.  Tumikhim ang propesor. "Get your books. Open on page--"  Napasimangot ako nang mapagtantong hindi ko nga pala nadala ang libro ko. Akala ko rin kasi kaklase ko si Stracy. Nakalimutan kong section B pala siya. Nasa kabilang room.  "Ms. Eleazar, where's your book?" Pagtatanong ng propesor.  Kinamot ko ang aking batok nang maramdaman kong nasa akin ang atensyon ng lahat. "I left it." Mahinang napailing ang prof. "Find someone to share a book. Next time, 'wag kalimutang dalhin ang libro. It is the most important thing during calculus and algebra--" Dumada pa ito ngunit hindi na ako nakinig pa. At nilingon ang mga kaklase ko. Infairness, walang patapon sa section na'to. Puro gwapo. Pero hindi sapat para mabihag ako.  "Here," nakangiting wika ng isang lalaki. "You can share with me."  Mataman ko itong tinignan bago tumayo at naglakad palapit dito. May bakante namang upuan sa tabi nito kaya umupo ako dito.  "I'm Anthony Villaroel." Pakilala nito.  Tinanguhan ko lang ito at pinasadahan ng tingin ang nakabukas na libro. Ramdam ko naman ang pagtitig nito sa mukha ko kung kaya't muli akong nag-angat ng tingin dito.  "Why? May dumi sa mukha ko?" Kunot-noong tanong ko.  Umiling ito at namumula ang tengang umiwas ng tingin. "Nothing."  Umangat ang isang kilay ko at handa na sanang magtanong nang muling bumukas ang pinto at pumasok ang presidente. Ano nga ulit ang apilyedo nito? I maybe good in observing but I'm not good in memorizing names.  "Mr. Castro. Please take your sit, and open your book on page fifty seven." Ani ng prof.  Huminto ito sa pwesto ko at kunot-noong tinitigan ako. "What are you doing there?" "Pinatabi ko lang si Ms. Eleazar kay Villaroel dahil wala siyang librong dala." Paliwanag ng propesor.  Tumango si Castro. I don't know his name yet. And we're not close for name basis. "Go back to your seat. May libro ako."  Nagpatuloy ito sa paglalakad at umupo sa kanyang upuan. Sinundan ko lang ito ng tingin.  Matapos niyang makuha ang libro sa kanyang bag ay nag-angat ito ng tingin sa akin bago ako tinaasan ng kilay. This nerdy.. "What are you waiting for?" Mahinang usal nito na ikinairap ko.  Bumaling ako kay Villaroel na tahimik lang na nakikinig sa usapan namin ni Castro. "Babalik na ako. Salamat sa offer."  "You're welcome." He smiled showing his teeth with brace.  Tinanguhan ko si Villaroel at tumayo upang bumalik sa pwestong katabi ng kay Castro. I don't feel calling him president. Castro is better. Dahil na rin siguro sa kinulang ako sa tulog kagabi, nakaramdam ako ng antok habang naglelesson ang propesor.  "You're sleepy." Puna ng lalaking katabi ko.  Hindi ko nalang ito pinansin at pinilit ang mga mata kong idilat. Unlike our school, kahit nasa dulo ako, mapapansin pa rin nila ako kapag natulog ako dahil ako lang ang nag-iisang babae sa silid na 'to. Dagdag pang ramdam kong maraming sumusulyap sa pwesto ko. Nakakairita.  Kahit hindi ako lumingon, alam kong gumalaw sa gilid ko si Castro. I can see him through my peripheral vision though, inaayos niya ang kanyang salamin.  Something urged me to look at him and stare at his beautiful face.  And that's what I did. Nilingon ko ito at itinukod ang aking kaliwang siko sa lamesa bago pinatong ang aking pisngi sa aking palad.  "What?" Iritadong tanong nito nang mapansin niyang nakatingin na ako sa kanya.  "Nothing," mahinang sagot ko at pinasadahan ng tingin ang buong mukha niya.  He has this deep brown eyes na malulunod ka sa sobrang lalim. His pointed nose, his pinkish lips-- "Quit staring, Ms. Eleazar. Didn't you know it's rude?" He said, not even taking a glance at me. Nanatili ang tingin nito sa propesor na kasalukuyang nagdidiscuss.  "I know." I whispered. I dropped my head on the table slowly. Ginawa kong unan ang aking kaliwang braso at pinikit ang aking mga mata.  "Sleeping during class hours is strictly prohibited inside this university, Eleazar." He hissed.  Hindi ko nalang ito pinansin at hinayaan ang saril kong tangayin ng antok.  Nagising nalang ako sa mahinang pag-uga sa balikat ko. I opened my eyes only to see Castro's irritated facial expression. "Lunch time na. May punishment ka pang gagawin mamaya. Pumunta kang school guidance." Iritadong sambit nito bago tumalikod at naglakad paalis.  Ibinangon ko ang aking ulo at dinilat-pikit ang aking mga mata. Realization hits me.  Osht. I fell asleep! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD