The first day of my vacation leave s***h sick leave starts now. Maaga na umalis si Clyden dahil morning shift ito sa hospital. He doesn’t need any rest naman daw dahil wala naman itong injury at scratches lang ang natamo kaya nakabalik ito agad sa work. Katahimik ang sumalubong sa akin nang lumabas ako ng kuwarto. Huminga ako ng malalim at inilibot ang tingin sa kabuuan ng condo ko, wala akong makita na kahit anong dumi o alikabok dito dahil pinalinis ito ni Clyden bago ako lumabas ng hospital. Muli akong napabuntong hininga saka naglakad patungo sa kitchen. Pagbukas ko ng fridge ay agad na bumungad sa akin ang mga natirang food kagabi na galing pa kina Honey. Lasagna and pizza at iyong bucket of chicken. Kinuha ko ang lasagna at nilagay iyon sa microwave kasama ang pizza pa

