“Honey!” malakas na wika ko nang buksan ni Rasdy ang pinto ng private room nito. Agad na minaniobra ko naman ang wheelchair palapit dito at hindi na pinansin ang mga tao na kasama ng mabuti kong kaibigan. “Berlin! Oh my god! I’m glad you’re awake!” hindi magkandatuto na wika naman ni Honey at mabilis akong niyakap nang makalapit ako dito. She’s currently lying on her bed at bumangon pa talaga siya para salubungin ako. Naramdaman ko ang pagkirot nang braso ko nang matamaan iyon ni Honey ngunit di ko na lang iyon ininda at niyakap ng mahigpit ito. “Why did you bring her here, Rasdy?” Dahan-dahan na napabitaw ako kay Honey at napatingin sa isang side ng room kung saan magkatabi na nakatayo sina Theo at Clyden at seryoso na nanonood sa amin. Alanganin na ngumiti ako sa mga ito saka tumingin

