Alam kong hindi dapat ito ang oras para isipin ang isang lalake, pero gusto ko siyang makita. Gusto kong kumuha ng lakas sa kanya. Gusto kong alisin sa isip ko ang nangyare kanina sa bahay. Gusto kong kalimutan kung paano sinuntok ni kuya si daddy at kung paano sabihin ni daddy na ibebenta niya ang bahay na tinirhan namin. "Salamat," sambit ko nang makarating na kami sa harao ng gate ng plantation ni Ian. "Tawagan mo na kaya," sambit nito kaya tumango ako. Nang makaalis ito ay napabuntong hininga ako at sinulyapan ang mataas na gate. Baka nagdadate pa sila ni Cena. Parang may tinik bigla sa lalamunan ko nang maisip iyon. Nagdadate sila. Nahihiya akong tawagan si Ian. Tumango ako kanina kay Helly nang sabihin nitong tawagan ko si Ian, pero ang totoo, wala akong balak na tawagan siya.

