Hindi ko alam kung napagtantao ba kanina ni Roi na hindi talaga ako lasing, pero nang makita ko na nasa baba siya mismo ng hagdan nila at parang may hinihintay ay umarte ulit ako, pero hindi gaya kanina na halos matumba tumba ako, I just hold my head at binigyan siya ng mapungay na tingin. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagsulyap sa'kin ng iba pang tao na nakaupo sa sofa. Kung pwede lang na magpalamon na sa lupa ay talagang nagpalamon na ako. "I'm sorry, Roi. Naabala pa kita. I need to go, medyo nawala naman na 'yung hilo ko," sambit ko nang tuluyan akong makalapit. Napaiwas ako ng tingin ng makita ang titig nito sa'kin, then he sigh. He is ready to say something, pero hindi nito natuloy dahil nagsalita ang isang kaedad ni mama, sa tingin ko ay Mama iyon ni Roi dahil parehas sila

