Pagod na pagod ako ng makarating kami sa park. Agad na naupo ako sa wooden bench at sumandal doon habang hinahabol ang paghinga ko. Mabilis din akong napadilat nang maramdaman ang pagtabi nito sa akin. “Iyan ang napapala ng hindi nag-e-exercise,” umiiling na wika ni Rasdy sabay abot sa akin ng bottled water. Agad na kinuha ko naman iyon saka uminom. “I hate you,” wika ko dito matapos inumin ang nasa bottled water. “I know sweetheart,” nang-aasar na sagot naman nito. Masama na tinignan ko ito na malakas niyang ikinatawa. “Ano bang trip mo today, Rasdy? Okay ka lang ba?” tanong ko pa dito. Med student pa lang kami ay parati na niya kaming kinukulit ni Honey na samahan siya mag-gym at mag-exercise, nauto niya si Honey noon at naging gym buddy sila pero sumuko rin si Honey

