Dahil sa seryoso nitong expression at sa pagbulyaw niya ay nakalimutan kong nagpapanggap lang akong lasing. Napalunok ako nang magtama ang tingin namin ni Sir Ian at natawa ito. Damn! Mabilis akong humawak kay Roi na parang bata. Napansin ko ang pagsulyap ni Sir Ian sa kamay ko na nasa braso mi Roi. "Roi--" Hindi ko natuloy ang sasabihin nang muling nagsalita si Sir Ian. "I'm warning you, Roi. Don't worry, tuturuan ko lang si Miss Tavera ng tamang asal bilang babae, na hindi dapat siya ang unang humahalik," sambit nito habang ramdam ko ang titig nito sa'kin. "Tito, she's drunk. Come on, hindi na kami mga bata--" Natigilan ulit si Roi. Roi tried everthing to talk his tito, pero wala itong nagawa. Hanggang sa nakikita ko na lang ang paglabas ni Roi. "What?" Inis na sambit ko na sa kany

