Sa mga sumunod na araw ay naging busy kami ni Honey dahil na rin sa biglaang pagmamadali na mabinyagan ang mga anak namin. Clyden and I talked about this right after Honey mentioned it at sinabi ng asawa ko na magandang isagawa na ang binyag habang naka-leave pa ako at marami pang time. I immediately understood his reason at agad na sinabi kay Honey at nagsimulang magplano. It's been two weeks since we started planning for the baptism. May event organizer kami na siyang tumutulong sa amin sa pag-aayos but I don’t think it’s enough dahil hindi pa rin namin maiwasan na hindi kumilos lalo na sa pagpili ng catering service at venue. And it’s quite challenging dahil Harmony became so clingy and iyakin as days passes by, lalo na kapag nawawala ako sa tabi nito kahit na ilang segundo lang. Hi

