Friday na naman, and Friday means exam. It’s already three in the morning pero nakabukas pa rin ang ilaw dito sa dining ni Honey kung saan kami nakapwesto. Nakapalibot na nakaupo kami sa dining chair habang nasa ibabaw naman ng lamesa ang mga laptop namin kung saan may nakakalat na mga printed reviewers and handouts. Mula sa pagkakaupo ay tumayo ako at lumabas ng kusina para mag-stretching. Tumayo ako sa harapan ng malaking glass window at pinagmasdan ang tanawin doon hanggang sa maramdaman ko na may tumabi sa akin. Agad na nilingon ko iyon at napangiti nang makita ang mukha ni Clyden. Ibinalik ko ang tingin sa harapan at tahimik na pinagmasdan ang city lights. Huminga ako ng malalim and it somehow calms my mind. “Are you free this Saturday?” basag ni Clyden sa katahimika

