"Huwag na lang kaya tayo tumuloy," sambit ko nang makasakay na kami sa kotse niya. Kinagat ko ang labi nang tignan niya ako ng masama. Papaandarin na sana niya ang sasakyan, pero natigilan siya nang magsalita ako. "Carrie, an---" "Kapag nagtanong si Ian, ano namang sasabihin ko?" Mabilis na tanong ko agad sa kanya dahil alam kung papangaralan nanaman niya ako. Ako naman ang tumingin sa kanya ng masama nang tumawa siya. "Just tell him what you feel, Carrie. Para kang bata! Ang tapang mo kapag nakikipag flirt ka sa kung sino-sino--" "Eh iba naman kasi siya! Can't you see? Saka Tell him what I feel? I can't do that, Helly! Ayoko nga tong nararamdaman ko tapos sasabihin ko pa?" Umiling-iling pa ako ng paulit-ulit. "So ano? Hayaan mo na lang sila ng pinsan mo? Okay, ikaw bahala. We don't

