Wrong move. Wrong decision. Bakit ba nawala sa isipan ko na after ng Friday ay Saturday? And that means na ngayon ang pagkikita namin ng Lolo ni Clyden. Huminga ako ng malalim saka bumalik sa pagkakahiga. Pinagmasdan ko ang chat message ni Clyden at paulit-ulit iyong binasa. From: My Jo See you later jo. I’ll fetch you after lunch. My Grandfather can’t wait to see you. Ibinaba ko ang cellphone ko matapos mag-reply ng ‘okay’ saka sinubsob ang mukha sa unan. Mariin akong pumikit at paulit-ulit na pinagalitan ang sarili. I should have talked to him yesterday when he asked me if he’s pressuring me or what. I should have said what keeps bothering me pero ano ang ginawa ko? Wala. Kaya ito ako ngayon at hindi alam ang gagawin. Muli akong huminga ng malalim saka naupo sa kama.

